Chapter 32: ATINIY#7

77 2 0
                                    

Ja's POV

Ang saya talaga dito.Babalik na sana ako sa kubo kung nasan si Seb nang may kumausap sa akin.

"Hi! Miss"sabi nung guy.Pogi naman siya.Nginitian ko lang siya bilang sagot.

"Hmmm we'll have a party later here.If you want to join just come here"nakasmile na sabi niya.

"Ahh okay.I'll think about it"nakasmile din na sabi ko.

"Hmm miss wait"

"Hmm?"sabi ko.

"Miguel Carlos" nakangiti niyang sabi at nilahad ang kamay sa akin.
Tinanggap ko naman yo'n.

"Jaggi Garcia.So I need to go now.Bye"tapos pumunta na ako sa kubo namin.

"Kilala mo yun?"tanong ni Seb.

Sana lang kami ulit.Para kung itanong nya to pwede akong maglambing.

"Ah yun,hindi."nakangiting sabi ko.

"3days lang naman tayo dito.Sorry Jaggi kung naistorbo kita"sabi niya.

Well parang hindi naman talaga siya nakaistorbo.Masaya ako na kasama ko siya.Sana nga lang kami pa.

"Wala yon ano ka ba.Anytime basta ikaw"sabi ko.

Pagkatapos naming magswimming bumalik na kami sa hotel.Magmu-movie marathon daw kami sabi ni Seb.Na excite naman ako.

"Ano bang panonoorin natin?"tanong ko sabay upo sa couch.

"Mmmm..maganda yung Titanic.Ano game?"

"Sige" sang-ayon ko.

Fastforward

-
Grabe di ko na namanlayan yung luha sa mukha ko.Nakakaiyak talaga to grabe.Si Jack huhuhu nakakaawa din si Rose huhuhuhu.

"Haha.Don't cry"sabi ni Seb tapos pinunasan yung luha ko.

Nagulat ako syempre.Hindi ko alam ang dapat kong i-act.

"Ah hindi ako na"tapos ako na ang nagpunas sa luha ko.Nakakailang pag ganito.

"Feel na feel mo yung movie ha" pang-aasar niya.

"Haha di mo ba nafeel?Ang ganda kaya.Pshhh kayo kasing mga lalaki di man lang nafi-feel yung ganto"sagot ko.

Tumawa naman siya.May nakakatawa ba do'n?

"Parehas ka rin ba ni Rose?Nawala din ang iyong Jack?"tanong niya.

"Oo.Pero hindi naman namatay yung akin"sabi ko.

"Oahh.Talaga? Iniwan ka ba niya?"tanong niya.

"Pwede change topic?haha"pabirong sabi ko.

"Sorry"sabi niya.

"Hindi okay lang.Hindi ka pa ba magpapahinga?Anong oras na oh"sabi ko sa kanya.

"Hindi pa.Hinihintay ko din kasi yung tawag ni Andrea"sabi niya.

Napaisip ako.Ganyan din kaya siya sa akin dati?Hinihintay din kaya niya yung mga tawag at text ko?

"Mahal mo ba talaga si Andrea?"seryosong tanong ko.

"Oo naman"sagot niya agad.

Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi yun.Isa lang ang naramdaman ko.Yung kirot dito sa puso ko.Ang sakit sobrang sakit.

"Sorry sa tanong ko.Sige Seb matutulog na ako"paalam ko at pumasok na sa kwarto ko.Sinara ko yon at di ko na mapigilang lumabas yung mga luha sa mata ko.

Maling mali ata na pumayag pa ako para tulungan siyang mapabalik yung alaala niya.Maling mali ata na bumalik pa ako sa Pilipinas.

Nilabas ko lang lahat ng nararamdaman ko.Lumabas ako para kumuha ng alak sa may refrigerator.Wala na si Seb dito baka tulog na.

"Hey"biglang may tumawag sa akin.

Nilingon ko siya at nakita kong nakatayo sa Seb sa may labas ng kusina.

"Nagugutom ka ba?"tanong niya.

"Nope.Gusto ko lang uminom"sabi ko sabay taas nung alak.Lumabas na ako at dumiretsong sa sala.

"Pwede ba kitang samahan?"tanong niya.

"Sure"sabi ko.

Naginuman lang kami.Nakakilang baso na rin ako kaya medyo nahihilo na ako.

"Jaggi.Marami na akong naaalala.Isa na lang talaga yung babaeng lagi kong kasama at mahal na mahal ko.And I think its not Andrea"sabi niya.

Nakapikit lang ako at nakapatong ang ulo sa sandalan ng upuan.

"Talaga?Isipin mo pang mabuti baka maalala mo"sabi ko.Pero medyo sumasakit na yung ulo ko.

"Lasing ka na ba?Haha.Tigil na natin to"sabi niya kaya inangat ko ang ulo ko.

"Sebastian"tawag ko sa kanya.

Sasabihin ko na ba na ako yung babaeng naaalala niya?Gusto kong malaman na niya.

"Bakit?"tanong niya.

"Ayoko pang matulog.Inom pa tayo"sabi ko.

Naisip ko kasi pag ba nasabi ko may mangyayari?Oo,naduwag na naman ako.

"Pero lasing ka na.Tignan mo yang sarili mo"sabi niya.

"Sige.Magpahinga ka na.Ako na lang"sabi ko tapos nagsalin ng alak sa baso.

"No"pigil niya ng iinumin ko na.

"Sasamahan kita.Pero no more drinks.Okay"sabi niya.Kaya tumango ako.

Umupo siya sa tabi ko.Tinitigan ko lang siya.Siya parin yung Seb na minahal at patuloy kong minamahal.

"What?"tanong niya.

"Nothing" sabi ko.

"Gusto mo manood tayo ng movie?"tanong niya.

"Sige "sang-ayon ko.

Nagsalang siya ng movie.Dahil na rin sa pagkahilo.Di ko na alam kung ano yun.

Sumandal si Seb sa couch.Tapos nilagay niya yung kamay niya sa sandalan kaya parang nakaakbay siya sa akin.

Napatingin ako sa kanya.Tapos ngumiti siya.Jusko don't kill me.

"Si Andrea.Mabait siya diba?"tanong niya.

"Hahahahaha yo'n? mabait?nagbibiro ka ba?Ang maldita nun sa akin dati e.Sobrang sama ng ugali niya.Isa siyang bitch"hahaha pagkasabi ko nung bitch tumawa ako.

Hahaha bitch.Oo isa siyang bitch.Tumingin sa akin si Seb,tinaas taasan ko lang siya ng kilay.

Bigla na lang akong inantok at nakatulog.

"Alam mo matulog ka na"rinig kong sabi niya at ramdam ko ang pagbuhat niya sa akin.

-Sana bukas mahal na niya ako ulit.

*******

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon