One day can CHANGE everything!
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel
Please read the book 1 (Skrivena University) before this :)
#Fiction #Mystery #Action #Romance
Khelielove copyright 2015-2016
All rights reserved.
"Ano'ng nangyari Prince?" tanong ni Hailey sa binata pagdating nito sa meeting place nila.
Huminga nang malalim si Knox at pinunasan ang mga pawis sa kanyang mukha. Napalingon naman ito sa gilid nang abutan ito ng bottled water ni Caiden.
"Drink first," sambit ni Caiden.
"Salamat." Kinuha ni Knox ang tubig at ininom ito. Lihim namang napangiti si Hailey sa nasaksihan. Kahit papaano ay maayos naman ang pakikitungo ng dalawang binata sa isa't isa.
"Wala kaming nakuhang lead kay Rico Tieng. May kasunduan daw sila no'ng Madam na sinasabi niya. Kahit buhay niya ang kapalit ay hindi pa rin daw siya magsasalita," kuwento ni Knox.
"Gano'n ba? Nasaan na siya ngayon? Ipakulong niyo na lang. Malay niyo, magsalita rin kalaunan," sabi ni Hailey.
Napatingin si Knox sa mga mata ng dalaga. Napabuntong-hininga ito. Hindi nito alam kung paano sasabihin na hindi na nila hinayaang mabuhay pa si Rico Tieng.
"Ano, Prince?" tanong ni Hailey.
Hindi pa rin makaimik ang binata. Pilit itong nag-iisip ng magandang panimula sa kanyang sasabihin.
"He killed that bullshit, Zoe," singit ni Caiden.
Muling tinignan ni Hailey si Knox.
"Pumatay ka na naman?" kunot-noong tanong ng dalaga. Sanay na siya sa nagaganap na patayan, ngunit hanggat maaari ay ayaw niyang may pinapatay ang grupo nila nang basta-basta.
"Wala na siyang pakinabang, Princess."
"Ano? Sa 'yo oo, walang pakinabang. Pero paano ang pamilyang naiwan niya? Malaki ang pakinabang niya sa mga taong umaasa sa kanya! Hindi na nga lang ako nakapagsalita nang barilin mo agad si Troy Makarino! Nagsalita naman siya pero hindi mo hinayaang mabuhay 'yung tao!" Hindi namamalayan ni Hailey na tumataas na ang boses niya.
"Alam ko, pero mamamatay din naman siya dahil sigurado akong hindi hahayaan no'ng Madam na mabuhay ang taong maaaring maging testigo laban sa kanya."
"What a lame reason! Paano ka nakakasigurado? Isa pa, at least hindi ikaw ang pumatay!"
"Please stop shouting, Zoe. I agree with him. We need to kill all the people involved in this case," singit ni Caiden.
Napatingin siya kay Caiden, "Ano? Isa ka pa! Ganito na lang ba tayo lagi? Papatay ng ibang tao?"
"Yes! This is our life, Zoe. We live in a dark world. Killing is our only action to eliminate the enemies."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"I'm so disappointed!" huling sabi ni Hailey bago niya tinalikuran ang dalawa.