S.C. 5

2.1K 51 23
                                    

SPECIAL CHAPTER 5

HAILEY'S POV

"Hubby! Caiden! O-ouch..." Naramdaman ko ang sunod-sunod na contractions na mas lalong tumatagal at sumasakit!

"Zoe? Are you okay? What's happening?" nag-aalalang tanong niya.

"Manganganak na ata ako!"

"What? Wait... what? Our baby is coming out?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi mapakaling nagtatatalon na parang bata.

"Our baby is coming!" malakas na sigaw niya. Lumapit siya sa akin at kinarga agad ako. Lumabas kami ng bahay papunta sa kanyang sasakyan. Nagsimula ang sakit sa lower back hanggang sa dumapo sa ilalim ng aking tiyan at ngayon ay masakit na rin ang mga legs ko.

"Contractions don't go away in any position. It hurts! It's now getting frequent and more painful, and fall into a regular pattern. Faster hubby!" sigaw ko. Ayoko mang sumigaw pero hindi ko makontrol ang emosyon ko. Masaya ako na parang nag-aalala. Normal ang lahat ng nararamdaman ko. Ganito pala kahirap ang pinagdadaanan ng mga ina. Mas grabe pa pala ang pagdadaanan ko mamaya!

"This is normal right?" biglang tanong ko habang hinihimas ang aking tiyan.

"Yes. Just stay calm my star. I'll call the doctor and Tita Heidy."

Naramdaman ko ang lalong pagbilis ng kanyang pagmamaneho habang kausap niya ang doctor at si Mommy. Nang makarating kami sa hospital ay mukhang pumutok na ang amniotic sac ni Baby. Naramdaman ko ang biglang pagtulo ng likido mula sa aking private part. Pinakalma ako ng mga nurse. Pinaliwanag ulit nila sa akin ang labor stage at mga dapat kong gawin.

Matagal na sa aking sinabi ang mga dapat gawin sa ganitong pagkakataon pero mukhang nawala sa isip ko lahat nang kabahan ako at nag-alala. Iniwan muna nila ako sa labor room pansamantala. Mayamaya'y tinitignan ng nurse ang lagay ng baby ko.

Pagkatapos ng ilang oras ay tinawag ko ang nurse. Gustong-gusto ko ng magpunta sa CR dahil ihing-ihi na ako. Pero hindi niya ako pinayagan. "I want to poop really bad, and there's some pressure pushing down in me!" sabi ko sa kanila. Hindi talaga ako mapakali na ganito ang pakiramdam. Nagpupumilit ako tumayo pero muli nila akong pinigilan.

Lumipas ang isang oras na pakiramdam ko ay ito na, lalabas na talaga si baby! Ramdam na ramdam ko na siyang parang bababa na sa sinapupunan ko. Naglapitan ang mga nurse at tinignan ako.

"Okay, Misis. Lalabas na po ang baby. Sasabihan lang namin si Doktora."

"Breathe continuously, stay calm Misis," sambit ng doktor.

Lumingon ako kay Caiden. Sinabihan ko na silang gusto kong magbanyo. Pero ayaw nila akong payagan. Feeling ko ay napapupu na ako sa bed sheet na hindi ko malaman kung tama nga. Grabe nakakahiya kung sakali!

"Did I poop Caiden? I felt that I poop several times. Can you please check?"

Tinignan ako ni Caiden at sumilip siya sa beddings. "My star, you didn't..."

"Push Misis... start pushing," biglang sabi ng doktor.

"Ahhhh..." Pinipilit kong i-push pero bakit parang napupupu talaga ako. Parang iyon ang unang lalabas kaysa kay baby sa tuwing umiire ako. Hindi ako mapakali. Nahihirapan din akong huminga. Parang kada ire ko ay pupu lang ang pinapalabas ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam?

Humigpit ang kapit ko sa kamay ng asawa ko. Naluluha ako na natatakot. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Inunahan ng takot ang isipan ko na baka hindi ko mailabas si Baby. Paano na ang baby namin?

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon