CHAPTER 23
THIRD PERSON'S POV
"Shit! Shit! Shit!" sigaw ni Caiden. Nakailang beses na sila ni Mr. Ting umikot-ikot sa lugar. Maging ang gusali na pinasok ni Hailey ay naikot na rin nila ngunit hindi pa rin nila makita ang dalaga, maging si Knox.
Paglipas ng dalawang oras ay dumating na rin ang buong grupo ng Orphic Braw kahit nagpapagaling pa ang mga sugat na natamo ni Keith. Sumunod ang Aphotic Dread maliban kay Braxly na hanggang ngayon ay nasa mahigpit na seguridad ng Pamilya nito. Pareparehas silang nagtataka sa mga nangyayari. Planado kasi ang lahat. Ang pagpunta sa Bicol ng grupo nila King ay nagkaroon din ng aberya. Subalit matagumpay naman nilang nakuha ang Pamilyang Salin.
Ang grupo naman nila Kyler at Mave ay naging matagumpay din dahil na-hack nila ang telepono ni Joseph. Subalit tulad nila King, nagkaroon din ng aberya. Napasok ng kalaban ang kanilang tambayan at nakuha ang telepono ni Joseph, maging ang mga impormasyon ay nawala sa computer system nila dahil na-block ng kalaban. Pero may back-up file naman sina Kyler kaya ayos lang. Isang application na lang ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin para tuluyan na nilang makuha ang impormasyong hinahanap.
Ang grupo nila Keith at Yosef ay maaring nagtagumpay subalit ang impormasyong kailangan mula kay Rico Tieng ay hindi na nila nakuha pa. Ngayon, ang grupo nila Caiden ang nasa delikadong sitwasyon. Nawawala si Hailey at si Knox!
"Kyler and Mave, I need your help. Please check the cctv connection of that damn condominium! Including the lobby, parking areas, hallways and elevators. We need to trace the location of Zoe and Knox," utos ni Caiden.
Mabilis na kinuha ni Mave ang laptop na dala at si Kyler naman ay may pinipindot sa kanyang telepono. Ilang saglit lang ay bumaba si Kyler ng kotse at pumasok sa loob ng condominium. May kailangan siyang ikabit sa mga kable roon para tuluyang ma-access ang cctv's.
Habang naghihintay sila sa makukuhang impormasyon nila Mave, sumakay sa kabilang kotse si Caiden. Pinuntahan niya roon ang Aphotic dread at sinabing kailangan nilang puntahan ang matandang nakausap nila bago mangyari ang insidente. Kahit malalim na ang gabi ay nagmadali pa rin silang kumilos at sinunod ang utos ni Caiden.
Nagmaneho na si Jia papunta sa sinasabing direksyon ni Caiden. Pagdating nila sa bahay ng matanda, kapansin-pansin na napakadilim ng lugar. Walang kahit na anong ilaw sa labas at loob ng bahay. Sinenyasan ni Caiden na magmasid sila sa buong kabahayan. Kung may pagkakataon ay papasukin nila ang loob nito.
"Lourd, papasukin na namin. Mukhang wala namang tao e," bulong ni Zaid.
Tumango si Caiden bilang pagsang-ayon. Pinaandar niya ang kanyang wheel chair para makasunod sa mga kasamahan. Ang binuksan nila Zaid ay ang pintuan mula sa likuran.
Nang mabuksan na nila, agad nilang pinasok ang loob. Pagbukas nila ng ilaw ay magulong bahay ang tumambad sa kanilang paningin. May mga basag na pinggan at baso sa may kainan. Nagkalat din ang mga kanin at ulam sa sahig. Pagdating sa sala ay nagkalat din ang mga gamit doon. Samantalang sa loob ng kuwarto ay walang kahit isang bagay ang nagulo.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Misterio / SuspensoOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.