S.U. 46 Coincidence

2.3K 57 10
                                        

CHAPTER 46

THYRA AISHA'S POV

Pagkatapos ko ibigay kay Elaine ang pangalan ng hotel na tinutuluyan ko ngayon ay agad niyang tinawagan ang driver ni Caiden. Medyo nahihiya ako dahil ihahatid pa talaga ako, pero puwedeng dahil sa sitwasyon ko ngayon kaya naisipan ni general manager.

Ang lupet! Executive General Manager pa talaga si Caiden, so hawak niya ang lahat ng department ng kompanyang 'yun at mas hands on siguro siya sa mga nangyayari sa negosyo. Hindi ko talaga inaasahan na magkikita kami rito, isa pa, mas hindi ko inaasahan ang nangyari kanina!

Namumula na naman ata ang mukha ko. Bakit ba naman kasi pumasok-pasok pa ako sa office niya. Nakakahiya talaga! Ano nga ba 'yung nahawakan ko? Una abs niya, tapos 'yung isa pa sa baba. Nakakaloka! Bakit hindi ko nahalata kanina? Ang likot naman kasi ng kamay ko, pasaway na kamay!

"Ma'am, excuse po." Bigla akong natahimik. Baka pagkamalan pa akong baliw, nagsasalita ako mag-isa.

Inayos ko ang buhok ko at humarap kay Elaine, "Yes?"

"Nasa lobby na po ang driver. Puwede ka na pong bumaba, Ma'am. Ingat po!" Ngumiti nang matamis si Elaine.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at kumaway pagsakay sa elevator. Napatingin ako sa aking relo, 7pm na? Gano'n kabilis lumipas ang mga oras? Hala, si Babe nga pala!

Patakbo akong nagpunta sa lobby. Pagdating doon ay hinanap ko agad ang driver. Mabilis ko naman siyang nakita dahil sa suot niyang uniporme. Hinatid niya ako sa isang magarang kotse na nasa gilid, teka! Ito ang gusto kong bilhin na kotse a! Grabe, napakaganda talaga! Mayroon na si Caiden? Ang bilis naman niyang nakabili.

Tumigil ako sandali. Masusi kong pinagmasdan ang kulay itim na Mercedes-AMG GT 2016. Kulay yellow naman ang gusto kong bilhin. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti kapag nakikita ko ang kotseng ito. Pero, seriously? Itong kotse ang maghahatid sa akin?

Napatingin ako sa mukha ng driver. Seryoso siya, as in seryoso talaga siya. Pinagbuksan niya agad ako ng pinto nang mapansin niya sigurong tapos na akong tumitig sa sasakyan. Ang taray lang! Ito pa ang maghahatid sa akin sa hotel.

Pagsakay ko sa loob ay bigla kong naalala si Zach. Kailangan na naming magmadali. Knowing Babe, malamang ay may kausap na 'yung mga pulis o imbestigador para ipahanap ako.

Gusto ko sanang i-enjoy muna ang pagkakaupo ko sa front seat ng gustong-gusto kong sasakyan pero... I can't! Nanlalamig na ang mga kamay ko. Ngayon pa lang ay damang-dama ko na ang pag-aalala ni Babe. Hindi ko talaga sinasadya, I'm sorry!

"Sir, thank you sa paghatid!" Bumaba agad ako ng sasakyan at tumakbo papasok sa loob ng hotel. Sumulyap ako sa relo ko, naku mag 9pm na. Sobrang traffic talaga!

Sumakay na ako ng elevator. Nangangatog ang mga paa ko at hindi ako mapakali habang naghihintay na huminto na sa floor namin ang elevator. Ang dibdib ko, parang sasabog na sa sobrang kaba!

Pagbukas ng elevator, tumakbo na naman ako. Pagdating ko sa pinto ay saktong bumukas ito.

"Babe!" sigaw ko. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Wala akong narinig na kahit na ano'ng salita mula sa kanya pero naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin.

Kumalas ako at hinawakan ang kanyang mga kamay. "I'm sorry. Alam kong pinag-alala kita. I forgot my phone. I'm really sorry, Babe. Huwag ka na magalit sa akin."

Hindi siya umimik pero kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Mabilis ko iyong pinahiran at hinalikan siya sa kanyang labi nang marahan at may lambing. Kapag ako ang unang humalik, sumasabay na rin siya ng halik sa akin. Pero iba ang nangyari ngayon... hindi siya gumanti ng halik.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon