S.U. 20 Rico Tieng

2.7K 78 13
                                        


CHAPTER 20

THIRD PERSON'S POV

Maayos na dumating ng Yueting General Hospital sina Braxly, King, Zaid, Jia, Mrs. Salin at mga bata. Pagkatapos ng naging misyon sa Bicol ay dapat makakasama na ng grupo nila Caiden si Jia. Pinahiram muna kasi nila ang binata dahil baka kailanganin ng back-up. Na lumalabas na tama nga, nangailangan nga ng makakasama sina King. Nanatili pa ring palaisipan sa kanila kung sino ang babaeng naka-motor. May mga nakuha man silang gamit mula sa babae, hindi pa rin iyon sapat para masabi kung sino ito.

Samantala, mababakas ang kaba't takot na nararamdaman nila King dahil makakaharap nila ang pamilya Yueting. Kasalukuyan nang ginagamot si Braxly sa isang special facility ng hospital.

"Zaid, dalhin mo muna sina Mrs. Salin sa special area for cancer patients sa 3rd floor. Kailangan muna sila ma-check-up," utos ni King.

Tumango si Zaid at napatingin sa dalawang bata na nakaupo habang hawak ang kamay ng kanilang ina.

"Ako na lang Zaid! Mas kabisado ko na rito sa loob ng ospital," hirit ni Jia.

Sumilay ang nakalolokong ngiti sa mga labi ni Zaid at nilapitan si Jia. Tinapik nito ang balikat ng binata at sinabing, "Tatakas ka lang sa mga Yueting e! Hindi mo ako mauuto!" Humagalpak ng tawa si Zaid na tila ba huling tawa na nito.

Napakamot ng ulo si Jia at sinuntok ang braso ng binata. "Ulol! Ako na nga sabi!"

Lalong lumakas ang tawa ni Zaid na umagaw ng atensiyon sa ibang mga tao sa paligid. Biglang napatayo mula sa upuan si King at maging si Jia ay biglang inayos ang sarili matapos nilang matanaw ang paparating sa kanilang puwesto. Hindi agad napansin ni Zaid na umayos at tumahimik ang dalawa.

"Duwag ka talaga Jia! Takot na takot sa mga Yueting!" natatawang sabi ulit ni Zaid.

"What's funny, Zaid Kiah Nisanov?" Natigilan si Zaid at napatakip ang kamay sa kanyang bibig nang marinig ang malakas na boses mula sa kanyang likuran.

Dahan-dahang lumingon ang binata. Nakita niya ang papalapit na mag-asawang Yueting. Nakataas ang kilay ni Mrs. Yueting at nanlilisik naman ang mga mata ni Mr. Yueting.

"Nothing Sir," nakayukong tugon ni Zaid nang makalapit ang mag-asawa.

Napangisi si Jia at bumulong kay Zaid, "Ikaw pala ang duwag e!"

"What happened to my son? Nǐ tā mā de! Explain to me everything Nisanov!" sigaw ni Mr. Yueting.

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Ang mga tingin ni Zaid sa mga kasamahan ay nangungusap na tulungan siya. Hindi niya alam ang sasabihin, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Hindi nila napag-usapan kung ano ang dapat sabihin!

"Shuō ba! (Spill it!)" sambit ni Mrs. Yueting.

Pigil-hiningang napatingin si Zaid sa mag-asawa. Hinihintay ng mga ito ang paliwanag nila. Subalit hindi makaimik ang mga binata.

"What? Why won't you answer me?" tanong ulit ni Mr. Yueting kay Zaid.

"I guess, we need to call a police or imbestigator. They're not saying anything! They're not cooperating with us!" taas kilay na singit ni Mrs. Yueting. Naalarma sina King. Hindi puwedeng malaman ng pulisya ang nangyari sa kanila dahil magiging malaking gulo ito. Mauungkat pa ang kanilang mga ginagawa.

"No, Mrs. Yueting. I mean, you don't need to do that," sabi ni King. Huminga siya nang malalim tsaka nagsalita ulit, "Okay, can we discuss it in your office?"

Tumango si Mr. Yueting at tinignan isa-isa ang mga binata. "You know our family, Aphotic dread. You know us! This incident will not just pass into my hand. You know what I mean! Let's go!"

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon