CHAPTER 38
THIRD PERSON'S POV
Kinabukasan, bumalik na sa misyon si Caiden. Naglibot siya sa buong Sicily na halos inabot ng dalawang araw. Sa kanyang paglilibot ay hindi nakaligtas ang tatlong sasakyan. Ang tatlong limousine na may kaparehas ng plaka na nakita niya sa labas ng abandonadong gusali no'ng main event ay nakita niya sa isang luxury hotel malapit sa airport.
Sinubukan niyang pumasok doon. Nagawa niya iyon at nagpanggap na visitor. Naggugol siya ng isang araw para libutin ang buong hotel at nag-abang sa lobby ng mga lalabas at papasok na VIP, subalit hindi niya nakita ang hinahanap. Mahigpit pati ang seguridad sa hotel kaya naging delikado ang kanyang mga plano.
Hanggang umabot ang ika-pitong araw niya sa Sicily. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Caiden. Nagmamasid pa rin siya sa loob at labas ng luxury hotel, hindi niya hinahayaang masayang ang kanyang mga oras sa wala. Kaya kahit pagod na pabalik-balik ay wala siyang pakialam. Minsan pa nga ay napansin siya ng mga guwardiya na parang nag-eespiya lang. Pero dahil magaling sa aktingan ang binata, napalabas niyang nag-stay siya sa hotel at marami siyang transactions kaya siya pabalik-balik at madalas magmasid.
Isang gabi, babalik na sana si Caiden sa tinutuluyan niyang hotel para magpahinga, ngunit napansin niyang may lumabas na sasakyan mula sa luxury hotel. Naalerto siya at bumalik ang kanyang sigla. Napangisi siya nang makita na mga limousine iyon na kanyang sinusundan. Gamit ang narentahan niyang motor ay muli niyang sinundan ang tatlong sasakyan.
Huminto sila sa Catania airport. Lumiko si Caiden sa gilid para hindi siya mapansin ng mga bababa sa kotse. Pumuwesto ang binata sa anggulong matatanaw niya nang maigi kung sino man ang lalabas sa sasakyan. Nagmasid na din siya at nakiramdam sa paligid.
Bumaba ang mga body guards na sakay ng dalawang limousine. Lumapit sila at pinalibutan ang nasa gitnang limousine.
Saktong-sakto ang puwesto ng binata dahil pagbukas na pagbukas ng body guard sa pinto ng kotse ay bumungad sa kanya ang imahe ng isang babaeng nakaupo. Nang tumunghay ito ay malinaw niyang nakita ang mukha, ang mukha ng kinamumuhian niyang babae na matagal niya nang gustong patayin, si Althea Lin Finsky.
Nagsuot si Althea ang shades at nagpatong ng scarf sa kanyang ulo bago lumabas ng sasakyan. Tumalikod agad si Caiden para hindi siya mapansin pagdaan ng mga ito sa gilid niya.
Protektado ng mga body guards si Althea. Malabong may makalapit na iba sa kanya. Pumasok sila sa loob ng airport. Si Caiden naman ay sumunod sa kanila. Nagsuot din ito ng shades at kunwaring palinga-lingang tumitingin ng mga flight schedules na nasa screen sa paligid.
Pumasok sina Althea sa loob ng VIP lounge ng airport. Papasok na rin sana ro'n ang binata subalit hinarangan siya ng dalawang pulis. Hinanapan siya ng Airport VIP card bago papasukin, ngunit wala siyang maipakita.
Naglibot si Caiden sa kabuuan ng airport. Naghanap siya ng puwedeng madaanan papapunta sa VIP lounge, pero nabigo siya. Wala talagang ibang puwedeng daan maliban sa entrance na may mga pulis na nagbabantay at exit na nakakonekta papunta sa eroplano.
Naisip niyang magsuot ng maintenance uniform para kunwaring maglilinis ng lounge pero hindi pala iyon maaari. May note na nakalagay sa labas na bawal maglinis ang mga maintenance staff sa loob ng VIP lounge kapag may tao pa sa loob at naghihintay. Mahigpit ding ipinagbabawal na magpalibot-libot sila sa paligid ng lounge dahil baka mapagkamalang nagmamatyag sa mga importanteng tao sa loob.
Mahigpit ang seguridad para sa mga importanteng tao na kliyente ng airport. Kaya nag-isip ng ibang paraan si Caiden. Kung hindi siya makakapasok, kailangan niyang malaman kung saan papunta si Althea.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Mystery / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
