S.U. 6 The Freshmen

3.8K 110 14
                                        


CHAPTER 6

HAILEY'S POV

Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Caiden pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Lumipas na ang halos limang oras at dapat ay nakabalik na siya sa bahay nila. Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit kanina pa hindi mapanatag ang puso ko? Maging ang isipan ko ay kung saan-saan na lumalayag. Napatingin ulit ako sa aking relo. Sa mga oras na ito ay dapat mag-uusap na kami sa skype.

Napalingon ako sa aking bag na nakapatong sa desk ko. Bigla ko naman naalala na may importante pala akong gagawin ngayon. Tumayo agad ako mula sa pagkakahiga sa kama at mabilis na kinuha ang bag ko.

Inilabas ko ang list with ID pictures ng mga freshmen students sa Skrivena University na ibinigay sa akin kanina ng registrar. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga larawan na nasa ID nila. Ang sabi ni Aubrille, matangkad, medyo payat, taas taas ang buhok, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata ng lalaking nag-abot sa kanya ng buko juice.

Mula sa descriptions na ibinigay ni Aub, nilagyan ko ng marka ang mga pangalan ng estudyanteng may parehas ng descriptions sa ID picture. Though I'm not so sure kung tama ang mga pinili ko, nakakasigurado naman ako na latest ang pictures nila na nasa ID dahil sa school mismo kami kinuhaan ng ID picture habang nag-eenrol.

Umabot ng bente ang bilang nang mga naibukod ko. Mula sa benteng iyon ay binukod ko naman ang mga kasama sa list ng scholar students. Hindi ako sigurado kung tama ang clue na naisip ko tungkol sa scholar thingy. Binase ko lang ang idea sa pamamagitan ng quality ng juice at lalagyan nito na ibinigay kay Aub. Isa pa pala sa gumugulo sa isipan ko ay paano kung hindi scholar student ang nag-abot ng juice at tanging ang kaibigan niya lang na nagpasuyo sa kanya ang scholar student?

Sa totoo lang ay ayoko rin naman tignan ang status ng buhay ng mga estudyanteng ito. Pero kailangan kong gawin dahil isa iyon sa clue na maari kong gamitin. Mula sa bente ay naging dalawa na lang ang natira sa kanila. Dalawa ang scholar student, isa ay nag ngangalang Joseph Montes at ang isa naman ay si Ralph Samson.

Kinuha ko agad ang laptop ko at binuksan ang aking facebook account. Hinanap ko sa search ang pangalan ni Joseph. Lumabas naman agad si Joseph Montes, 17 years old at nakatira sa Batangas. Ang ibang details niya ay naka-private pero base sa profile picture at cover photo, mukhang matangkad siya na isa sa description ni Aub. Hindi naman kasi makikita sa ID kung matangkad ang mga iyon kaya malaking tulong ang public photos nila sa fb dahil may posibilidad na makikita roon o may mapagbabasehan ng height nila.

Sunod ko namang hinanap ay si Ralph Samson. Limang accounts ang lumabas. Inisa-isa ko pa iyon para tignan kung sino ang may hawig kay Ralph na hinahanap ko. Nang makita ko na ang mismong account ni Ralph ay binusisi ko kaagad ang nakapost na detalye tungkol sa kanya. 18 years old at nakatira sa Imus, Cavite. Ang picture niya ay isang anime character na hindi ko kilala. Pagdating naman sa cover photo ay nandoon siya at mukhang pamilya niya ata ang mga kasama niya. Mula sa larawan ay masasabi kong hindi matangkad si Ralph.

Naghanap din ako ng mga post niya na maari kong makita dahil naka public. Habang nagbo-browse ay umagaw ng atensyon ko ang isang post niya. Picture ng buko juice stall at may caption na 'Tara na't bumili sa bagong negosyo ni pareng Joseph'. Nang mabasa ko ang caption ay agad kong tinignan ang friend list niya. Viola! Magkaibigan sila ni Joseph Montes!

May nabuo agad na konklusyon sa utak ko. Maaaring si Joseph ang nag-abot kay Aubrille sa pag-uutos ni Ralph. May lead na ako at dapat makausap ko na agad sila.

Tamang tama pala dahil bukas ay may mahaba akong breaktime after lunch. Alam ko naman na ang section nila dahil nakasulat dito sa list at ang gagawin ko na lang ay puntahan sila sa mismong room o pwede ko ring ipatawag para hindi umagaw ng pansin sa mga kaklase nila.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon