Seb's POV"Hon,dapat di mo tinrato si Jaggi ng ganon"sabi ko kay Andrea.
Anh panget naman kasi ng inasal niya kay Jaggi.Hindi tama yon.
"Bakit?kinakampihan mo na ba siya?Bakit?mahal mo na ba siya?"sabi niya at umiyak.
"Hindi hon.Sorry sa sinabi ko pero.Dapat tratuhin mo siya ng maganda kaibigan siya ng mga kaibigan ko so kaibigan ko na din siya.And si mama gusto niya si Jaggi.Sana lang respetuhin mo siya" paliwanag ko sa kanya.
"Pero inaagaw ka niya sa akin"sagot niya.
Paano ko ba ieexplain sa kanya kung ayaw naman niyang maniwala sa mga sinasabi ko.
"Andrea wala siyang inaagaw.Bakit ka naman natatakot?"tanong ko.
Pansin ko kasi hindi siya mapalagay sa tuwing kasama ko si Jaggi.Text dito text doon.Tawag dito tawag doon.
"Ahh wala.Basta promise me na ako lang ha"lambing niya.
"Oo naman hon" sabi ko.
Pero sa totoo lang.Parang wala na akong nararamdamang pagmamahl mula kay Andrea.Parang gusto niya lang na makasama ako at nakakasakal yon.
Umuwi na kami.Habang nasa biyahe kami pabalik sa Manila.Naisip ko si Jaggi.Kamusta kaya sya?
Bumuhos ang malakas na ulan.Madulas ngayon ang daan.
"Hon.Paki bilis naman oh.Sabik na ako sa Manila" pagmamadali ni Amdrea.
"Ah sige hon" binilisan ko ang takbo ng sasakyan pero di ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Muntik na kaming bumunggo sa track buti na lang at naiwas ko pero bubunggo naman kami sa puno.
"Hon"sigaw ko at niyakap si Andrea.
Tapos.....
*****
Ja's POVUuwi na ako sa Manila.Wala na rin naman akong magagawa dito e.Habang nasa biyahe ako papuntang Manila biglang umulan.
Sumakay lang ako ng taxi.Hindi na rin ako nagpasundo kila Jia.Nakakahiya naman kasi.
Kring..kring...kring...
Tumatawag si Jia bakit kaya?
"Hello Ji"sagot ko
["Jaggi!nasan ka na? Naaksidente sila Sebastian nandito kami sa Reyes Hospital"]
"Ano? Malayo pa ako Ji.Pero hintayin nyo ako mabilis na to"kabadong sagot ko.
Baka kung ano ang mangyari kay Seb.Kinakabahan ako.Ayokong maulit na natulog siya ng ilang buwan.
"Manong wala na po bang ibibilas yan?"sabi ko dun sa drayber.
"Sorry po ma'am pero may speed limit po dito"sagot niya.
"Lecheng speed limit yan"galit na sigaw ko.
Hindi ko maiwasang mapaluha.Sana okay lang si Sebastian.Sobrang nag-aalala na talaga ako.
-After ng ilang oras nakarating din.Tumakbo ako papasok at nakita ko si Jia.
"Jia"sabi ko.
"Halika na Jaggi" tapos umakyat kami sa second floor.
Pumunta kami sa room ni Seb at nakita kong nandon si Andrea.Nakita niya ako at tinignan ng masama.
"Kasalanan mo to Jaggi.Kung di mo siya dinala doon edi sana okay lang ang lahat" sigaw niya sa akin.
"Walang kasalanan si Jaggi"pagtatanggol sa akin ni Jia.
"Kapag may nangyaring masama kay Sebastian hindi ko alam kung ano magagawa ko sayo" galit na sabi niya.Hindi ko na lang siya papatulan.
Nanghihina ako.Pagod na pagod.Hindi ko na dapat aksayahin ang oras ko sa kanya.
"Pwede ba Andrea.Respetuhin mo naman ang anak ko.Kahit ngayon lang"sabi ni Tita Ella.
Lumabas si Andrea at Tita Ella kaya kami nalang tatlo nila Jia dito.
"Sige Ja.Labas muna ako"paalam ni Jia.
Lumapit ako ng dahan dahan sa kama ni Seb.Hindi ko na napigilang din umiyak.
"Sebastian.Kaya mo yan.Kayanin mo para kay Tita Ella"sabi ko.
Lumabas narin ako.Nakita ko si Tita Ella naumiiyak kaya niyakap ko siya.
"Tita" sabi ko at hinimas himas ang likod niya.
"Jusko iha.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Sabi ng Doktor di naman daw malala yung nangyari nauntog lang daw siya ng malakas.Pero di ko maiwasang mag-alala" umiiyak na sabi ni Tita.
Naa-awa ako sa kanya.Ayokong nakikita siyang ganyan.Sana lang maging okay na ang lahat.
"Tita mahal ka ni Seb.Hindi ka niya iiwan"pag papagaan ko sa nararamdaman niya.
Pakatapos non.Nagpaalam muna ako sa kanila na uuwi muna ako dahil gusto ko na ring magpahinga.Kulang pa ang tulog ko kaya parang nanghihina din ako.
Sana bukas pag-gising ko ayos na ang lahat.Maging okay na sana si Sebastian.Ayokong malungkot si Tita Ella.Sana maging okay na.
Sana bukas okay na
Sana bukas okay na
Sana bukas okay na
Sana bukas okay na
Paulit-ulit lang yan sa utak ko.Sana nga lang magkatotoo.Magpapahinga na nga ako sobrang bigat na ng mata ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Подростковая литератураHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!