CHAPTER 26
MAVE TROY'S POV
"Nasa Singapore pa ang mga magulang natin. Tanging si Tita Eliza lang ang nandito sa Pilipinas," sabi ni Yosef.
Nakausap ko na rin si Mommy, bigla nga raw nawala si Tita Eliza noong pabalik na sila ng hotel. Mukhang may nasabi sa kanya kaya biglang napauwi rito.
"Si Althea, siya lang naman ang may kagagawan nito. Nakuha niya na si Hailey at Knox, ngayon si Tita Eliza naman," rinig kong sambit ni Zaid kay Jia.
Napatingin ako sa kanila. Kailangan na naming kumilos. Hindi dapat mapahamak si Tita Eliza. Hindi ito magugustuhan ni Prince panigurado. Baka kami pa ang sisihin niya dahil hindi namin nabantayan si Tita.
"Kyler, ano? Papunta na ba 'yung private plane na sasakyan natin papuntang Cebu?" tanong ko.
"Oo, Hihintayin lang natin si Keith bago tayo pumunta kung saan magla-landing 'yung eroplano."
Hindi mawala-wala ang kabang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Sumulyap ako sa Aphotic dread, ano kaya ang plano nila? Sasama kaya sila sa amin?
Naglakad ako palapit sa kanila. Kailangan ko malaman ang kanilang plano bago kami umalis.
"Caiden, ano'ng plano ninyo?"
"We will go to Manila. We need to fix something there. I need to set aside our mission here for a while. But, I will never stop finding Zoe and Knox. Please inform us immediately regarding the situation of Tita Eliza," tugon sa akin ni Caiden.
Halatang-halata ang pagiging malungkot niya. Hindi kayang itago ng kanyang mga mata. Sigurado akong may matinding dahilan kaya mapapauwi agad sila ng Maynila. May tiwala ako sa grupo nila. Magagaling ang bawat isa at sa pagkakakilala ko kay Caiden, hindi niya pababayaan si Hailey at ang kanyang dating matalik na kaibigan na si Prince.
Napansin kong palapit na sa amin sina Keith kaya mukhang oras na para umalis.
"Sige, aalis na kami. Balitaan namin kayo agad pagdating doon," paalam ko.
Sumakay na kami ng buong grupo sa van. Kung hindi ako nagkakamali, si Mr. Ting itong nagda-drive ng sasakyan.
"Mave, nakausap ko ulit ang mga pulis na tinawagan ni Caiden doon," mahinang sabi ni Kyler.
Lumingon ako sa kanya at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pangingilid ng kanyang mga luha. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Sana, sana, mali lang ang naiisip ko.
"Ano na raw ang nangyari?" tanong ni Keith.
Hindi ulit nakapagsalita si Kyler. Sa halip ay yumuko lamang siya. "Hoy, ano? Ligtas na ba si Tita?" tanong ko naman.
Nakita namin ang pag-iling ni Kyler kaya nagkatinginan kami nila Yosef.
"Ano?" sigaw ni Yosef. Napahawak na siya sa balikat at mukha ni Kyler para maiharap sa amin.
"Wala na siya. Wala na si Tita," mahinang tugon ni Kyler. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso. Huminga ako nang malalim at muling tumingin kay Kyler. Hindi ako naniniwala. Sa isang iglap lang, gano'n agad? Hindi puwede 'to!
"Baka mali lang ang report ng mga pulis. Tatawagan ko ulit sila!" sabi ko. Kinuha ko ang teleponong hawak ni Kyler at tinignan ang contact number ng huling nakausap niya.
"Mr. Ting pakibilisan po ang pagmamaneho!" rinig kong sigaw ni Yosef.
Nakailang ring na ang telepono subalit walang sumasagot sa kabilang linya. Naisipan kong tawagan si SPO3, ang kontak ng pamilyang Chen sa Cebu. Nakailang dial ako ng number niya pero cannot be reach naman ang telepono.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Misterio / SuspensoOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
