S.U. 39 Losing Hope

2.3K 68 18
                                        


CHAPTER 39

KING SEAN'S POV

"Tarantado ka!" malakas na rinig ko sa may kuwarto ni Lourd sa music house.

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Keith na sinusuntok si Lourd. Hindi ako nagdalawang isip na awatin siya. Sa pagkakaalam ko ay kadarating lang ni Lourd galing France tapos ito ang sasalubong sa kanya?

"Ano ba Keith! Tumigil ka nga! Parang hindi ka kaibigan a!" sigaw ko. Nangangati ang mga kamay ko, parang gusto ko siyang upakan. Ang hirap kasi kay Keith, sana inintindi niya muna ang sitwasyon ni Lourd. Hindi rin biro ang pinagdadaanan niya!

"Parang hindi kaibigan? Naging maayos ang trato ko sa kanya! Tinuring ko na rin kayong parang kapamilya! Nirespeto ko ang gago mong pinuno! Hindi na ako magtataka kung bakit nag-away sila ni Prince noon. Walanghiya pala talaga ang gagong 'to!"

Muling sinuntok ni Keith si Lourd sa mukha. Hinarangan ko siya at hinawakan ang magkabilang kamay.

"Tama na sabi, Keith! May magagawa pa ba 'yang pananakit mo? Nangyari na ang mga bagay, hindi na 'yun maibabalik pa!"

Umiling si Keith at pinunasan ang kanyang mga mata. Ramdam kong nasasaktan talaga siya. Pero hindi naman tamang idaan niya sa pambubugbog. Nasasaktan din naman si Lourd!

"Mahigit isang taon na pala silang magkarelasyon ni Aubrille, alam mo ba 'yun King?"

Hindi ako umimik. Gusto ko munang pakinggan ang side ni Lourd bago ako mag-react sa sitwasyong iyon.

"Isang taon niyang tinago sa atin lahat. Ginawa nila akong tanga! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yun? Lagi akong dinededma ni Aubrille, nakikipag-usap ako sa kanya pero tangina, kaya pala ayaw makipagkita may syota na pala! Ginawa ko ang lahat, sinuyo ko siya at inasikaso ko mga gusto niya! Minahal ko siya kahit walang kasiguraduhan, nagpalunod ako sa malalim na karagatan kahit hindi ko alam kung tutulungan niya akong makaahon. Okay naman sanang masaktan e, okay lang malunod dahil may mga kaibigan akong tutulong sa akin. Sanay na akong mawasak pagdating kay Aubrille.

Pero alam mo ba ang pinakamasakit sa lahat? Ang paglihiman ka ng isang kaibigan na tiningala mo nang matagal na panahon! Sana kinausap niya na lang ako nang maayos. Ayos lang naman e, tatanggapin ko kahit masakit! Kaso hindi e, mas pinili niyang pagmukhain akong tanga! Tapos sinaktan niya pa ang taong pinakamamahal ko! Sino matutuwa sa ginawa ng walanghiyang Lourd mo ha?"

Tumalikod sa akin si Keith at emosyonal niyang pinagsusuntok ang pader. Nakaharang ako para hindi niya balikan si Lourd, mahirap na. Kasabay ng bawat pagsuntok ni Keith ay ang pag-iyak din niya. Pati tuloy ako nadadala sa sakit na nararamdaman niya.

"Nauunawaan ko ang punto mo rito, Keith. Pero nagawa na ba ninyong alamin ang dahilan ni Lourd? Lahat kayo nahusgahan na agad siya. Ilang beses akong tinawagan ni Kyler at iba mo pang kagrupo. Galit din sila tulad mo! Oo, given na, mali ang ginawa niya. Pero base sa pagkakakilala ko kay Caiden bilang isang pinuno ng grupo namin at bilang isang mabuting kaibigan, hindi niya iyon magagawa," paliwanag ko.

Narinig ko ang pagbungisngis ni Keith at humarap siya sa akin. "Gago ka rin 'no? Hindi niya 'yun magagawa? E nagawa na nga!"

"Ang point ko rito, may malalim siyang dahilan kaya nagawa niya ang bagay na 'yun. Naniniwala ako na malaki ang pagpapahalaga niya sa simbolo ng pakikipagkaibigan."

Napangiti si Keith na parang isang biro lang ang mga sinabi ko. Mas matagal kong nakasama si Lourd kaya kilala ko siya. May iba siyang dahilan na inilihim niya sa amin. Mahilig pa naman kumilos mag-isa si Lourd, hindi niya na kasi kami ginagambala.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon