S.U. 2 Losing a father

6.4K 172 26
                                        

CHAPTER 2

HAILEY'S POV

"How are you my star?"

"Ito okay naman, masaya ang first day of school," mabilis kong sagot kay Caiden. Kasalukuyan kaming nagvi-video-skype ngayon sa loob ng kuwarto ko. Kakadating ko lang galing sa school, masaya naman talaga ang first day dahil nakasama ko ulit ang mga kaibigan ko.

Bigla akong napahawak sa aking sentido at sinimulan itong hilutin. Tuwing naiisip ko ang ginawa ni Freja kanina ay talaga nga namang nakakakirot ng ulo.

Why all of the sudden naging gano'n siya? I thought we're fine. I thought everything will be okay after the incident. Pero parang mas lumala ang galit niya sa akin.

"Why do you look so tired? What's bothering you?" biglang tanong ni Caiden. Natigilan ako, honestly nakalimutan ko saglit na kausap ko pala siya.

"Wala naman, I guess this year will be difficult for me. Graduating na tayo, tapos ako na ang hahawak ng kompanya namin next year." Tumunghay ako at tumingin sa kanya. Seryoso siyang nakaupo sa kanyang wheel chair habang pinapaikot sa kanyang kamay ang cellphone niya. Nakakatitig lang siya sa akin na parang binabasa ang galaw ko.

"You're lying," diretsong sabi niya.

Hay, masyado na bang mabilis basahin ang reaksyon ko? Ayokong ikwento si Freja sa kanya. Isa pa, unang araw pa lang ng klase, paano kung sa simula lang naman pero sa mga susunod na araw ay maging okay na kami.

Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko kanina. Masaya dahil nagkita kami at kaklase ko pa, pero malungkot dahil siya pala si Queen na bulung-bulungan dati pa at higit sa lahat, nakaramdam ako ng inis sa inasta niya. Malawak ang pag-unawa ko pero kanina, parang ang bilis kong napuno. Nagmadaling umakyat sa ulo ko ang mga dugo sa buo kong katawan.

"You're spacing out Zoe. Spill it."

"Kaklase ko ngayon si Freja," tugon ko habang nakatingin sa kanya. Kapansin-pansin na hindi nagbago ang reaksyon niya, para bang alam na niya na possible ngang sa Skrivena pumasok si FJ. Pero kung sa bagay, kasama sa may-ari ng school ang mga Gertler. Kaya alangang sa ibang school pa siya papasok.

"So? What's the problem?"

"Nagkainitan kami kanina. I don't know what the problem is; I just felt that she's different now." Hindi umimik si Caiden. Patuloy pa rin niyang pinapaikot ang cellphone sa kanyang kamay habang nakaharap sa laptop. Nakasuot siya ng sando na kulay puti kaya kitang kita ko ang lumalaking biceps niya. Mukhang nag-e-exercise na siya simula nang umalis ako roon.

"Let me tell you a story," panimula ni Caiden na umagaw agad ng atensyon ko.

Napangiti ako at muling nagsalita, "Really? Kukwentuhan ako ng isang Caiden Brii Houston?"

"Yea. There's a man who wants to undergo in a limb surgery. He made a very careful decision after consulting a doctor and learning the facts about the knee joint and leg condition and post-operation procedures. He decided to travel in the Philippines after six months of fvking rest, medication and therapy. So that, he would be able to take good care of his star and spend the rest of his life showing that damn love to her," kwento niya.

Napayuko ako dahil hindi ako makaimik, totoo ba? Tama ba ang intindi ko? Naramdaman ko na lang ang pangingilid ng luha ko. I'm so happy, super happy, dahil sa wakas ay nakapagdesisyon na talaga siya.

"Spechless?" rinig kong tanong niya. Tumunghay ulit ako at tinitigan siya. Nakangiti ngayon si Caiden, ramdam ko tuloy na masaya rin siya sa naging desisyon niya.

"Really?" Nakita kong tumango siya sabay ngiti.

"Hindi ako makapaniwala! Finally, nakapagdesisyon ka na Caiden. Ang saya! Kung alam mo lang, gustong gusto kong yakapin ka, nagpapasalamat ako dahil naunawaan mo na ang gusto kong mangyari."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon