After 1year and 5months
TP's POV (third person)
"Ma-ma uhhh ohhh " turo ni Miraculous sa makukulay na lobo na tinitinda sa may park.
Tumingin naman si Jaggi sa tinuturo ng anak saka ngumiti. Bakas sa mukha ng ina ang pagkatuwa sa tuwing nakikita ang anak. Dalidali silang lumapit sa nagtitinda ng lobo.
"Manong isa pong lobo" nakangiting bigkas ni Jaggi sa lalaking nagtitinda.
"Ma'am alin po dito?" Tanong nung lalaking nagtitindi. Agad namang nilingon ni Jaggi ang anak na buhat buhat niya.
"Alin ang gusto mo baby Mi?" Tanong niya. Itinuro ni Mira ang lobo na hugis puso at sinimulang laruin.
"My baby seems so happy" Nilingon ni Jaggi ang nagsalitang lalaki saka nagtungo dito. Hinalikan niya ang asawa kasabay ng pagsama ni Mira kay Sebastian.
"Saan mo gusto kumain?" Nakangiting tanong ni Sebastian sa asawa.
"Hmmm" bigkas niya at sabay tingin sa itaas na mukhang nagiisip pa.
Napangisi naman si Sebastian dahil doon kaya natawa na rin si Jaggi. " Let's go" sabi niya kaya sumakay na sila sa kotse at umalis na.
.
.
.-
Ja's POV
Hindi padin ako makapaniwala na may isang anghel sa harapan ko na patuloy na nagpapasaya sa akin/ sa amin.
Kung iisisipin napka dami naming pinagdaanan pero biniyayaan parin kami ng isang anghel.
Pinagmamasdan ko lang si Miraculous na natutulog. Napaka ganda ng anak ko. Ang sabi ng doktor maswerte daw ako na pareho kaming okay pagtapos kong manganak. Tuwang tuwa ako dahil malusog na sanggol ang nailuwal ko.
"Thinking of something huh!" Rining kong may pumasok sa kwarto at si Seb yun.
Napangiti naman ako sa kanya nang halikan niya sa noo ang anak namin.
"Inaalala ko lang lahat simula nung pinagbubuntis ko pa lang si Baby Mi" paliwanag ko. Kita ko namang napataas siya ng kilay.
"Again?" Di makapaniwalang tanong niya. Yan lagi niyang sinasabi pag nageexplain ako at pare pareho lang ang iniisip ko. Yun yung dumating si Baby Mi sa amin.
"Di ka naman naniniwala kaya shut up ka na lang" sabi ko sabay tawa. Buti nga di na rin masyadong masungit si Sebastian. Yung negosyo nila Tita Ella si Seb na ang may hawak lahat. Masaya ako para sa kanya. Tapos si mama naman as usual nasa ibang bansa doing great sa mga business niya.
"I love you" gulat akong napatingin kay Sebastian na seryosong nakatingin sa mga mata ko.
Natigilan ako. Lagi naman niya yang sinasabi pero bakit parang iba yung tama ngayon. Di naman ako nakadrugs kaya hindi ako high.
"Tsk. " sabi niya saka ibinaling ang tingin sa anak. Nainip siguro siya. Hindi kase ako nag I love you too.
Inilipat na niya si Baby Mi sa crib kaya matutog na kami. Simula nung naging magasawa kami at nakapagpatayo ng sariling bahay sobrang saya ko. At ngayon wala na akong hihilingin na kahit ano pa.
Napalingon ako sa gilid nang humiga si Sebastian tinignan ko siya ng ilang segundo saka niyakap. Ramdam kong napatingin siya pero hindi ko siya nilingon. Inangat niya ang kanang kamay at nilagay sa likod ko. Kaya ang pwesto naka unan ako sa braso niya habang sinusuklay naman niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
" Before knowing that it could be dangerous to you to carry a baby. I plan to have atleast 5 kids." Seryosong sabi niya.
"FIVEEE???" Gulat kong sabi at medyo napalayo. Anong akala niya sa akin? Tsaka diba nung nag bakasyon kami sabi niya kay Tita Ella di ko kaya ang madaming anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/50069296-288-k476212.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Teen FictionHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!