S.U. 45 When You Look At Me

2.1K 62 16
                                        

CHAPTER 45

THIRD PERSON'S POV

"Shit! Miss!" sigaw ng general manager.

Tumayo siya at lumapit sa dalaga. Nag-aalangan siyang hawakan ito subalit nakita niyang nahihirapan nang huminga si Ms. Olsen, nakayuko na kasi ito sa sahig habang sinusuntok ang dibdib. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng dalaga at itinaas ito.

"Miss, what's happening to you?" nag-aalala niyang tanong.

"Al—lergy," paputol-putol na tugon ni Thyra.

Dahan-dahang tinanggal ng general manager ang bandana sa mukha ng dalaga. Bumungad sa kanya ang namamagang mukha nito na puno ng pantal. Bahagya siyang naalarma nang tuluyang manghina si Thyra at bumagsak sa mga balikat niya. Kinalong niya agad ito palabas ng silid at tinawag ang kanyang sekretarya.

Mabilis silang nagpunta sa clinic ng kompanya. Nilapatan ng paunang lunas si Thyra at nilagyan ng mga suwero para makapasok ang mga liquids na kailangan ng kanyang katawan. Walang malay ang dalaga kaya sinabihan ang sekretarya na kontakin ang mga kamag-anak nito. Subalit hindi nila alam kung sino ang tatawagan dahil hindi nila kilala ang pamilyang Olsen.

Kinausap ng doctor ang general manager tungkol sa sitwasyon ni Thyra.

"Mr. Houston, you said she has an allergy right?"

"Yes, she told me before she passed out."

Sumulyap ang doctor sa dalaga 'tsaka nagsalita, "Based on her physical symptoms, she has an allergy in a certain food, maybe seafood or nuts, whatever it is. Those reactions in her physical and immune system can be life-threatening, so people with this type of allergy must be very careful to avoid their food triggers. I will give you the medication suitable for her condition."

"You can give it to my secretary. Thank you, Doc. I need to go now," sambit ng general manager.

Tumango ang doctor. Lumapit naman agad si Elaine sa kanyang boss nang tawagin ito. Sinabihan ito na kapag gumising na si Thyra, sabihin na i-reschedule na lang ang meeting para makapagpahinga siya.

Paglipas ng halos tatlong oras ay bumuti na ang pakiramdam ni Thyra. Umipekto agad ang mga gamot dahil actual siyang natignan ng isang specialist doctor. Hindi na rin gaanong maga ang kanyang mukha kahit medyo namumula pa rin. Maayos na rin siyang nakakahinga at gumaan na ang kanyang pakiramdam.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay agad siyang napabangon. Bumungad kasi sa kanya ang puting kisame at puting silid.

"Ayoko rito! Ayoko!" paulit-ulit niyang sigaw. Marahas niyang tinanggal ang nakaturok na suwero sa kanyang kamay.

Bumukas nang malakas ang pinto at pumasok ang nagmamadaling si Elaine. "Ma'am, ano po ang nangyayari?" Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga dugo sa kamay ng dalaga.

"I want to go home!" sigaw ulit ni Thyra. Hinila niya ang mga suwerong pumulupot sa kanyang braso at pilit iyong inilalayo.

Nilapitan siya ni Elaine at pinigilang magwala. "Ma'am huminahon ka po." Tinapik nito ang dalaga at nang huminahon ay nanginginig ang mga kamay nitong pinunasan ang mga dugo sa kamay ni Thyra. Ngunit hindi pa rin huminto ang paglabas ng mga dugo sa tinusukan ng suwero. Nag-papanic na si Elaine nang mapansin nitong umiiyak na ang dalaga.

"Ayoko rito sa hospital! Bakit niyo ako dinala rito! Ilayo ninyo ako!" sambit ni Thyra.

Hinawakan ni Elaine ang likod ng dalaga at marahang hinaplos. "Ma'am wala ka po sa hospital. Nandito ka lang po sa clinic namin."

Napatigil si Thyra at pinahiran ang kanyang mga mata. Nilibot niya ng tingin ang buong silid.

"Malaki po ang clinic namin dito. Para na siyang mini-hospital na kakaunti lang ang mga room. Gusto po kasi ni Ma'am Sandberg na kapag nagkaroon ng problema sa kalusugan kaming mga empleyado nila ay maidadala agad dito sa clinic na halos kompleto na rin sa gamit para hindi na raw kailangang isugod pa sa labas o sa malayong hospital."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon