CHAPTER 30
THIRD PERSON'S POV
"It's time! Are you ready, boys?" tanong ni Heidy sa grupong Aphotic dread at Orphic braw.
"Yes, Tita!" halos sabay-sabay na tugon nila.
May nakuhang lead si Heidy mula sa kanyang mga connections na nasa Pilipinas ngayon si Althea Lin Finsky. Sakto rin na nakatanggap sila ng death threat kagabi. Isang sulat na sinasabing bilang na lang ang mga araw nila sa mundo. May kasama pang pugot na ulo ng usa ang box na natanggap nila. May malaki pang kutsilyong nakatusok sa mata ng usa. Hindi tinablan ng kahit kaunting takot ang grupo nang mabasa at makita iyon. Alam nila na may laban sila at kayang-kaya nila iligtas sina Hailey at Knox.
Ngayong umaga ay palihim silang pupunta sa opisina ni Althea. Nakuha nila ang address nang i-hack ng Orphic braw ang system ng isang kompanya na pinaniniwalaang ka-business partner ngayon ni Althea. Hindi sila 100% sigurado na iyon nga ang opisina o dummy address lang. Pero gusto nilang subukan puntahan. Nakahanda naman sila kung may mangyaring hindi maganda. May kalayuan ang lugar at malayo rin sa siyudad. Kaya inaasahan na nilang limitado lamang ang mga residential at commercial buildings doon.
Sumakay sa dalawang itim na van ang grupo. Sina Jia at Kyler naman ay nakasakay sa motor. Sila ang unang magmamasid sa paligid. May kanya-kanya na rin silang suot na behind the ear microphone.
"Mauuna na kami!" sambit ni Jia.
"Sige Tol, ingat sila sa 'yo!" pabirong tugon ni Zaid.
Mabilis na lumipas ang apat na oras nang marating nila ang lugar. Isang malaking pulang gate ang bumungad sa kanila. Nauuna sina Kyler. Ang dalawang van naman ay medyo nakatago para hindi agad makita ng mga guards.
"Kyler, talk to the guard. Ask him about Althea. Tell them that we have a business proposal to her," sabi ni Heidy.
"Sige po, Tita."
Lumapit si Kyler sa guard. Sinimulan niya na itong kausapin. " Excuse me," sabi ni Kyler.
"Yes? May kailangan ka?" tanong ng guard.
"May business proposal po kami kay Ms. Finsky."
"Ano'ng pangalan mo? Tawagan ko muna ang secretary niya."
"Mr. Butch Rio, Sir."
Hindi ni Kyler tinanggal ang kanyang helmet dahil baka makilala siya kapag tinignan ni Althea sa cctv kung sino ang kausap ng guard. Sumulyap sa bawat gilid ang binata. Walang cctv sa loob ng guard's unit. Pero may cctv naman sa magkabilang side ng gate.
Hindi niya makita kung ano'ng nasa loob dahil ang gate ay walang butas kaya hindi masisilip. Nakatayo lamang si Kyler habang hinihintay ang guard.
"Okay daw. Puwede ka na pumasok. Wala pa raw si Madam. Hintayin mo na lang siya sa lobby ng 8th flr." Binuksan ng guard ang gate at pinapasok siya. Itinuro sa kanya kung saan siya dadaan papunta sa gusali.
"Salamat, Sir. So sa 8th flr lobby muna ako pupunta."
Pagpasok ni Kyler, bumungad sa kanya ang isang malawak na hardin. Ang gusaling sinasabi ay may kalayuan pa. Pero tanaw naman mula sa kanyang kinatatayuan. Sumakay na ulit ng motor si Kyler at pinaandar na iyon papunta sa gusali.
"What's in there, Kyler?" tanong ni Caiden.
"Isang malawak na hardin. Pinapupunta ako sa opisina, sa 8th flr daw. Mula rito sa gate, parang may 200 meters pa papunta sa building nila."
"Just wait in 8th floor. Jia will find other way on how to go there."
"Sige. Hihintayin ko na lang siya, Caiden."
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Mystery / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
