CHAPTER 15
HAILEY'S POV
"Tara, takbo!" sigaw ni Knox.
Hinigit niya ang kamay ko papunta sa fire exit, sa dulong bahagi ng opisina. Pagkuha namin ng hagdanan ay saktong sumabog nang malakas sa loob. Napayuko kami at tinakluban ang aming ulo. Pagkatapos ay nagmadali na kaming bumaba ng hagdan. Ako ang pinauna ni Knox. Ramdam ko ang pangangatog ng mga binti ko habang bumababa. Medyo humina rin ang aking pandinig dahil sa lakas ng pagsabog kanina. Sino kaya ang mga lalaking iyon at ano ang gusto nila?
Napatingin ako sa magkabilang gilid, sa tingin ko ay nasa ikalawang palapag na ako ng bahay nila Knox. Gusto kong tumalon mula rito at pumasok sa bintana na nakikita ko, pero mukhang mas magiging delikado dahil hindi ako sigurado kung may mga kalaban sa ikalawang palapag. Muli akong tumingala para tignan kung nakasunod na si Knox ngunit hindi, nakikipaglaban na pala siya sa itaas. Ang dalawang nakaitim na lalaki ay may hawak na kutsilyo habang si Knox naman ay todo ilag sa kanila.
Nagmadali na akong tumalon sa bintanang kalapit sa hagdanan ko. Pagulong akong pumasok sa loob at kinapa sa gilid ng boots ko ang aking baby gun. Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Walang tao, marahil ay nasuri na nilang maigi ang ikalawang palapag. Matulin ngunit maingat akong naglakad palapit sa hagdanang paakyat sa ikatlong palapag.
Bago umakyat ay sumilip muna ako sa ibaba. Nang mapansin kong walang ibang tao ay agad na akong tumakbo paakyat para mapuntahan na si Knox. Sa tingin ko ay 'yung dalawang lalaki lang ang pumasok sa bahay na ito.
Pag-akyat ay dumaan ako sa pintong pinasabugan nila. May mga usok pa loob at sobrang gulo na. Pero mabuti at hindi nagiba nang tuluyan ang buong 3rd floor. Tahimik akong naglakad papunta sa may fire exit. Pagsilip ko ay nakabulagta na ang isang lalaki, 'yung isang lalaki naman ay kinakalaban pa rin si Knox. Napangiti ako kahit papaano nang makita na walang galos si Knox.
Nang makita niya ako ay sumenyas siya. Naunawaan ko naman ang gusto niyang ipahiwatig kaya pagsipa niya sa lalaki papunta sa akin ay agad ko siyang binaril. Natumba ang lalaki dahil sa magkabilang paa ko siya pinaputukan. Habang hawak ng lalaki ang isang binti niya ay 'yung isang kamay naman niya ay parang may kinakapa sa kanyang bulsa. Matulin kong pinaputukan ang kanyang kamay kaya natigilan sa paggalaw ang lalaki.
Lumapit si Knox sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay papunta sa likod. Ako naman ay lumapit sa lalaki at kinapa ang bulsa ng kanyang jacket at pantalon. Nakuha ko ang dalawang granada, isang baril at isa pang kutsilyo. Hinigit ko rin ang nakatalukbong sa kanyang mukha kaya ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang kabuuan ng kanyang itsura.
Hinigit ni Knox ang lalaki pababa ng bahay. Kahit hirap na hirap na ang lalaki dahil hindi niya kayang maitayo ang kanyang mga paa ay wala na kaming pakialam. Hindi siya umiimik kahit bakas sa kanyang mukha ang iniindang sakit. Habang kinakaladkad ni Knox ang lalaki ay kinuha ko naman ang isang upuan para paupuin doon. Nagpunta ako sa kusina at naghanap ng lubid o taling magagamit ko. Bigla akong napahinto nang makita ang mga kasambahay ni Knox na nakahiga sa sahig. Puno ng dugo ang buo nilang katawan dahil sa mga saksak na natamo. Napahawak ako sa aking bibig at kinuha ang telepono ko sa bulsa.
"King, pumunta kayo sa bahay ni Knox. Ngayon na!" sigaw ko. Naglakad na ulit ako papunta sa mga kabinet at naghanap ng lubid. Nang makakuha ako ay nagtungo na ako kay Knox para itali muna ang lalaki ngunit wala na sila sa sala kaya nagmadali akong tumingin sa labas.
Hindi ko sila makita pero nakita ko naman ang mga dugong nasa sahig. Sinundan ko na lang iyon na sa tingin ko ay papunta sa may parking area ng mga Chen. Pagdating doon ay nakita ko si Knox na ipapasok na sa loob ng kotse ang lalaki.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Mystery / ThrillerOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
