WARNING: Medyo harsh ang action scene. Patnubay ay kailangan sa mga batang mambabasa.
CHAPTER 37
THIRD PERSON'S POV
Puno ng dugo ang arena sa nagaganap na final fight. Ang arena stage ay may harang na mataas na bullet coated glass para hindi matamaan ang mga viewers ng mga weapon na ihahagis o papuputukin sa laban.
Hindi naiwasang mamangha si Caiden sa napapanuod niyang labanan. Napakagaling ng TJA's, suwabe ang atake ng babae at lalaki sa kalaban nilang kambal. Hindi na siya nagtaka kung bakit naging champion ang dalawa sa loob ng limang taon.
Bihasa ang babae sa paggamit ng mga throwing knifes, kunai at shuriken samantalang ang lalaki naman ay bihasa sa paggamit ng axe, combat knifes at dagger. Sa simula ng laban, unang kumilos ang babae. Pinapaulanan niya ng shuriken ang kalaban hanggang sa umikot-ikot ito sa arena kakailag at kada ilag naman nito, nakaabang na ang lalaki hawak ang nakamamatay na combat knife.
Planadong-planado ng nakamaskarang TJA's ang magiging kilos nila sa kalaban. Magaling din naman ang kambal dahil may istratehiya silang kakaiba na mukhang hindi napaghandaan ng TJA. Pero kahit gano'n, mas lamang pa rin ang TJA.
Sugatan na ang kambal, sa katunayan ay napuno ang katawan nila ng tama mula sa kunai at shuriken. Mas pinili nilang tamaan ng gano'n kaysa matamaan ng axe at combat knifes kakailag. Napansin ni Caiden na wala silang mga baril, ang akala niya ay ayos lang na kahit ano'ng gamitin sa laban pero mukhang walang nagdala ng baril.
Umabot na ng Round 5. Isa pang round ang kailangan para makumpirma kung sino ang mananalo. Pero wala pang napapatay sa mga fighters kaya mukhang magiging kapanapanabik ang natitirang round.
Kapansin-pansin ang biglang pagtigil ng kambal na lalaki. Hinubad nila ang suot nilang pangtaas na damit. May kinuha silang mga weapon sa bulsa ng pantalon at inilabas ang ilang poison gas. Isa ito sa deadliest gas na ginamit noon sa world war. Napatitig si Caiden sa kambal nang may isuot ang mga ito na protective mask para sa gano'ng klase ng gas.
Napasigaw ang mga tao nang makita iyon, bibihira lamang ang nakakakuha ng gano'ng klase ng gas para sa anumang labanan dahil ipinagbabawal na iyon ng gobyerno sa buong mundo. Tila natakot naman ang mga tao para sa TJA's dahil baka mapuruan ang iniidolo nila. Pero ang TJA's ay nanatiling nakatayo at hindi kakakitaan ng anumang takot base sa kanilang kilos.
Itinaas ng kambal ang tig-isa nilang hawak na poison gas. Pinakita iyon sa mga tao lalong-lalo na sa TJA. Nang tatanggalin na ng kambal ang seal ng poison gas, tumalon sa ere ang babae kasabay ng paghagis ng kunai sa kamay ng dalawang kambal. Nabitawan nila ang poison gas subalit ang isa ay na-open na. Mabilis na lumabas ang usok na nagmula roon.
Napatayo ang mga tao, kinakabahan sila sa susunod na mangyayari. Nakita pa ng lahat ang biglang pag-ubo ng babae na may kasamang dugo. Kaagad itong nilapitan ng lalaki, hinubad ang suot na damit at itinakip sa mukha ng ka-partner.
Umalingawngaw sa arena ang malakas na tawa ng kambal. Hindi sila nag-aksaya ng oras, sila naman ang sumunod na umatake.
Pinaupo ng lalaki ang ka-partner niya sa gilid ng arena. Hinalikan niya muna ito sa noo bago tumayo. Pagtayo niya ay hinarap niya agad nang buong lakas ang bawat atake ng kambal. Hindi niya hinayaan na makalusot ang mga ito na matamaan ang ka-partner niya.
Ilang minuto ang lumipas. Nagtamo na rin ng mga hiwa sa katawan ang lalaki. Umuubo-ubo na rin siya ng dugo habang nakikipaglaban sa galit na galit na kambal. Kung tutuusin ay nakakaawa na ang itsura niya, pero hindi siya sumusuko. Pinipilit niya pa ring lumaban kahit sobrang sakit na ng mata niya at hirap na hirap na siyang huminga dahil sa poison gas.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Mystery / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
