S.U. 36 Somewhere in Italy

2.4K 64 10
                                        


CHAPTER 36

THIRD PERSON'S POV

"Benvenuti in Italia!" (Welcome in Italy) rinig ni Caiden.

Napamulat ang kanyang mga mata at tinignan niya ang paligid. Kaka-landing lang ng kanyang sinasakyang eroplano sa Catania Airport, Sicily, Italy.

Nagpahuli siyang bumaba ng eroplano. Suot ang kanyang itim na shades at paboritong damit, naglakad siya sa kahabaan ng Catania Airport papunta sa arrival area. Ilang beses na siyang nagpunta sa Italy pero ito lamang ang kauna-unahan niyang dating sa lugar na Sicily. Ang mga huling napuntahan niyang City sa Italy ay Rome, Florence, Venice, Milan, Naples, Genoa, Verona at Turin. At sa walong iyon, hindi niya nakita ang kanyang hinahanap.

Tinignan ni Caiden ang hawak niyang mapa. Ang Sicily ang lugar na paggaganapan ng underground event. Mabuti na lang at na-hack ni Kyler ang website kaya nakakuha siya ng exact address ng pupuntahan.

Paglabas ng airport ay naglakad siya papunta sa sakayan ng bus. Pinag-aralan na ni Caiden ang kanyang mga sasakyan papunta sa hotel na tutulugan para hindi na mahirapan. Pagsakay sa bus ay nagmasid-masid siya sa paligid at inobserbahan din niya ang mga taong kasabay.

Sinigurado ng binata na pinag-aralan niya muna ang Sicily place bago siya nagpunta. Ang Sicily ay laging naiiba sa lahat ng lugar sa Italya. Mas malapit kasi ito sa Africa kaysa sa Europe, kaya maging ang mga kultura ay naiiba rin. Hindi rin Italian ang lengguwahe na kadalasang ginagamit ng mga Sicilians, vulgar latin ang kadalasang ginagamit nila kaya nahihirapang umintindi ng salita si Caiden. Kahit papaano kasi ay nakakaintindi siya ng Italian kaysa sa Latin.

Kilala rin ang lugar na maraming mafia groups. Kaliwa't kanan ang palihim na illegal transactions. Alam iyon ni Caiden kaya minabuti niyang huwag makipag-usap sa kahit na kaninong Sicilians.

Bumaba si Caiden sa sakayan ng train. Habang bumibili siya ng ticket ay napatingin siya sa kumpol-kumpol na mga taong nagkakagulo sa gilid na tila may artista o kilalang tao ang naroon. Pagkabili ng ticket ay dumaan siya sa mga nagkakagulo at tinignan kung ano ang ginagawa nila.

"In pugna est prope!" (The fight is near) sigaw ng isang lalaki.

May diyaryo silang pinagkakaguluhan. Isang diyaryo na galing sa underground mafia groups. Nagkaroon ng pagkakataon si Caiden masilip ang unahan ng diyaryo at nakita niya roon ang announcement ukol sa nalalapit na underground event.

"So the TJA's fight is open to all?" biglang tanong ni Caiden sa sarili.

Pagtapos niya makitingin sa pinagkakaguluhang diyaryo ay naglakad na siya papunta sa hintayan ng train. May isang oras pa siyang ilalagi sa train bago marating ang tutuluyan niya.

Mabilis na natapos ang isang oras. Pagkababa niya ay naglakad na lang siya ng kaunti at sa wakas, narating na niya ang hotel na kanyang tutuluyan.

Pagpasok sa room 203 ay agad siyang humiga ng kama. Pinikit niya ang kanyang mga mata at muli niyang nakita ang babaeng nagbibigay saya sa kanya.

"Zoe, I'm now here. Show me a sign that you are here also, I'm badly miss you. I want to feel your presence even just for a moment."

Hinayaan lang ni Caiden na pumikit ang kanyang mga mata dahil mas nakikita niya sa ganoong sitwasyon ang kanyang mahal na masaya at nakikipag-usap sa kanya.

Kinabukasan, nagising ang binata nang maramdaman niyang parang may dumapo sa kanyang palad. Dahan-dahan siyang tumingin sa kanyang kamay at nakita ang isang itim na butterfly. Nag-alangan siyang ngumiti kasi hindi niya alam kung isa ba itong sign na hinihingi niya kay Hailey o isang kaluluwa na dumadalaw sa kanya.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon