S.C. 10

1.1K 17 1
                                        

SPECIAL CHAPTER 10

Operation Finding the Missing Twins

THIRD PERSON'S POV

Sumunod si Hailey kina Caiden. Punong-puno man ng pag-aalala ang nararamdaman ay nagawa pa rin niyang pakalmahin kahit papaano ang damdamin. Pinanuod din niya ang cctv records. Kitang-kita niya ang sapilitang paghila ng apat na kalalakihan sa kamay ng kanilang anak papunta sa back exit ng graduation hall.

"It looks strange!" biglang sabi ni Caiden.

Napalingon sa kanya si Hailey. "Hinihila ang anak natin palabas ng back exit, papunta sa likod mismo ng graduation stage. Kitang-kita natin ang pagbuka ng kanilang mga bibig na humihingi ng tulong, sumisigaw sila at nagwawala. Pero bakit parang walang nakaririnig? Nakapuwesto ang cctv sa gilid ng graduation stage, hindi na ganoon karami ang tao sa unahan. Maaaring hindi nila napansin ang paghila sa mga bata dahil busy ang lahat at karamihan ng mga estudyante ay naglakad na papunta sa kanilang pamilya. Pero ang sigaw ng twins, imposibleng walang makarinig kahit isa!"

"There's something wrong with the twins. I have noticed, they have difficulty to speak," sambit ni Caiden.

Kumunot agad ang noo niya, "You mean, they can't speak? Walang boses na lumalabas sa bawat sigaw nila?"

"Yes mom. It may appear a side effect of medicine that act on the central nervous system. That's why no one can hear their scream," singit ni Caleb.

"Look here." Itinuro ni Caiden sa cctv video ang paghawak ni Chiara Aislin sa kanyang lalamunan pagkatapos ibuka ang bibig. Napansin din nila ang pagtitinginan ng kambal na tila nagtataka habang nakahawak sa kanilang lalamunan at pilit sumisigaw. "It looks like adverse effects of antiepileptic drug. It's difficult to use or control the muscles of the mouth, tongue, larynx, or vocal cords."

Tumingin si Caleb sa kanyang ama. Marahang napakuyom ang kanyang kamao. "Dysarthria, the muscles may be weak or completely paralyzed. Or, it may be hard for the muscles to work together. The medicine might be injected to them. We need to find them asap!"

Sandaling napatulala si Hailey. Narinig na naman niya ang salitang gamot, sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila noon ni Knox, nabura ang kanilang alaala dahil sa pinainom na gamot.

"Mom are you okay?" Hinaplos ni Caleb ang likuran ng kanyang ina. Nabahala ito nang mapansin ang biglang pagtigil ni Hailey.

Napapikit si Hailey at humingang malalim. "I'm okay... don't worry about me. Hindi nahagip ng cctv ang gitna ng hall kaya hindi natin makikita kung paano nakalapit at paano nabigyan ng gano'ng gamot ang mga bata. Tsaka kung adverse effect siya, bakit ang bilis tumalab sa kanila?"

"Maybe the content of antiepileptic drug that can cause the muscle weak has a higher dose," tugon ni Caiden.

"Well I guess, we need to go in separate ways."

"What are you thinking, Zoe?"

"I found this..." Ipinakita ni Hailey ang nakuha niyang toll receipt sa sahig malapit sa back door exit. "I'm not sure if it's from the four men who kidnapped our twins but my instincts tell me so. Hindi puwede dumaan sa back exit ang estudyante at magulang. Ang puwede lang dumaan doon ay maintenance o personnel ng hall. From the cctv videos, we didn't see other people who walk through the back exit except from them."

Kinuha ni Caiden ang toll receipt at binasa ang nakasulat doon. "March 16 with the time of 6:35am, yes Zoe, it might be them." Inilabas ni Caiden ang kanyang telepono at tinignan ang google map, "From south toll exit going here will take 45mins travel, they arrived here around 7:20am. They have enough time to prepare everything before the ceremony started."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon