CHAPTER 19
JIA WANG'S POV
"Shit! Shit! Shit!" bulyaw ko. Nabaril ko ang mga aso, muntik na kasi nila akong makagat kanina! Buwisit! Nakakaawa, kaso ang tatapang kasi ng mga lecheng ito!
Pinasok ko na sa bulsa ang telepono ko at nagmadaling naglakad papunta sa maliit na bahay na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Napapalibutan ng mga puno ang liblib na lugar na ito. Halos natatakluban na ng mga sanga at dahon ang liwanag na nagmumula sa araw. Malayo na ito sa lungsod at puro mabaku-bakung daan ang dinaanan ko kanina.
Sobrang laki ng pasasalamat namin ni Braxly sa mga kapit-bahay ni Mrs. Salin dahil pinahiram nila kami ng mga motor. Kahit hindi kami nagpaliwanag sa kanila ay mukhang naunawaan nilang kailangan naming masundan ang babae. Nakita kasi ng ilan ang eksena kanina, dumating ang babaeng nakamotor, kaya ko nasabing babae ay dahil bakat ang umbok sa kanyang dibdib at fitted pa ang suot na itim na damit. Para siyang si Lara ng tomb raider, ang sexy!
Nakaabang lang ako kanina habang tatanggalin na sana niya ang kanyang suot na helmet, kaso napadako ang kanyang tingin sa nakaparadang kotse namin sa gilid. Awtomatiko siyang sumakay ulit ng motor at mabilis na umalis ng lugar. Ang lahat ng nakakita ay nagtaka rin kaya walang sabi-sabi ay pinahiram nila ang motor para masundan namin kung sino iyon.
Habang sumusunod kami, hindi namin inaasahang may mga kasamang iba ang babae paglabas ng lugar nila Mrs. Salin. Puro mga naka-motor din at sa tingin ko ay nasa anim na kalalakihan iyon. Walang plaka ang mga motor. Umalingawngaw ang malakas na mga putok nang sunod-sunod kaming pinagbabaril! Nagkahiwalay kami ni Braxly nang matumbok namin ang crossing. Napunta kasi siya sa kanan kasama ang apat na lalaki at ako naman ay sa kaliwang kalsada napadaan. Nanatili pa rin akong nakasunod sa babae.
Sa totoo lang ay agaw eksena kami sa kalsada kanina. Mabuti na lang at iilan lang ang mga sasakyang nakakasalubong namin. Hindi malabong anumang oras ay may mga pulis nang makakatunton sa amin kung nasaan man kami. Nabaril ko na rin kanina ang dalawang lalaking asungot sa pagsunod ko sa babae. Mukha ngang hindi babae dahil kung magpatakbo ng motor ay para siyang kasali sa motor racing.
Sumunod lang ako kung saan niya ako dalhin, hanggang sa mapadpad na kami sa tagong lugar na ito. Bumaba ako ng motor at naglakad na lang kanina, para hindi na maglilikha nang malakas na ingay. Sa aking paglalakad ay hindi ko inaakalang sasalubungin ako ng mga aso. At iyon na nga, nabaril ko na sila bigla. Aminado akong takot sa gano'ng klase ng hayop. Duwag na kung duwag! Ayoko lang talaga makagat dahil sobrang sakit no'n at possible pang makakuha ng rabies!
Nang makalapit na ako sa maliit na bahay ay sinuri ko agad ang paligid. Hinanap ng aking paningin ang bakas ng gulong ng motor sa lupa. Sumilip muna ako sa bintana ngunit wala akong nakita sa loob, kaya pinuntahan at binuksan ko agad ang pintuan ng bahay.
Pagpasok ko sa loob ay katahimikan ang bumungad sa akin. Parang hindi napadaan dito ang babae, mukhang pumunta siya ng tuluyan sa kagubatan na nasa likuran lang ng bahay na ito. Ngunit bago ako umalis ay tinignan ko muna isa-isa ang bawat sulok ng bahay. May mga kagamitan naman pero ang iba ay inaagiw na sa sobrang tagal sigurong hindi ginagalaw.
Clear ang sala, walang makikitang puwede maging ebidensiya. Clear din ang kuwarto dahil kama lang ang gamit na makikita roon. Clear din sa banyo, halatang hindi nagagamit dahil puro sapot na sa paligid. Ngunit may napansin ako pagdating sa kainan at kusina. May mga butil ng kanin na nakita ko sa sahig at sa lababo. Mukhang bago pa lang ang kanin dahil hindi pa matigas. Posibleng may kumain rito kanina o kagabi.
Tinignan ko ang bawat sulok ng kusina kung may mga pinagkainan na makikita, basura o resibo at kung ano pa, ngunit wala. Lumabas na ako ng bahay at tinignan ang paligid. Baka may makita akong ebidensiya sa gilid-gilid.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Misteri / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
