S.C. 3

2.5K 63 13
                                        

       

SPECIAL CHAPTER 3

HAILEY'S POV

"Ma'am Hailey, pinabibigay po ni Sir."

Sumulyap ako sa aking sekretarya. Sa dami ng ginagawa ko, nagawa niya pang abalahin ako. Nagsabi na ako kanina na wala munang kakausap sa akin. "I told you Thea to..." Napatulala ako sa hawak niya. "...from whom?"

"From Mr. Gilbert. I'm sorry Ma'am, ayoko po sanang guluhin ka kaso hindi po siya aalis sa labas kung hindi ko ito ipapasok dito sa loob ng opisina mo. Sorry ulit Ma'am."

Napabuntong-hininga ako. Mr. Gilbert again and again... he always gave me these kinds of stuff. "Please shoot it in trash. Tell him that I will never approve his request if he will always send me flowers or anything!"

"Yes Ma'am sorry po."

Napahawak ako sa sentido ko. Ang kulit talaga ng lalaking iyon. Sa tingin niya ba ay makukuha niya na ang approval ko sa mga regalong pinapadala niya? No way!

It's been two years since I decided to put up another company that dealing with different kinds of insurance. It is dissimilar from Sandberg's Corporation wherein my Hubby is the new CEO. My mother resigned from the position and we decided to let Caiden manage our long time business.

And now, I'm the one managing this starter business named Sandhoust Insurance Inc. Naisipan ko kasing gumawa ng sariling life insurance na mas maraming maitutulong sa mga kliyente nito kumpara sa kasalukuyang life insurance na namamayagpag sa bansa. Gusto ko ring humawak ng insurance sa bahay at sasakyan kaya napagdesisyunang overall insurance company ang itayo namin.

Tumunog ang landline ko na bahagyang bumigla sa akin. Kakasabi ko lang na huwag akong guguluhin ngayon. "Thea, please I'm busy. What d—"

"Ms. Hailey Sandberg," rinig ko sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. Ngayon lang ulit may tumawag sa akin sa pangalan ko no'ng pagkadalaga.

"Correction, Mrs. Hailey Houston. Who's this?"

"You don't look like a married lady. Mr. Gilbert here... please my dear, I need your approval immediately. You know, we need you to be our special guest in the opening of our business next week. You're an icon in business industry. Please let my team be inspired by your words."

Napaikot ang mga mata ko sa narinig. Ang kulit niya talaga! Ilang beses ko na bang sinabi sa kanya na pag-iisipan ko pa. Wala namang masama sa imbitasyon niya. Actually I was flattered to be a special guest. But my problem is my hubby. I don't think that he will allow me to do this. Kaya hindi ko siya masagot-sagot sa request niya ay dahil hindi pa rin ako nakapagpaalam kay Caiden.

Hindi ako makakuha ng magandang pagkakataon. Alam naman kasi ng lahat na ayaw ng asawa kong napupunta ako sa lugar na maraming lalaki. Kaya nga ang kompanya kong ito ay puro babae lang ang empleyado. Tanging ang mga bodyguards at maintenance lang ang lalaki rito.

Okay lang naman sa akin at sanay na ako sa ganitong arrangement. Seloso kasi talaga si Caiden at iyon ang hindi na mawawala sa sistema niya.

"Allow me another three days to decide. There's nothing wrong with your invitation but I need to double check my schedule if I'm free. And also, can you please have a little patience? You've been continuously bugging me for almost every day for two weeks."

Masyado akong abala at isa siya sa gumugulo sa akin. No'ng una ay napaka-professional niya subalit ngayon ay hindi na. Siguro ay dahil siya mismo ang may-ari ng negosyo nila. Isang clothing company ang itinayo niya na nakabase sa Maynila. Kumuha siya ng mga kilalang designers na makakasama niya sa negosyo.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon