"What's happening huh?" Pagtataray ni Jia.
"Ahh wala. Bakit kayo napabisita" tanong ko pero bigla siyang naiyak kaya tumingin ako kay Sil.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ewan ko dyan" sabi naman ni Sil. Hala, magkagalit ata hihi cute cute naman nila.
"Bakit Ji?" Tanong ko. E kung hindi rin kalahating abnormal to na biglabiglang iiyak. Mongi talaga e.
"E kaseee... Kaseeee di naman siya nagpropose sa akin"sabi niya saka hmagulgol ulit ng iyak. Sabi na nga ba e. Assumera kase masyado yan tuloy haha.
" hahahahahahaha" napatawa ako dahil dun.
"Huwaa, bat ka natatawa? Nasaktan kaya ako Ja" sabi niya. Nagpipigil naman ako ng tawa.
"Sorry. Ikaw naman kase e assumera ka. Porket may singsing sayo na" sabi ko na ikina busangot niya.
"Oo nga. Feeling mo papakasalan ka kaagad" sabi naman ni Sil. Humagulgol ulit siya kaya natawa ulit ako.
"Mag-aaway lang ba kayo dito?" Pagtataray ni Seb. Hays kahit kailan talaga.
"Tumigil ka nga" sabi ko sa kanya. "E para kanino ba yung singsing?" Tanong ko sa kanila.
"Sa mama ko" sabi ni Sil. "I gave it to her as a birthday gift" paliwanag niya yun naman pala e.
"Maghintay ka na lang kase ng iyo" sabi ni Sil. Nagulat naman kami. Yun naman pala e may balak din siyang pakasalan si Jia huaaaa kakilig nemen.
"Ayan Ji. Matuto kang maghintay" sabi ko at tumawa ulit. Hahahahahahaha buti pa sila happy lang.
"So bakit nga kayo nandito?" Tanong ni Seb.
"Iinvite ko sana kayo sa Tagaytay. One day lang pero I assure you sulit. Pag-aaya ni Sil.
"Wahhh sige gusto ko" excite na sabi ko.
Huwaaa minsan lang to. Buti na lang nagleave ako ng 7days. After neto pulubi na ako.
"Sige sasama ako" sabi ko na feeling ko pa kumikislap kislap yung mata ko.
"Aish. Nagdesisyon ka ng di man lang ako tinatanong?" Sabi ni Seb. So sungit.
"Malaki ka na. May sarili ka ding utak. So sasama ka ba o hindi?" Tanong ko.
"Oo sasama ako" sasama naman pala e. Ang arte pa.
"So guys bukas ng madaling araw ang alis. Better prepare your things now. May sasakyan ng gagamitin so don't worry." Paliwanag ni Sil.
"Yes Sir" sabi ko.
"Sige mauna na kami" sabi niya. Niyakap ko si Jia at nagbabye na.
"Yehey excited na ako bukas" sabi ko at nagtungong kusina. Hala yung manok. Nasobrahan sa pakulo. Pwede pa ba to? Hays di ko alam. Baka mapangit na lasa neto. Nakakahiya naman kay Seb.
"You're really excited huh" sabi niya na kakapunta lang sa kusina.
"Ahh oo?" Sabi ko. Kinakabahan ako. Yung dati kase nagalit siya. Di naman daw pala ako marunong magluto. Pero sana this time wag naman.
"Bakit?" Tanong niya saka lumapit sa kalan.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
" e kase nawala sa isip ko na..." naputol ang sasabihin ko ng itaas niya yung kamay niya na sign na stop. Kinakabahan ako. Feeling ko maiiyak na ako anytime.
Nakayuko lang ako. At alam kong nakatingin siya sa akin.Nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa akin. Bakit niya ako niyayakap diba dapat magalit siya.
"Hindi ako galit" sabi niya at hinalikan yung ulo ko. Bigla naman ding may tumulong luha sa mata ko. "Hindi naman kita kakainin. Don't be scared." Sabi niya na ikinatawa ng sarili niya. Self support si Sebastian nakakaiyak.haha.
"Sorry" tanging nasabi ko.
"Okay lang. Magbihis ka sa labas na lang tayo kumain."
-
"Kumain ka ng madami" sabi niya.Baka tumaba ako.
"Okay" sabi ko at nagsimula ng lumamon. So sarap ng mga foods here. Anong restaurant ba to? Palibhasa laking mayaman kaya suki na dito e.
"Happy?" Tanong niya.
"Hmm" sabi ko habang nakangiti.
"Sa susunod Tyler ayoko na dito ha. Ang mamahal e"sabi ko.
"What?" Sabi niya na nagulat. Imuiinom siya tas napahinto sa sinabi ko.
"Sabi ko ayoko na dito sa susunod" paguulit ko.
"Hindi yun yung isa mo pang sinabi" sabi niya na parang pilit pinapaalala sa akin.
"Ang alin ba?" Tanong ko. Ah baka yung Tyler. Bago ba yun sa kanya?
"Tss. Nevermind " sabi niya tas tumayo na. Sumunod na ako at sumakay sa sasakyan. Tahimik niya. Nagtatampo ba siya dahil dun? Pero di naman ako sure kung yun yon.
"Seb?" tanong ko.
"Hmm?" Sagot niya habang nakafocus sa daan.
"Wala lang" sabi ko tas tumingin na sa daan. Nagtatampo ba talaga siya.
Nang makarating na kami sa unit ko huminto lang siya pero di na ata siya baba. Tinganggal ko na yung seatbelt ko.
"Hapon na. Ayusin mo na yung mga gamit mo for tomorrow. Ingat ka" sabi niya. Tumango lang ako sa lahat ng sinabi niya. Medyo gumaan na din yung pakiramdam ko kase di naman ata siya ganon nagtampo. Bumaba na ako at nagpaalam.
Inayos ko na yung mga dadalhin ko para bukas. Mga susuotin ko at syempre pang capture ng moments. Chinarge ko lahat ng dapat icharge. Naeexcite ako. Matutulog na din ako ng maaga para di na pahirapang gumising bukas.
-
-
Nagising ako dahil sa pagkatok ng malakas sa labas.Bigla kong naalala na aalis pala kami. Hala di pa ako nakabihis. Patay tayo dyan. Bumangon ako agad para buksan yung pinto.
"Ano ba yan Ja. Namaga na kamay ko o" pagrereklamo ni Jia. Sorry.
"Teka. Di ka pa nakabihis?" Tanong ko. Kinagat ko yung babang labi ko at pumikit habang umiiling. Lagot ako kay Jia,Sil at Seb.
"Bayan Jaggi Garcia" inis na sabi niya.
"E sorry na. Maliligo na ko"sabi ko. At dumiretso na sa banyo. Sinaglitan ko lang para di ako masermonan ni Jia. Buti na lang at nakaayos na yung gamit ko. Kinuha ko na yung bag ko at sinarado na yung pinto.
"Tara na " aya ni Jia. Halata ding excited siya e.
May daladala pa tuloy akong towel kase naman di pa tuyo yung buhok ko.
Pagpunta namin sa parking lot nakita namin yung dalawang lalaki na nakasandal sa kotse. Hot naman ng mga to. Pagkalapit namin nakita kong nakasimangot si Seb.
"We should leave here at exact 3am but it's already 4am." Sabi niya. Inagalitan pa ako bayun.
"Okay lang yan Seb. Tara na"sabi ni Sil at pumasok na sa Van.
Pumasok na rin kami. May driver pala kaya mas makakapagpahinga kami. Nasa unahan namin sila Jia. Nagpupunas pa ako ng buhok ko. Sobrang basa pa kase.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Sebastian.
"Hindi ako nakapag alarm e" sabi ko.
"Tss" sabi niya. Okay masungit na naman siya. Pinagpatulog ko lang yung pagpunas ng buhok ko.
"Akin na nga" sabi niya tapos siya nagpunas. Aye me is kinikilig. Pero hindi na siya nakakakilig kase medyo masakit na at parang nabubuhol buhol naman yung buhok ko.
"Aray ko ako na nga" sabi ko at kinuha yung towel.
"Shh wag kayong maingay" sabi ni Jia sa harap na halatang naistorbo ang tulog.
"Sorry" sabi ko.
Okay na siguro to. Di naman na ganun ka basang basa e. Bigla namang hiniga ni Swb yunv ulo niya sa balikat ko at bumulong.
"Sorry" di na ako nagsalita at napangiti na lang. Matutulog na rin ako at medyo malayo pa to.
-
So bagal magupdate aish.Mianhae,
![](https://img.wattpad.com/cover/50069296-288-k476212.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Teen FictionHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!