Chapter 5

159 6 2
                                    

Ja's POV

Nandito ako ngayon sa school sobrang busy ng lahat dahil sa General Party bukas halos lahat nag de-design ng buong campus.

At dahil masipag ako nandito ako sa canteen at kumakain.Hihi ayoko kasing tumulong nakakatamad.BTW nasan kaya si Ji, may partner na kaya siya?

Bumili ako ng isang chocolate tsaka lumabas ng canteen at nakasalubong ko si Ji.

"Jiiii!!!!" Tawag ko na parang ngayon lang ulit kami nagkita.

"May partner ka na ba para bukas?" tanong ko sa kanya.

"Hihi oo Si Sil " tapos abot hanggang tenga yung ngiti niya.
Sino kaya yun?

"Sil? As in Si? Silicon?"pabirong tanong ko tapos tumawa kaming dalawa.

"Tae hindi a,gwapo yun tsaka Silvester Lim yung full name niya.Wag ka nga" nakangiting sabi niya.

"Bes" tawag ko sa kanya.

"Hmm?"tapos nakataas yung kilay niya.

"Walang forever" nakangising sabi ko.

"Kami ang magpapatunay ng forever huh!" Pagtataray niya.

Pero wala naman kase talagang Forever, pero depende padin hays ewan.

"Sino ba yang Sil na yan huh? Pakilala mo nga sa akin "

"Sige tara"tapos hinila niya ako papunta sa rooftop.

Teka bakit sa rooftop? Aishh bahala na nga.Ano kayang itsura nung Sil,gwapo kaya? Ahihi.

"Oy bakit sa rooftop?" Tanong ko.

"E,kasi lagi siyang nakatambay sa rooftop malay mo nandun tara na" hila niya sa akin paakyat.

Nang makarating na kami sa rooftop nakita ko yung dalawang lalaki na nakatayo.Ang angas ng dating nila.

"Sil" sigaw ni Ji.

Kaya humarap yung dalawang lalaki at tumingin sa amin.Pogi naman pala kaya may pagkabaliw sa kanya si Ji.

"Bakit?"tanong nung Sil siguro kay Ji nang makalapit kami sa kanila.

"Ah,kase etong bestfriend ko gusto kang makilala" nakangiting sabi niya.

Tapos tumingin siya sa akin.Ay ano magpapakilala na ba ako?

"Jaggi Garcia" naka smile na sabi ko at nilahad ko yung kamay ko.Tinanggap naman niya yun at nagpakilala din."Silvester Lim"

"Gusto lang kitang makilala kase etong si Ji puro ikaw ang bukang bibig at para masigurado ko na din kung sino ka" dagdag ko pa.

"Haha! Don't worry Jaggi,hindi ko siya pababayaan para sa general party bukas.And talaga bang bukang bibig niya ako kanina pa?" Nakangising tanong niya.

"Hindi ah" nahihiyang tanggi ni Ji.Hahaha ang cute niya.

"Wag mo nang itanggi Jia alam ko namang may lihim na pagtingin ka sa akin e haha" pang-aasar pa ni Sil.

"Luh! Kapal mo" sabi ni Ji tapos nagtawanan kami pwera dun sa isang guy na nakatingin parin pala sa kawalan.

"Sino siya?" Tanong ko.

"Ah yun ba? Si Kian Vasquez wait lang pakilala ko kayo" sabi niya tsaka tinawag yung Kian daw.

"Ki sina Jia at Jaggi , Jaggi and Jia si Kian kaibigan ko" pagpapakilala niya.

"Nice meeting you" sabi ko sabay ngiti.Wait lang ngumiti din sya ay ang gwapo.

"Ja dito lang muna kayo ha,bibili lang kami ng pagkain wag kayong aalis jan ha" paalam ni Ji.Maldita talaga tong babaeng to.

"Sige" sagot ni Kian.
Tapos umupo siya sa sahig tsaka tumingin ulit sa kawalan.

Nilapitan ko siya para kausapin,syempre di naman ako makakatagal ng walang kausap diba?
Pag ka lapit ko sa kanya nakita kong tumingin siya at ngumiti ang sweet ng ngiti niya hihi.

"Hi!" Tanging nasabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Haha! Ang cute mo pala" sabi niya.Baka namumula na ako nakakahiya naman.

"Hindi naman" nahihiyang sabi ko.

"What's your full name?"tanong niya.

"Ah, Jaggi Garcia" naka smile na sabi ko.

"Ikaw ba yung girlfriend ni Sebastian?"tanong niya.

"Ha?!!! " tanging nasagot ko.

"Ang cute mo talaga.Oo kalat na sa buong campus yung relationship nyo" sabi niya.

"Sayang nga e,bakit ngayon lang kita nakilala haha.Ang ganda mo" sabi niya.Pagkasabi niya nung huling line seryoso sya.

"Wag ka ngang ganayan baka masanay ako"

"Honestly  sa laki nitong school lagi kitang nakikita.And then I find your face beautiful.That moment I want to court you but that moment is when Sebastian introduce you to his mom as his girlfriend" seryosong sabi niya.So kilala niya na pala ako,ang peymus ko pala hehe peymwor.

Napalunok na lang ako sa pagka seryosos tapos biglang bumukas yung door na nasa rooftop.Baka sila Ji nayan salamat naman para maka-alis na ako sa scene na to.

"Hey" cold na sabi nung pamilyar na boses.Akala ko si Ji na e si Seb yun e.Napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko tsaka humarap sa kanya.

"Uy!Seb anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"I've been looking for my girlfriend and somebody told me that you're here,so I went here and I saw you right there with other guy" napaka seryosong sabi niya.Tapos yung tingin niya  parang kakaini kitang babae ka look,nakakatakot.
Tumalikod na siya at umalis.Kailangan ko siyang sundan aish kase naman.

"Sige mauna na ako" paalam ko kay Kian.Tumango naman siya bilang sagot.

Nasan na ba yun? Baka nasa parking lot,oo baka nga nandun ung masungit na yun.

"Seb!"sigaw ko nang pumasok siya sa loob ng kotse,baka iwanan niya ako.Papalakad ako papunta sa kanya nang pinaandar na niya yung kotse niya at iniwan ako.Napaka walang puso talaga nung lalaking yun kainis!.

"Grrrr!!! Leche!!!!"sigaw ko.

Magko-commute na lang ako pauwi sa unit nya kainis.Sumakay ako ng jeep.Isang sakay lang naman e,tapos nandun na.

Nang makarating ako sa unit niya binuksan ko na yung pinto tapos nakita ko siyang nanunuod sa sala na parang hindi ako nakita.

Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis.Lumabas ako at umupo sa kabilang dulo ng couch.Ayoko siyang pansinin pero ang sarap ng food niya e.Huehue bakit ganooonnn!!

"Psst..psstt" sitsit ko sa kanya.

Tumingin naman siya ng nakakatakot.Huehue gusto ko lang naman nung chips na kinakain niya e.

"Pwedeng pa share?"tanong ko.

"No" tipid na sabi niya.Aishh ang damot aalis na nga lang ako,buset.

Palabas na sana ako nang pinto nang magsalita siya.

"Where are you going?" Tanong niya.Ang sungit talaga nito nakakainis.

"Basta" sabi ko.Babalik na lang siguro ako sa school para may mga kausap akong matino.Oo si Kian na lang ang pupuntahan ko.

"I know you will go back to school but once you talk to Kian I will kill him" sabi niya sabay pasok sa kwarto.E bakit naman?

***********
A/N: HEHEHE! Annyeong maganda ba? Please naman magcomment kayo para malaman ko yung mga nararamdaman nyo jeballl!!! Sorry sa mga typos at mga wrong grammar mianhae.

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon