CHAPTER 7
HAILEY'S POV
"May itatanong lang kami kaya namin kayo pinatawag," panimula ni Knox.
Pinagmamasdan ko lang ang dalawa. Si Joseph ay nakayuko habang nilalaro ang mga kamay samantalang si Ralph ay palinga-linga sa paligid. Kapansin pansin ang biglang pagngiti niya at ang mga mata niyang kumikinang habang tinitignan ang bawat sulok ng quarter. Sa tingin ko ay nagugustuhan niya ang desenyo dito sa loob.
Napasulyap ako sa tinitignan niya. Ang wall paper ng mga ultimate dancers around the world ang kanyang pinagmamasdan. Napadako rin ang kanyang tingin sa mga DVD racks na puno ng mga music albums at ang mga malalaking speakers sa bandang dulo.
"Can I have your attention please?" rinig kong tanong ni Knox kaya napatingin ako sa kanya. Seryosong seryoso siyang nakatitig sa dalawa. Si Joseph ay humarap na sa amin at tumango bilang pagsang-ayon. Maging si Ralph ay umayos na nang pagkakaupo at tinignan na rin kami.
"Good. It's important to answer our questions honestly or else, you won't see your bullshit face anymore! Understood?"
Mabilis na napatango ang dalawa at namayani ang katahimikan sa buong silid. Malamig naman dito pero mapapansin ang kanilang pamamawis. Hindi rin sila makatingin ng diretso sa mga mata namin.
"Kilala niyo ba si Aubrille Coleman?" tanong ko. Biglang napatingin sa akin ang dalawa
"Opo," sagot agad ni Joseph.
"Paano niyo siya nakilala?
"Nakita po siya ni Ralph sa library no'ng first day namin dito tapos ipinagtanong niya po ang pangalan kaya namin nalaman," muling tugon ni Joseph. Napatingin ako kay Ralph, nakatingin lamang siya sa kaibigan na hindi man lang umiimik. Parang hinahayaan niya na ito na ang magsalita para sa kanya.
Kaya naman napatanong agad ako diretso sa kanya. "Ikaw ba Ralph ang nagdala ng buko juice kay Aubrille?"
"Ako po ang nautusan niyang magbigay ng buko juice," singit ni Joseph. Napakunot ang noo ko. Siya na naman ang nagsalita kahit si Ralph ang tinatanong ko.
"Teka muna, ikaw ba ang tinatanong ko Joseph? Bakit ikaw ang sumasagot?" taas kilay kong tanong.
Natigilan siya saglit at mahinang sumagot. "Sorry."
"Bakit hindi ikaw ang nagbigay ng juice Ralph?" Napakamot sa ulo si Ralph sa naging tanong ko. Para bang nahihiya na hindi mo maipaliwanag.
"Kasi ano po, kasi -"
"Kasi in love po siya kay Aubrille," sabat ni Joseph.
Napasapo ako sa noo. Ang kulit talaga ng lalaking ito, hindi naman siya ang kinakausap ko. Bakit ba ang hilig niyang pangunahan ang sasabihin ng kanyang kaibigan?
"Ikaw na naman ang sumagot! Pwede bang si Ralph muna ang sumagot? Pwede?" sarkastikong tanong ko.
"Okay sige," tugon niya. Napansin ko ang pagiging malikot ng kanyang mga binti. Kanina pa kasi paulit-ulit na taas baba ang mga iyon.
Muli akong tumingin kay Ralph. "Ano Ralph?"
Tumingin siya sa mga mata ko bago nagsalita. "Sorry po. Nahihiya po kasi akong magpakita sa kanya dahil baka hindi ko magustuhan ang magiging reaksyon niya. Na love at first sight po ako sa kanya," paliwanag niya. "'Wag niyo pong sasabihin sa kanya please?"
Tumango naman ako. Simula pa lang ay alam ko ng gusto niya ang kaibigan ko. Pero iba ang gusto kong malaman ngayon. Gusto kong hulihin kung aware ba siya na sira ang buko juice na binili niya. "Alam mo bang ang binili mong buko juice ay sira na?
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Mystery / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
