CHAPTER 32
THIRD PERSON'S POV
"Ikaw na talaga, Lourd!" biro ni Zaid sa kaibigan.
Ngumiti lamang si Caiden. Natutuwa sa kanya ang kanyang mga kagrupo dahil consistent na maaga itong pumapasok, tila ba ang binata na ang nagbubukas ng Sandberg Corporation Building.
"Uy, 'wag ka! Late na ngang umuuwi sa gabi, ang aga pa rin pumasok sa umaga. Isipan mo nga, ilang oras ba ang tulog niyan?" natatawang dugtong ni Freja.
Napatawa rin si Zaid sa narinig. Oo nga naman, ilang oras na lang ang natitira sa isang araw ni Caiden para sa sarili.
"The two of you get out!" sambit ni Caiden.
Imbes na matakot ang dalawa, lalo pa silang natawa. Hindi na sila sanay makita na nagagalit ang binata. Mas gugustuhin na lang kasi nitong ipikit ang mga mata kaysa sa magalit. Masaya at nakakampante ang kanyang puso sa tuwing natutulog o pumipikit.
"Can you please shut up your mouth? I don't like to hear your disturbing laugh! Tsk!"
"Seryoso ka, Lourd? Nagagalit ka na ba niyan?" biro ulit ng kaibigan. Napakakulit talaga ni Zaid. Trip na trip niyang pinaglalaruan ang mood ni Caiden lalo na ngayon na hindi na ito nagbe-beast mode.
"By the way, what are you doing in my office this early?"
"Na-miss ka namin, Caiden," nakangiting tugon ni Freja.
Taas kilay na lumingon sa kanya si Zaid na para bang nagulat sa sinagot niya. Biglang nag-peace sign si FJ pagkatapos.
"Ito Lourd. May okasyon bukas ng gabi. Ayaw kong mawawala ka sa isa sa importanteng araw ng buhay ko, okay?" Inabot ni Zaid ang isang invitation. Kulay silver ito na may red ribbon sa labas.
"What is this?"
Ngumiti lamang si Zaid at mabilis na kinuha ang kamay ng katabi niyang si Freja. Habang binabasa ni Caiden ang invitation, biglang nagsalita ang dalawa.
"We're engage!" masaya nilang sigaw, sabay pinakita ang suot na singsing ni FJ.
Sobrang tuwang-tuwa si Zaid dahil pagkatapos ng mga nangyari noon, nagkaroon pa rin sila ng pagkakataon ni Freja. Naging tahimik na kasi ang buhay nilang lahat. Wala na silang iniisip na problema dahil napagkasunduan na nilang i-let-go ang paghahanap kina Hailey at Knox, limang taon na ang nakalilipas. Pagkatapos, sa loob ng tatlong taon ay nagkaroon na sila ng oras para ayusin naman ang kani-kanilang buhay.
"It's an engagement celebration. Congrats! Finally, Zaid!" sambit ni Caiden.
"Ang saya ko talaga, Lourd. May sayad kasi 'tong si Freja, akala ko hindi sasagot ng YES kasi ikaw ba naman ang hanapin no'ng nag propose ako!" nagtatampong biro ng kaibigan.
Alam niyang gusto ni Freja si Caiden matagal na. Pero nakakasiguro naman siyang, siya ang magwawagi sa huli dahil binigyan siya ng chance ni FJ na ipakita ang kanyang pagmamahal. Siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil nakamit niya ang matamis na oo ng dalaga.
Alam din ni Freja na kahit gusto niya ang lalaking iyon, never niyang mapapalitan sa puso nito si Hailey. Kahit ipagpilitan niya ang kanyang sarili at gawin ang lahat, wala siyang binatbat sa nagawa ng dating matalik na kaibigan sa puso't isipan ng binata. Ika nga niya, parang droga si Hailey sa sistema ni Caiden.
"Biniro lang kaya kita no'n. Siyempre dapat bigyan muna kita ng konting kaba bago ako sumagot 'no!" singit ni Freja.
Mababakas sa mukha ng dalawang magkasintahan ang sayang hindi kayang tumbasan ng kahit na ano'ng bagay sa mundo.
BINABASA MO ANG
SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)
Gizem / GerilimOne day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Action #Romance Khelielove copyright 2015-2016 All rights reserved.
