CHAPTER 28
THIRD PERSON'S POV
Nakasandal sa puno si Hailey habang nakatingin sa malawak na kalangitan. Hawak niya ang kanyang mga paa na sugatan at namumula. Wala kasi siyang sapatos o kahit tsinelas man lang na magagamit habang siya ay lumilibot sa buong isla. Halos napuntahan niya na ang bawat lugar ng isla para maghanap ng tao na mahihingian ng tulong, ngunit nabigo lang siya.
Dalawang linggo na siyang nag-aabang, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring naliligaw na mangingisda, turista o kahit sinong tao sa kanyang lugar. Paulit-ulit siyang nagsusulat ng malaking HELP sa buhanginan, nagbabakasakaling may makakita mula sa mga eroplanong dumadaan.
Hindi naging madali ang kanyang pinagdadaanan para lang mabuhay sa isla. Natuto siyang umakyat ng puno para kumuha ng bunga, kahit nagkasugat-sugat ang kanyang mga paa at binti. Natuto rin siyang manguha ng isda isang beses sa tulong ng patpat at iba pang bagay na magagamit niya, ilang ulit niya iyon sinubukan subalit isa talaga iyon sa mahirap gawin.
Natuto siyang gumawa ng apoy sa tulong ng mga bato, maging ang paggawa ng mahihigaan ay nagawa niya na rin. Isa na lang ang hindi niya pa nasusubukan, ang bumuo ng bangka o balsa para makaalis na sa isla.
Sa loob ng dalawang linggo, naging mabilis ang pagliit ng katawan ni Hailey. Madalas din siyang manghina dahil hindi sapat ang kinakain niya sa araw-araw. Malaking tulong ang mga prutas na nakukuha niya sa loob ng kagubatan para mapawi kahit papaano ang sakit ng tiyan.
Tuwing hindi maganda ang panahon, pinagkakasya niya ang kanyang sarili sa isang batuhan na sinisilungan niya panandali.
Dumidilim na, subalit nanatili pa rin si Hailey sa kanyang puwesto at nakamasid sa kalangitan na unti-unting nagniningning.
Always remember, Zoe. I am your star in day and night and willing to shine more for your entire life!
Biglang sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Caiden noon.
We all have hours of darkness in our lives. Hours when we feel alone, hours when we are depressed, hours when we feel like the world has turned against us, hours when we seemed to have run out of luck, and hours when we feel like life cannot possibly get any worse. Even during these hours of darkness, you can still shine. We can all be stars that shine, you're my star Zoe.
Napangiti si Hailey. Hindi niya sukat akalain na tandang-tanda niya pa pala ang mga pakilig words ni Caiden noong panahon na hindi pa malaki ang problemang hinaharap nila.
"I miss you, Caiden. Alam kong hindi ka titigil hanggat hindi ako nakikita," sambit ni Hailey sa sarili.
Itinaas niya ang kanyang kamay at tinuro ang mga bituin. "Kayong mga stars, ituro niyo naman kay star man kung nasaan ako oh... please! Tawagin ninyo si Caiden, papuntahin niyo siya rito. Ituro niyo ang daan sa kanya," mahinang sambit ng dalaga.
Habang isa-isa niyang tinuturo ang mga bituwin, dahan-dahan namang tumutulo ang kanyang mga luha.
Whenever you feel lonely and about to cry, just look up in the sky and you will see the biggest and brightest star shining, that's me your only star...watching over you.
"Ayan ka na! Hi, Caiden!" malakas na sigaw ni Hailey. Nakita niya ang pinakamalaking bituin na mas nagniningning sa lahat. Kumabog ang kanyang dibdib na animoy nasa harap nga niya talaga ang binata.
"Bakit gano'n, kung kailan malayo ako, saka ko naramdaman ang sobrang pagka-miss sa 'yo. Parang ayaw na kitang lumayo pa sa akin. Bumaba ka na rito, Caiden! Nag-iisa lang ako rito oh... alam mo ba, first time kong gawin ang mga ginagawa ko rito. Para lang mabuhay at makasama ka ulit pati si Mommy. Huwag kayong mag-alala ni Mommy ha! Ligtas naman ako e, kumakain din naman. Kahit ang hirap kumuha ng mga makakain araw-araw, kinakaya ko siya para magkaroon pa rin ako ng lakas lumabas sa panibagong pagsubok na ito.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Mystery / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
