CHAPTER 59
THIRD PERSON'S POV
MARAHAS na pinunit ni Althea ang mga pirmadong dokumento at contract ng shares transfer nila Thyra at Zach sa kanya. Nakatanggap ng tawag si Madam mula sa kanyang abogado ilang minuto pa lang ang nakalilipas.
"The morons are prudent! The signatures are fake even their valid documents and ID's! What the hell!" sigaw niya.
Hindi ma-validate ang contract of shares dahil ibang signature ang ginawa ni Thyra. Planado iyon ng dalaga para manatili pa rin sa pangangalaga niya ang 60% stock shares ng kanyang pamilya. Si Zach naman ay nagkataong iba rin ang ginamit na signature dahil alam nitong hindi nararapat na kay Madam mapunta ang 20% shares na pinaghirapan ng mga Sandberg's.
Hindi iyon pinag-usapan ng dalawa subalit parehas nilang naisip na dayain ang signature at maging ang mga ID na pinasa nila para sa seguridad ng mga Sandberg's.
Alam ni Zach kung gaano kamahal ni Hailey ang kanyang pamilya. Kaya para dito, kahit hindi na bumalik ang mga alaala ng dalaga ay pangangalagaan pa rin nito ang pinaghirapan ng pamilya na pinagmulan ni Thyra. Hindi niya ibibigay ang stocks sa kinasusuklaman nitong tao. Kahit pumapayag ito sa mga kagustuhan ni Madam, hindi pa rin nawawaglit sa kanyang isipan ang hirap na pinagdaanan ng lahat dahil kay Althea. Maging ang kanyang ina na dinamay sa gulo, ang ina nitong pinagselosan nang sobra-sobra ni Madam ay namatay ng walang kalaban-laban at hindi man lang nito naprotektahan, napalagpas nito ang nangyari dahil binura ni Madam ang kanyang mga alaala noon.
Nanggigigil na uminom ng kape si Madam. Madaling araw na subalit hindi pa rin siya mapanatag dahil hindi niya inaasahang mauutakan siya ng dalawa. Akala niya ay talagang sumusunod sa kanya ang mga ito. Ilang sandali lang ay napangiti siya bigla nang makatanggap ng mensahe sa kanyang inutusan sa airport. Binalita sa kanya na walang nakaligtas sa naganap na pagsabog ng eroplano.
Abot tenga ang kanyang ngiti at hindi rin maitago ang nagtatalong tuwa ng kanyang dibdib. Hindi man nagtagumpay ang pagpapabagsak niya sa Sandberg's Corp ay mukhang nagtagumpay naman siya sa pagbura kina Hailey at Knox sa mundong ito.
"I've been waiting for this to happen. Finally, the moron lovers are eliminated in this world!" Sumandal si Madam sa kanyang sofa bed at tumingin sa malayo habang iniinom ang kanyang kape. Kinapa niya sa tabi ang telepono para tawagan ang kanyang anak na sa tingin niya ay nasa warehouse pa rin dahil hindi pa bumabalik sa katabing silid. Pinaasikaso kasi niya sa anak ang kanilang negosyo ng mga unlicensed armors and guns dahil mawawala sila ng ilang linggo.
Pagsilip ng araw ay aalis na sila para makapagbakasyon sa Hawaii. Pagbalik nila ay saka niya aayusin ang plano laban sa natitirang Sandberg at Houston. Buo pa rin ang desisyon niya na pabagsakin iyon dahil nangangati ang kanyang mga kamay na agawin ang puwesto na narating ng mga Sandberg's sa industriya ng negosyo.
Pipindutin pa lang sana niya ang numero ng anak sa telepono nang biglang tumunog iyon. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil madaling araw na subalit may aktibo pa ring tumatawag sa kanya.
"What the hell do you need at this time?" sigaw niya.
"Madam, I'm sorry. I just want to inform you that there's an enemy attacking us. She's equipped with full armor!"
"She? Who is that shit? Link to my laptop all the cctv's in your place! Bring her to me ASAP!"
Tumayo si Madam at kinuha ang kanyang laptop sa kama. Binuksan niya iyon at hindi mapakaling hinihintay ang link ng mga cctv sa loob ng warehouse. Walang ibang pumasok sa isipan niya kung sino ang naglakas loob na pasukin ang tinataguan nila kundi si Hailey lamang. Subalit ang pagkakaalam niya ay patay na ito, hindi nakaligtas sa naganap na pagsabog sa eroplano.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Детектив / ТриллерOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
