Chapter 10

138 4 0
                                    

Sil's POV

Hello! Buti na lang at nagkaroon ng Sil's POV kung hindi di nyo ko makikilala hehe.

By the way I'm Silvester Lim.May kaibigan ako sina Kian at Seb,pero ngayon naiipit ako sa kanilang dalawa.Ewan ko ba kasi nung 1st year bakit kailangan pang mag-away dahil sa isang babae psh.

Si Chloe Valdez siya ang pinag-awayan nila.Maganda naman kasi,maputi,matangos ang ilong,mayaman at matalino.Halos lahat nasa kanya na pero ang ayaw ko lang kasi sobrang brat niya,pero at dahil di naman ako kasali sa love triangle nila walang kwenta kung gusto o ayaw ko siya.

*flashback*

"Pwede ba layuan mo si Chloe?" -Sebastian.

"At bakit ko gagawin yun? Ako ang gusto niya kaya ikaw ang umalis sa buhay niya at sa buhay namin!"-Kian.

"Pero bago ka niya makilala ako muna"-Seb.

"Pwede bang magtigil kayo? Seb kalimutan mo na yung atin.Mahal ko si Kian kaya please tama na"-Chloe

"Pero ..."-seb

"Tama na"- Chloe

*end of flashback*

Yun nga yung nangyari.Naging si Chloe at Kian pero di naman nag work yung relationship nila.Si Seb naman biglang naging masungit,bugnutin at sobrang cold.

Sana nga lang at mabalik siya sa dati ni Jaggi.Basta wag lang munang eepal si Andrea yung girlbestfriend ni Seb.Andrea Fernandez ang name niya.Kunwari mabait pero ang totoo mala demonyo ang ugali.

Isa pa kunwari lang na may boyfriend siya para makalimutan si Seb pero ang totoo gusto niya parin to.

Oo nga pala kagabi nagtatanong si Seb kung paano manuyo.Pero di ko alam si Jia palang ang niligawan ko at dipa ako sinasagot pero syempre at lalaki ako alam ko kung paano gawin yun bahala na si Seb gumawa ng paraan.

----------
Ja's POV

Kasalukuyan kong iniinit yung ulam na niluto ko.At ako lang ang kakain nito.

Hindi ko bibigyan si Yelo manigas siya.Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito.Siguro kasi mas inuna niya si Andrea kagabi? Aish hindi kaya .

Habang naghuhugas naman ako ng mga ginamit kong utensils biglang....ugh! Leche wag kang ganyan.

"I know you're upset because of me" bulong niya sa tenga ko.Yung init ng hininga niya naramdaman ko.Ano ba hindi ako makagalaw.And base on my calculation namumula na ako.Ikaw ba naman yakapin sa likod ng lalaking kasing pogi nito ano mararamdaman mo.

"Ahh...hmmm" yan lang nasabi ko. Bakit ba umurong ata ang dila ko peste.

"And as a pay I will be with you all day" bulong niya pa.

"But you don't need to do that" buti na lang at nakisama ang dila ko.

"But I want too" bakit ang angas ng boses niya? Inlove na ata ako aish.

Di na ako nakagalaw at the same time natameme din ako.

"Let's eat na" sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap sa likod ko.Hay nakahinga din.

Naghanda na ako ng pagkain at ....sabi ko ako lang ang kakain ng niluto ko kaso epic talaga yung nangyari kaya ayun shinare ko na.

"Maliligo na ako" sabi ko tapos pumasok na ng banyo.Bibilisan ko na lang kumilos sana maging maganda tong araw na to para sa akin.

Fast forward

Nandito na kami sa school at habang naglalakad kami sa corridor hinawakan ni Yelo yung kamay ko oo as in,grabe na talaga.Tapos yung mga estudyante pinagtitinginan din kami.

Napangiti naman ako sa ginawa niya.Tapos may humarang sa mala romantic na entrance namin.Isang....isang magandang babae.Oo as in maganda.

Hindi parin ako binibitawan ni Yelo kahit malapit na yung classroom ko.Kinausap pa niya yung magandang babae,aish selos ako :(.

"Andrea you're here" nakangiting sabi niya.Andrea? Ah so siya yun? Ang ganda pala talaga.

"Yeah! I told you yesterday diba.By the way classmate kita" naka smile na sabi niya.

Hello may tao po dito.Pansinin nyo ako mga unggoy leche.

"By the way,this is Jaggi my girlfriend" sabi ni Yelo.Omo!omo! Huh!ano ka ngayon Andrea girlfriend is here so chupe chupe.

"Hi!"tapos plastik na smile hihi.

"Hi! Nice meeting you" sabi niya at ngumiti pero syempre plastik lang din yun.

"So,mauna na kami.Ihahatid ko pa siya sa room niya" sabi ni Yelo.

Huehuehue palong palo ang lola nyo hehe.Sebastian sana lagi ka na lang ganyan.Mahal na kita mwuah mwuah!!

"Sige dito na lang" naka smile na sabi ko.Tapos tapos kiniss niya akoooo!!!...... pero syempre sa noo lang. Exaggerated lang akong magkwento bwahahaha.

Tapos yun lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin huehue mamatay kayo sa inggit.

"Hmm,jackpot ka pala kay Sebastian huh!" siniko niya muna ako bago sabihin yan.

"Hehe inggit ka noh?"

"Luh!luh! No way may Sil kaya ako ble!!" Sabi pa niya.

"Sit down everyone.We have a new topic today"biglang pasok ni Sir.

Tapos turo dito turo doon.Nakikinig naman ako pero syempre ayoko nang sabihin kung ano yung tinuro niya MAHIRAP KAYANG MAG-TYPE.
Nag-aaral ako ng mabuti ha! Nasa top kaya ako hihi.

" Ms Garcia can you check all the papers at my office? Starting tomorrow with Mr. Vasquez"
Trabaho!!! Ayoko ng trabaho.

"Yes,Sir" sabi ko aish nakakainis.

Break time na tapos lumapit ulit sa akin si kab.Leche ito na naman siya.

"Hi! Beyb" sabi niya ewww talaga kaderder.

Lumabas na ako ng room kase baka masapak ko lang siya.Si Ji nauna nang lumabas kase alam nyo na.

Pagkalabas ko nakita kong naghihintay si Yelo sa may gilid ng pinto ng classroom namin.

Lumapit ako sa kanya kasi hinahabol padin ako ni Kab.

"Tara na"sabi ko kay Yelo para maalis na sa paningin ko si kab.

Napansin ko namang ngumisi siya."Bakit?" Tanong ko.

"halata kasing gusto ka niya" sabi niya.

"Oo nga e, pero naiinis ako pag nasa paligid siya" paliwanag ko.

"Basta always remember na may Boyfriend ka na" sabi niya.Syempre naman Yelo lagi kong tatandaan hinding hindi ko kakalimutan.

************
A/N: Sana magustuhan nyo yung UD.Nga pala sino nakaka-kilala kay Myungsoo? Ahe napaginipan ko siya.Parang magkahug na kami huehuehue kilig kilig ako pshh.Hehe yun lang please Vote and Comment.Kamsahamnida :) saranghae! <3

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon