S.U. 17 Somewhere in Bicol

2.9K 87 22
                                        


CHAPTER 17

ZAID KIAH'S POV

Kadadating lang namin ng Legaspi, Bicol. Ako ang nagmamaneho ngayon pagkatapos ni King. Paano ba naman kasi, mga kupal 'tong mga 'to! Tulog nang tulog, ako ang natatakot kapag sila ang nagmamaneho! Inaantok kasi sila palagi pero ang bilis pa rin nilang magpatakbo ng sasakyan. Baka mamaya ay hindi na kami makauwi sa mga bahay namin ng buhay. Yayayain ko pa naman si Freja mamasyal sa Paris sa darating na sembreak.

Buti na lang pumayag ang University na magkaroon kami ng private lesson tuwing hindi kami nakakapasok. Gano'n ata talaga kapag may kapit sa paaralan. Wala eh, magagaling kami! Kaya pumayag agad sila dahil halos lahat naman kami ay may mga kakayahang taglay sa bawat subject, idagdag pa na may mga organisasyon kaming itinayo para sa mga estudyante ng paaralan.

Kasalukuyan kong binabaybay ang daan papunta sa lugar nila Mr. Salin. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng Mayon Volcano. Napakamot tuloy ako sa ulo. Hindi nga pala gala ang pinunta namin dito! Kailan kaya kami makakapasyal? Puro na lang problema ang hinaharap namin, nakakabwisit!

"Hoy Zaid! Para kang tanga, nakanguso ka pang nagkakamot ng ulo mo! Mukha kang unggoy!" sigaw ni Jia. Gising na pala ang mokong na 'to. 

Hindi namin dapat kasama si Jia sa misyong ito, pinasama lang ni Hailey pagkatapos ng naging usapan nila dahil iba raw ang kutob niya. Baka raw kakailanganin ng back-up. Sus! Sabihin lang ni Hailey na gusto niyang si Lourd Cai at Knox lang ang makakasama niya sa misyon. Lumulusot pa, halata naman!

"Leche! Wala kang pakialam!" sagot ko kay Jia nang marinig ang tawa niya. 

Narinig ko namang nagtawanan silang lahat. Ako na naman ang napagtripan ng mga baliw na 'to!

"Na-videohan mo ba Braxly?" rinig kong sabi ni King. Lumingon ako sa likuran at nanlisik ang mga mata ko nang makita na nakatapat pala sa akin ang telepono ni Braxly.

"Ano 'yan Braxly ha?" tanong ko.

"None of your business!" Umirap si Braxly at nagsimulang tumawa.

"Loko ka Zaid, mukha ka talagang unggoy! Ipapakita namin 'to sa bestfriend mong si Fj!" natatawang sigaw ni Jia. Nang marinig ko ang pangalang Fj ay kusang nagtaasan sa mukha ang kumukulo kong dugo sa katawan. Nilakasan ko ang aircon nang uminit ang pakiramdam ko.

"Mga tarantado kayo! 'Wag niyong ipakita kay Freja 'yan!" Pilit na inaabot ng isang kamay ko ang telepono ni Braxly habang ang isang kamay ko naman ay nasa manibela. Nang hindi ko maabot ay bigla na lang akong nag full break.

Hindi ko napigilang matawa nang malakas dahil hindi naka seatbelt ang mga mokong na ito! Ayan, napasubsob tuloy sila.

"Tarantado ka Zaid unggoy! Malilintakan ka sa akin mamaya!" inis na sabi ni Jia. Natawa na lang ako dahil wala silang magagawa. Ako ang may hawak ng manibela kaya sila ang dapat makisama!

"Asshole!" sigaw ni Braxly.

"Ako na ang magmamaneho Zaid!" sabi naman ni King na nagpalabas sa malapad kong ngiti. Finally, papalitan na nila ako. Gustong-gusto ko na matulog. Pakiramdam ko ay ang laki na ng eyebags ko. Paano ako haharap nito sa mga chika babes kung ganito ang masisilayan nila sa gwapo kong mukha? Itong mga mokong ang sinuswerte dahil mahaba ang tulog nila! Ang daya talaga!

"Nakanguso ka na naman! Ayaw mong palitan kita?" Napatingin ako kay King nang magsalita siya. Aba, sinong ayaw? Ako? Asa!

"Ito na! Lagi niyo akong niloloko. Anong nakanguso? Mga epal kayo!" sabi ko. Binuksan ko na ang pinto at bumaba ng sasakyan. Gano'n din ang ginawa ni King. Papunta na ako sa front seat nang bumaba si Braxly at inunahan ako sa unahan.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon