CHAPTER 41
THYRA AISHA'S POV
"Jeg er så spent!" (I'm so excited) sigaw ko pagkaupo sa First class seat.
Anyway, I'm thinking to change my language from now on. Since we'll be going to Manila, it's better to speak Tagalog rather than English nor Norwegian. And also to make me feel that I'm belong in that country even for a short period of time.
"Hindi ako," biglang sabi ni Zach. Nakangiti akong humarap sa kanya dahil siya mismo ay nagtagalog. "What, Babe?" kunot-noong tanong niya.
Bahagya akong tumawa. See, ang bilis niya mairita. "Can we use Tagalog language from now on? What do you think?" tanong ko. Sandali siyang natigilan. Marahil nag-iisip kung tamang gawin ba namin iyon o hindi.
"Alright. Deal!"
Nanlaki ang mga mata ko. Ang saya! "Oh gawd! Salamat. Gusto ko kasing maramdaman na parang mga Pilipino tayo pagdating doon." Hinawakan ko ang kamay niya at mahigpit na pinisil.
Bigla niya akong niyakap at sinabing, "I love you so much, Babe." Ang sweet talaga ng boyfriend ko! Ang suwerte ko talaga sa lalaking ito.
"I love you more, Babe!"
Naalala ko no'ng una kaming magkita. That was so magical! Parehas kaming may sakit at nag-aagaw buhay pero may kakaiba dahil pakiramdam ko no'n, napakasaya ko nang makita siya.
"I love you the most," dagdag niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at kumindat pa sa akin. Ang guwapo talaga! Nakakainis!
"I love you to the moon and back!" Hindi ako nagpatalo syempre.
"I love you more than anything else," nakangising sabi niya.
"I love you forever, Babe," bulong ko at ako naman ang yumakap. Sana ganito na lang kami palagi. Masaya, walang problema at ie-enjoy na lang ang buhay. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, wala na akong hihilingin pa.
Mahigit 12 hours ang biyahe namin papuntang Manila. Mukhang makakarami ako ng panunuod na movies.
"Babe, let's watch movies. Mamaya ka na matulog ha, sabayan mo ako," sabi ko sa kanya. Ngumiti ang guwapo kong boyfriend at binuksan ang screen sa harap ng upuan namin.
Okay, manunuod na kami! Yehey!
*****
Mabilis na lumipas ang mga oras. Bumaba na kami ng eroplano ni Zach. Napakadaming tao. Pinagmasdan ko ang itsura ng mga Pilipino. Ang lahat ay nakangiti, masayahin nga talaga sila sabi ni Inay. Madami rin ang nag-aabang sa labasan para sa taong mahal nila. May mga hawak pang signage na may pangalan ng taong hinihintay nila at may nakalagay na 'Welcome Back! We love you' ang sweet! Ang iba, mukhang iiyak na habang naghihintay. Mayroon ding tumatakbo at yayakapin ang taong dumating. Ang saya nilang panuorin. Naramdaman ko kaagad ang mapagmahal na ugali ng mga Pinoy.
"Babe, ang saya nila panuorin," sambit ko.
"Yeah. I feel the love in the air," tugon niya. Humawak ako sa bewang niya at niyakap siya habang naglalakad kami.
Hinahanap namin ang driver na kontak namin sa hotel nang may sumagi sa gilid ko. Muntik na akong madapa. Mabilis akong inalalayan ni Zach at mabilis niya ring hinawakan sa braso ang babaeng nakasagi sa akin.
"Hey! Watch your step, Miss. You hit my girlfriend!"
"I'm sorry, I'm in a hurry. I didn't notice her," tugon ng babae. Tinignan niya ako at ngumiti sa akin. Mukha naman pa lang mabait.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Misteri / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.