S.U. 42 Ready Bitches?

2.3K 64 18
                                        

CHAPTER 42

THIRD PERSON'S POV

Dumating na sina Thyra at Zach sa condominium ni Roxie. Isa itong condominium na may 30 palapag. Tapat din ito ng Manila Bay kaya nagustuhan agad ni Thyra pagkakita.

Sinalubong sila ni Roxie pagpasok nila sa lobby.

"Thyra and Zach, welcome to my condominium!" Nakipagbeso si Thyra sa dalaga at ngumiti si Zach.

Ipinakita muna ni Roxie ang amenities ng kanyang condo bago sila inakyat sa 20th floor na kung saan naroroon ang unit na ibebenta niya.

"Itinayo ang condo na 'to Five years ago. Bagong-bago pa talaga at masusi ko 'tong iniingatan. Mahigpit ang security at sigurado akong magugustuhan ninyo ang unit na ibebenta ko. Halika!"

Pumasok sila sa isang 3 bedroom unit. Hindi naiwasang mapangiti si Thyra. Ang kulay ng kuwarto at ang mga desenyo ay nagustuhan niya. Magkahawak ang kamay nila ni Zach na pumunta sa balcony. Parehas ang view na nakikita nila sa hotel kaya walang pag-aalinlangan na nagustuhan din nila ang condo unit.

"Do you like it, Babe?" tanong ni Zach sa nobya.

"Yes, I super like it. So?"

"Okay, we'll buy this unit." Napayakap sa tuwa si Thyra dahil may unit na silang dalawa sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahan nilang property sa buong Asia.

Masayang nagpunta sa living room ang dalaga at tinawag si Roxie. "We'll buy this condo unit. Ano pang kailangan mong dokumento namin?"

"Wow, that's great. I'll ask my secretary to prepare the papers that you need to sign. I think, I just need your valid ID for this transaction," tugon ni Roxie.

Pagkatapos ng ilang usapan nila ay nag-aya si Roxie na kumain sila sa labas. Hindi na sumama si Zach dahil may pupuntahan itong importanteng bagay. Medyo nag-alinlangan si Thyra dahil ayaw niyang mahiwalay sa nobyo pero hinayaan pa rin niya ito sa huli.

"This restaurant is one of the best for Filipino cuisine," sambit ni Roxie pagkaupo nila sa kainan.

Pinagmasdan ni Thyra ang paligid. Malapit sa dagat ang restaurant kaya kung sa labas kakain ay paniguradong malalanghap ng mga bisita ang amoy ng dagat. Para sa dalaga ay nakaka-refresh iyon.

Nasa isang mamahaling kainan sila at hindi biro-biro ang mga kumakain doon. Karamihan ay kilalang personalidad sa pulitika at business tycoon. Napansin iyon ni Thyra, base sa suot at gamit ng mga kumakain ay alam niya ng mayayaman na tao ang nasa lugar.

"Ikaw na ang um-order Roxie. Ipatikim mo sa akin ang masasarap na Filipino foods."

"Got it!" Tumawag ng waiter si Roxie at sinabi ang mga pagkaing ipapatikim nito. Pagkatapos um-order ay kinuha nito ang cellphone at may pinadalhan ng mensahe.

[Bitch! I have a surprise for you. You'll gonna love it!]

[Shut up, Bitch! Our friendship is over! Block you!]

[Don't do that. Guess what, I'm with your special friend!]

[I have no time for this shit anymore!]

[Special friend turned to dangerous enemy. I guess you already know what I'm saying, Bitch!]

[What? The real Bitch is back? She's alive?]

[She's with me. Hindi naman siguro multo 'tong kasama ko.]

[Where are you?]

[Wow! Kaya love na love kita, friend! We're here in my favorite Filipino restaurant, owned by your former Babe! See you around, Bitch!]

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon