Chapter 39: ATINIY#14

70 2 0
                                    


Seb's POV

Ang hirap palang bumitaw sa taong mahal mo.Bakit ganon?Hindi ko parin maintindihan kunga bakit niya ko kailangang iwan?

Pero minsan naiisip ko ,baka sa sobrang paghihintay at pagpapasensya sa akin ni Ja e nawalan na siya ng pagasa.Siguro kasi di niya lang sinasabi na masakit sa tuwing wala ako at na kay Andrea ang atensyon ko,siguro napuno na siya.Kasalanan ko din pala.

Kumuha ako flight papuntang States.Ewan gusto ko muna ng sariwang hangin.Mamaya na ang alis ko.Sana doon maging maayos ako.

Nandito lang ako sa kwarto at hindi lumalabas.Wala ako sa mood parang naging introvert na naman ako.

Knock knock.....

May kumatok kaya binuksan ko.Si mama pala.

"Bakit po?"tanong ko.

"Si Kian nasa baba,hinahanap ka?"sabi ni mama.

Bakit naman niya ako hahanapin?Wala naman akonh kasalanan sa kanya.Matagal na rin simula ng di kami nag-usap dati dahil nga magkagalit kami.

Bumaba ako para makita siya.Nandito kami sa may garden.

"Bakit?"tanong ko nang makita ko ssiya.

"Sebastian alam kong galit ka sa akin,pero gusto kong sumaya si Jaggi. Sana bumalik ka na sa kanya"diretso lang kami ng tingin.Di ako humaharap sa kanya at ganon din siya.

"Aalis na ako mamaya papuntang America.Alagaan mo si Jaggi"sabi ko at iniwan na siya.

Di ko naman siguro kailangang sagutin yung sinabi niya.Maniniwala na lang ako sa kung ano ang gagawin ng tadhana.

--
Nandito na ako sa States. Nagcheck-in ako sa isang hotel.Nandito ako para kalimutan yung mga sakit na naramdaman ko sa Pilipinas.Sana dito makahinga na ako ng maluwag.

Pumunta ako sa isang coffee shop.Magkakape muna ako.

Umupo ako sa bakanteng table saka ininom yung kape ko.Pinagmamasdan ko lang yung mga taong dumadaan sa gilid ng shop.Ibang-iba talaga to sa Pilipinas.

May nakakuha ng atensyon ko sa loob ng shop.May babaeng nadapa sa tabi ng table ko. Tinulunga ko siya at kitang kita na nahihiya siya.

Pinaupo ko siya sa harap ko."Are you okay Miss?"tanong ko.

"Ahm yeah I'm okay" sabi niya kaya napatango ako.

"Ganyan ba naman kapogi ang tumulong sa akin magiging okay ako"kinikilig na sabi niya.Narinig ko yun,Pilipino to.

"Po?"pagmama-ang maangan ko.

"Are you a Pilipino?"tanong niya.

"Yes" sagot ko.

"Hi!,Pilipino ako.By the way I'm Nana "tapos nilahad niya yung kamay niya.

"I'm Sebastian"tipid na sabi ko at uminom ng kape.

"Oww so friends na ba tayo?"tanong niya.Ang kulit ng babaeng to.Tumango na lang ako bilang sagot.

"Mauna na ako" sabi ko.That girl is annoying. But I can handle it because my ex girlfriend is like her.

"Wait" rinig kong may sumigaw mula sa likod ko kaya nilingon ko.

"Yes?"tanong ko.

"Hmm san ka nakatira?"tanong niya.Tapos naglakad na kami.

"Naka check-in lang ako sa hotel " sagot ko.

"Ahh"tapos kumuha siya ng pera sa wallet niya.Pero may isa akong napansin. Kinuha ko yung wallet niya at tinignang mabuti yung picture.

"Kilala mo?"tanong niya.

"Oo" tapos binalik ko na yung wallet niya.

"Si Jaggi?Wow naman,small world"sabi niya.

"Magkaibigan kayo?"tanong ko.

"Magka-ibigan"paguulit niya na ikinagulat ko.Napatingin ako sa kanya ng di ko alam kung paano idescribe.

"Hahahahahaha!chos lang ikaw naman Sebastian.Bestfriend!kami dito.Sabay kami sa lahat kaya yun.Nagkakilala kami nung college. "Sagot niya.Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Can you tell me more about her?"tanong ko. Di ko alam sa sarili ko alam ko nandito ako para makalimutan yung sakit pero bakit pinapasok ko to?

"Okay, dun tayo sa apartment ko."sabi niya.

Sumunod lang ako sa paglalakad at nakarating narin ata kami.

"Pasok ka" sabi niya.

Naupo ako sa couch tapos umupo siya sa harapang couch. Binuksan niya yung TV pero mahina lang.

"So ano?"tanong ko.

"Ay oo nga pala ganto kase"paninimula niya.

"Pumunta ata siya dito sa States kase nasaktan siya sa Pilipinas.Ang pagkakaalam ko nawalan ng ala-ala yung boyfriend niya." Nakikinig lang ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"That time pareho kaming broken hearted kaya naging friends kami.Pinagkaiba lang iniwan ako tapos siya parang biglang nakalimutan."

"Sabi ko nga bakit siya umalis sa tabi ni Boy.Sabi naman niya e hindi niya daw kase makaya pag nandun siya tapos ang hinahanap e ang bestfriend niyang girl. Wait naalala ko Sebastian pangalan ni boy" tapos humiga siya sa sofa.

"Oy kapangalan mo pala"sabi niya sabay bangon at turo sa akin.

"Ang galing talaga.Tapos pala yung girl na bestfriend Andrea? Andrei? ano ba yun?basta."

"Pero alam mo awang-awa ako sa kanya.Kahit na pareho kaming broken hearted.Araw-araw, gabi-gabi yang umiiyak.Kapag may mga bagay siyang naaalala.Parang binigay na nga niya lahat sa boyfriend niya e wala ng natira sa kanya.Bilib din ako sa pagtitiis niya kapag kailangang icomfort ng jowa niya yung bestfriend. Hays asan na kaya siya ngayon?"biglang nagseryoso siya .

"Ganon niya kamahal yung lalaki?"tanong ko.

"Oo naman."

Sabi niya at parang nadurog ang puso ko at sinaktan ko ulit siya.

-
A/N:

Si Nana ay si Jane ng The Ark.

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon