S.U. 51 Another Game

2.4K 53 10
                                        

CHAPTER 51

THIRD PERSON'S POV

"Ahhhhhh!" sigaw ni Thyra sa kanyang silid. Napagtanto niyang nasa isang hospital siya at iyon ang isa sa pinaka ayaw niya. Nagwala na naman ang dalaga. Ang matinding takot na kanyang nararamdaman ay lalong tumaas. Kasabay ng takot ay ang pagtataka kung bakit siya'y naroroon.

Napansin niyang may mga suwerong nakakabit sa kanyang magkabilang kamay kaya tinanggal niya iyon nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto. Napaawang ang kanyang labi at pigil-hiningang pinagmasdan kung sino ang pumasok sa loob. Isa itong babae na may malaking shades at nakasuot ng sombrero. Diretsong naglakad ito palapit sa kanya.

"Aubrille?" sambit niya nang tanggalin ng dalaga ang suot na shades.

"Hi! Teka, ano'ng ginagawa mo at bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong nito nang makita niya ang mga dugo at mga suwerong nasa kama.

Bumaba sa higaan si Thyra at hinawakan ng kanyang nangangatal na kamay ang magkabilang kamay ni Aubrille na ikinabigla ng huli.

"Please help me Aub, ayoko sa hospital!" seryosong sabi niya. Halata sa mga mata niya ang takot at pangamba na nagbigay ng hint sa mapagmasid na si Aubrille.

Sandaling natigilan ang dalaga na tila nag-iisip sa isasagot nito kay Thyra. Alam nito kung ano ang pakay niya roon subalit mukhang mapupurnada iyon dahil sa hindi nito inaasahan ang nangyari kay Thyra, may takot pala siya sa hospital.

Tumango ito at hinawakan sa balikat si Thyra. "Sige, itatakas kita rito. Hindi ka puwedeng makita ng mga staff." Tinanggal ni Aubrille ang nakasabit sa kanyang leeg na bandana at inabot iyon kay Thyra. "Ito suotin mo. Itaklop mo sa mukha mo." Nahalata nito ang hindi mapakaling galaw ng dalaga at sinabing, "Teka muna, nanginginig ka pa rin, pakalmahin mo muna sarili mo para maayos tayong makalabas dito, okay?"

Pilit na ngumiti si Thyra at pinahiran ang mga luhang pabagsak na sana. Mahirapan kontrolin ang emosyong natatakot subalit kailangan niyang gawin para sumunod sa kaibigan. Kinuha niya ang bandana at itinaklob sa kanyang ulo. Ipinulupot niya na rin ang dulo ng tela sa kanyang leeg. Ilang sandal lang ay hinila na siya agad ni Aubrille palapit sa pinto. Sumilip muna ito sa labas ng pintuan bago tumakas.

"Wala ng tao sa labas. May cctv dito Thyra, ang kailangan mo lang ay yumuko at huwag mong ipapakita ang mukha mo. Maglakad ka lang ng mabilis at sundan mo lang ako. Huwag na huwag mong ipapahalata na tumatakas ka, stay calm." Sasagot pa lang sana si Thyra nang muli siyang higitin nito. "Let's go!"

Kasalukuyan na silang naglalakad sa hallway ng section C. Hindi sila dumaan sa elevator kundi sa fire exit para iwas sa maraming tao. Ayaw ni Aubrille makasalubong ang Aphotic dread lalong-lalo na si Caiden na sa tingin niya ay pabalik na sa silid ni Thyra.

May mga nakasalubong silang mga tao sa hagdan pababa pero hindi nila pinahalata na tumatakas sila. Alam si Aubrille na anumang oras ay mapapansin ng section C staff na wala ng pasyente sa VIP room kaya kailangan nila magmadali bago pa man magkaroon ng announcement sa buong hospital at maharangan sila sa mga exit doors.

Ito ay isa sa mahirap nilang gagawin dahil madaming security sa Yueting General Hospital, subalit malakas ang loob ni Aubrille na ituloy ang pagtakas dahil may panibago na naman itong planong nabuo.

"Hurry Thyra, mapapansin na nilang wala ka sa VIP room. Sa basement 1 tayo lalabas. Dalawang floor na lang. Faster!" sambit ni Aubrille.

Ramdam na ramdam nila ang mainit na pakiramdam ng kinakabahan at mga pawis na tumulo kahit pa man fully air-conditioned ang hospital. Pagdating sa basement 1 ay hindi nga nagkamali si Aubrille. In-announce sa buong hospital ang pagkawala ni Thyra sa VIP room na lalong nagbigay tensyon sa kanya.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon