CHAPTER 27
YOSEF JOHN'S POV
Kinakabahan ako. Nandito na kami lahat sa dining room. Dito kami pinadiretso ng katiwala ni Tita Heidy. Sumulyap ako sa mga kasama ko. Nakaupo sa tapat namin sina Caiden at ang grupo niya. Seyosong-seryoso ang mga mukha nila. Walang nagsasalita sa amin kahit isa kaya napakatahimik ng lugar.
Unang dumating sa amin dito ang Aphotic dread. Kulang pa rin sila ng isa dahil hindi pa pinapayagan si Braxly na makipagkita sa mga kaibigan niya. Kami rin namang Orphic braw, kulang din. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kina Prince at Hailey.
Sabay-sabay kaming umayos sa pagkakaupo nang dumating si Tita Heidy.
"How are you boys?" nakangiting tanong niya.
Nagkatinginan kaming lahat. Ano nga ba ang isasagot namin?
"Okay lang po kami, Tita," tugon ni Mave Troy.
"Good. Where's Knox?" biglang tanong niya.
Natigilan kami at napatingin ako kay Mave. Wala ba talagang kaalam-alam si Tita Heidy? O baka naman hinuhuli niya lang kami. Nakapagtataka rin na hindi niya hinanap si Hailey nitong mga nagdaang araw.
"I see. Mukhang may problema kaya hindi kayo makapagsalita," sambit ni Tita.
Nakatingin siya sa grupo namin. Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam kung paano sasabihin ang sitwasyon. Bakit naman kasi hindi namin ito napag-usapan.
"Let's eat," muling sabi niya.
Dumating ang mga helper at nilagyan kami ng pagkain sa pinggan. Habang kumakain ay nasusulyapan ko si Tita Heidy. Nakatingin lang siya sa amin. Pinagmamasdan niya lang kami. Siguro nasa isip niya bakit ang seryoso namin. Dati kasi kapag nandito kami, ang gugulo ng grupo namin. Kung sa bagay iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Marami na kaming pinagdadaanang problema na hindi matapos-tapos.
Ang sarap ng mga pagkain pero wala akong gana. Mukhang tapos na kami lahat pero halata ring walang gana kumain ang iba dahil halos hindi nagalaw ang mga putahe sa pinggan.
"Tita, bakit hindi ka po kumain?" biglang tanong ni Jia. Kanina ko pa 'yan napapansin. Hindi kumakain si Tita, nakamasid lang siya sa amin habang kumakain kami. Nakakailang tuloy kanina.
Tumingin sa kanya si Tita at ngumiti. "Sa tingin niyo ba magagawa ko pang kumain habang nawawala ang anak ko?"
Bigla akong napalunok. Kung gano'n ay alam niyang nawawala si Hailey. Pero hindi niya alam na pati si Knox ay nawawala rin.
Napansin kong yumuko si Caiden at hindi na nakaimik pa si Jia. Lumalamig na ang mga kamay ko. Parang pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Ang hirap naman ng sitwasyon namin. Ayokong magsalita mamaya. Baka mabara pa ako ni Tita.
"Bakit halos hindi ninyo ginalaw ang mga pagkain? Hindi ba masarap ang luto ng Chef ko?" tanong ni Tita na nagbigay kaba ulit sa puso ko. Medyo mataas na kasi ang boses niya na parang naiirita sa nakita niya.
Umiling agad ako. Hindi iyon totoo. Masarap talaga ang mga pagkain. Pero mukhang namis-interpret niya dahil madami kaming tira.
"Hindi na naman kayo makapagsalita! Sa inaasal ninyo, lalong lumalaki ang pagdududa ko sa ninyo! Slecht! (Bad)" sigaw ni Tita sabay bagsak ng kanyang kamay sa lamesa.
Napatingin kami lahat sa kanya. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang matinding galit at inis.
"Je leugenaars (You liars), let's go in my conference room!" Dinuro niya kami bago siya tumayo at naglakad palabas ng dining room.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Misterio / SuspensoOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
