CHAPTER 22
HAILEY'S POV
"Bata, magandang tanghali. Nandiyan ba si Aling Nora? Puwede ba namin siyang makausap?" tanong ko sa batang naglalaro sa gilid ng kalsada, sa mismong tapat ng bahay na pupuntahan namin.
Nasa loob kami ng subdivision kung saan nakatira ang pamilyang Finsky dito sa Norte. Walang tao sa mansyon nila. Matagal na raw hindi iyon binabalikan ng pamilya pagkatapos manganak ng kanilang anak na si Althea. Balita rito na nasa ibang bansa na sila at hindi na babalik pa. Ngunit wala pa ring nakapagpapatunay sa mga nakausap namin kung kasama ba ng mag-asawang Finsky ang kanilang anak pag-alis at nakapagtataka pa dahil wala rin silang kaalam-alam kung patay na nga ba si Althea.
May nakapagsabi sa amin na ang katiwala nila na si Aling Nora ang maaari naming makausap at matanungan ukol doon. Kaya naman nandito kami ngayon sa mismong tahanan niya. Halos ilang bahay lang ang pagitan nito mula sa mansyon ng mga Finsky.
Tumango ang bata at sinamahan kaming makalapit sa bahay nila. May tinuro ang bata sa amin. Pagtingin ko roon ay hindi ko inaasahang sobrang tanda na pala ng taong hinahanap namin.
Pumuwesto kami sa veranda nila. Nakaupo sa isang rocking chair si Lola Nora. Nakaharap siya sa kalsada na tila nagmamasid lang sa paligid. Kami naman ay umupo sa mga silyang nasa tabi niya. Iniwan muna kami saglit ng bata, na sa palagay ko ay apo ni Lola. Tahimik naman ang paligid kaya magiging maayos ang aming pag-uusap.
"Magandang tanghali, Lola Nora. May itatanong lang po sana kami, kung ayos lang," panimula ko.
"Oo naman. Ano iyon, Iha?" tugon ng matanda.
"La, matagal ko na pong hinahanap ang kaibigan kong si Althea. Kukunin ko po sana siyang Ninang sa anak ko."
"Ano'ng pangalan mo, Iha?"
Biglang akong natigilan. Hindi ko kasi puwedeng ibigay ang buong pangalan ko. Napatingin ako kina Caiden at Knox. Kunot-noo silang nakatingin kay Lola.
"Kaklase po niya ako noong highschool. Ako po si Thelma," sabi ko.
Pinagmasdan ko ang reaksiyon ni Lola. Umiling siya na parang hindi naniniwala sa mga narinig.
"Iha, ano'ng pakay mo sa alaga kong si Thea?" tanong ni Lola.
Biglang kumalabog ang dibdib ko. Mukhang may mali sa nasabi ko kanina. Pero paano? Ano'ng nakakaduda sa mga sinabi ko?
"Si Thea ay walang kaibigan, Iha. Ayoko ng sinungaling. Gusto kong malaman kung ano ang iyong pakay sa alaga ko," mahinahong sabi ni Lola.
"Lola, kailangan talaga namin malaman kung nasaan siya. Kailangan po namin siyang makausap. Importante po ito. Sana'y matulungan ninyo kami,"sambit ni Knox.
Napabuntong-hininga ako. Mukhang nakahahalata na si Lola. Malakas ata ang kanyang pakiramdam.
"Alam ninyo mga Iho at Iha, kung ano man ang pakay ninyo sa alaga ko, kalimutan na ninyo."
Nagkatinginan kaming tatlo nila Caiden. Sa tingin ko ay alam na rin ni Lola ang dapat sabihin sa mga taong maghahanap kay Althea. Wala nga kaming mapapala sa kanya.
"Bakit po, La? Bakit mo po nasabi iyan?" tanong ko.
"Matagal na siyang wala, Iha. Inunahan niya akong pumunta sa kaharian ng Panginoon. Napakabata niya pa para mawala sa mundong ito. Wala akong nagawa dahil nagpasakop ang alaga ko sa kadiliman," malungkot na tugon niya.
Mababakas sa kanyang mga mata ang matinding kalungkutan. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Talagang masakit iyon at mahirap kalimutan.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Mystery / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
