Jia's POV
Dumaan ako sa Hospital pero umalis na daw si Ja.Nasan kaya yun,okay lang kaya siya?
Alam ko na ang lahat.Gising na si Sebastian at di niya maalala si Jaggi at napakasakit nun para sa kanya.Kaya kailangan ko siyang hanapin.
Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa isang park.Pumunta ako malapit doon at nakita ko si Jaggi sa isang bench doon na nakaupo habang yakap yakap ang mga tuhod niya.
Umupo ako sa tabi niya kaya napa-angat ang ulo niya sa direksyon ko.Kitang kita sa mata niya yung lungkot.Pagkakita niya sa akin bigla na lang niya akong niyakap at saka siya humagulgol sa pagiyak.
Niyakap ko rin siya."Ja nandito lang ako para sayo"sabi ko at di na mapigilang lumabas ang luha sa mata ko.Naaawa ako sa bestfriend ko.Ayoko ng ganito siya,ayoko ng malungkot siya.
"Ji..hik...si ...hik...Sebastian ......hindi .....hik..niya na ako......hik......matandaan"utal utal na sabi nya dahil sa paghikbi.
Niyakap ko pa siya ng mahigpit at sinuklay ang buhok niya."Jaggi ,hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin.Basta nandito lang ako para sayo kasi magkaibigan tayo" Nagyakapan lang kami nang nagyakapan.
---------
Ja's POVNandito ako ngayon sa unit ni Seb.Ang sabi ng doctor bukas pa siya pwedeng lumabas pero dun muna siya sa bahay nila Tita Ella.
Sinabi na nga pala ni Jia yung mga nangyari.Yung pagkakaroon ko ng boyfriend at eto yung di niya ako maalala.Akala ko wala silang pakielam pero tinawagan ako ni mama.
Uuwi daw siya para sa akin.Hindi ko alam kung dapat matuwa o magalit ako sa kanya.All this time ngayon lang siya nag-alala sa akin.
*knock knock*
Bumangon ako sa pagkakahiga dahil may kumatok.Binuksan ko iyon at nakita ko si Tita Ella."Tita"gulat na sabi ko.
"Di mo ba dadalawin si Sebastian?"tanong niya sabay ngiti.Gusto ko man siyang dalawin masasaktan lang ako dahil di niya ako maalala.
"Tita,napagdesisyunan ko po kasi na dalawin na lang siya sa tuwing nagpapahinga.Gusto ko po kasing iwasan yung mga tanong niya dahil baka madulas yung dila ko"sana maintindihan ni Tita.
"Naiintindihan kita iha.Pero wg mo sanang iwanan si Sebastian.Sana sa tuwing kailangan ka niya,nandiyan ka"sabi ni Tita.
"Pero Tita kayo po ang kailangan niya.Hangga't di niya ako maalala di niya ako kailangan"sabi ko at biglang tumulo ang luha.
"Iha,alam kong masakit pero di ko hahayaan na magkahiwalay kayo pangako yan"sabi niya at niyakap ako.Ang sweet talaga ni Tita Ella.
"Sumama ka na sa akin papuntang Hospital.Baka nagpapahinga na si Seb"sabi niya kaya sumama na ako.
-
Unang pumasok si Tita at sumunod ako."Oh,Sebastian bakit gising kapa?"tanong ni Tita kay Seb.Napangiti naman siya nang makita ang nanay.
"Ma,hinihintay kasi kita"sabi niya.Umupo siya at sumandal sa headboard ng kama.
Tumingin siya sa akin.Kitang kita kong walang emosyon.Yung pagtingin niya wala ng spark sa akin.Nalulungkot ako,bakit di niya ako maalala.
Pinilit kong wag umiyak dahil alam kong maku-curious na naman si Seb.
"Ah anak si Jaggi,kaibigan ko"pakilala sa akin ni Tita.
"Ahh.So Jaggi pala ang name niya.I saw her last morning holding my hands.Are we friends?"
Are we friends? Masakit,hindi lang friend Seb.Girlfriend mo ako.Sana naman alalahanin mo.
"Ah Tita magpapahangin lang po muna ako sa labas" di ko na inantay ang sasabihin ni Tita at lumabas na ako.Nakasalubong ko naman si Jia.Kaya nakita na naman niya akong umiiyak.
"Jia,punta tayong bar"sabi ko at hinila siya.
Pumunta kami sa Ice Bar.Buti na lanh at di na ako pinigilan ni Jia.Gusto ko lang talaga makalimot.
Umupo kami sa isang bakanteng table doon.Ang sakit sa tenga ng tugtog dahil sobrang lakas pero kapag sinasabayan ng alak,feeling ko ang sarap sa pakiramdam.
Natatandaan ko,yung first time kung uminom na pagalitan pa ako ni Seb.
"Haha"mahinang tawa ko ng marealized na iniisip ko na naman si Sebastian.
"Hoy!sa tingin mo ba natutuwa ako sa inaasal mo?Nababaliw ka na ba dahil hindi ka maalala ni Sebastian?Sa tingin mo ba matutuwa sayo sila Tita sa ginagawa mo?"dire-diretsong sigaw sa akin ni Jia.
"Haha"nakakalokong tawa ko.Siguro dahil na rin sa iniinom ko.Di ko alam kung anong klaseng alak to basta sinabi ko yung pinakamatapang. "Sa tingin mo ba may pakielam sakin yung mga yun?E mukhang mga trabaho yun.Haha" Haha talaga naman wala silang pakielam sa akin."Pero Ji,nakakabaliw naman talaga yung sitwasyon ko diba?"biglang seryosong sabi ko.
Nakaramdam ako ng hilo at sakit ng ulo.Ganto ba kapag umiinom?Di ko na kasi matandaan yung dati.Sana may amnesia na lang din ako.
Sobrang sakit,ang sakit sakit lang sa puso lahat nf nangyayari.Bukas kaya ano nanaman kayang kamalasan ang pwede kong maranasan.
"Ja tama na.Uwi na tayo"aya ni Jia.Nakayuko lang ako ngayon sa lamesa dahip na rin sa hilo.Ayoko pang umuwi feeling ko di ko pa nalalabas lahat ng sama ng loob ko.
"Mauna Ji,dito muna ako"sabi ko sabay inom ng alak.
"Jaggi naman,sa tingin mo ba magugustuhan ni Sebastian yang ginagawa mo?"sigaw na sabi niya.
"Bakit sa tingin mo ba maaalala niya pa ako?"sigaw din na sabi ko.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito basta ang alam ko hindi ako naaalala ni Sebastian at masakit yo'n.
*********
Please vote and comment :)Ps:magparamdam kayi mga chingu' :)
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
JugendliteraturHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!