Chapter 28: ATINIY#3

79 2 0
                                    

Ja's POV

Inimbitahan ako ni Tita Ella na mag dinner sa kanila.Kaya pumayag na ako.Gagawin ko naman to dahil gusto ko ulit makita si Tita Ella and no more than that.

Pagkarating ko kila Tita Ella,niluto ko na yung sinampalukan na paborito ko.

"Charaannn"sabi ko sabay baba ng niluto ko sa lamesa.

"Wow!I'm sure masarap yan"sabi ni Tita Ella.

"Syempre naman po Tita" nakangiting sabi ko tapos umupo.

Kumain lang kami nang kumain.Ang sarap ng carbonara,pero actually lahat naman masarap e.

"Ang sarap naman po ng carbonara sino po nagluto?"tanong ko.

Nakita ko naman na parang nagulat sila.May mali ba sa sinabi ko?

"Ako"nakangiting sabi ni Sebastian.

Hindi ko alam ang dapat maramdaman.Pero alam kong wala lang to.

"Masarap "nakangiting sabi ko.

Pagkatapos naming kumain nagtungo kami sa may pool.Doon uminom sila Kian.

"Hoy,wag ka ngang uminom ng madami"sita ko sa kanya.

"Haha.Bakit naman?"tanong niya.

"Kase po Mr.Kian Vasquez magdadrive ka pa pauwi"sabi ko at inirapan siya.Baka kasi kung anong mangyaring masama diba?

"Opo"sabi niya.

Ayokong matulad siya kay Sebastian.Baka pag nangyari yun mabaliw na ako.Mababawasan na naman ang nakakakilala sa akin.

"Ja,inok tayo?"aya sa akin ni Jia.

"Pass muna ako.Medyo masakit kasi ulo ko.Pasok muna ako ha"paalam ko.

Pagpasok ko nagtungo ako sa kusina at doon nakita ko si Tita Ella.Nakakamiss talaga siya.

"Tita"nakangiting tawag ko.

"Iha,namiss kita ng sobra sobra"sabi ni Tita pagkaharap.Bakas sa mukha niya yung saya.

"Namiss din po kita"sabi ko at umupo kami sa may dining area.

"Bakit ka naman umalis ng matagal?Sana ikaw ang kasama ng anak ko ngayon"sabi niya.Bakas sa boses niya ang lungkot.Bakit kaya.

"Tita masaya naman po siya kay Andrea. Ayaw niyo po ba sa kanya?"tanong ko.

"Hindi naman.Pero kasi kinuha na niya ang anak ko.Minsan na lang umuwi si Seb dito.Kaya malungkot ako"sabi niya at bakas nga sa mukha at boses niya ang pagkalungkot.

"Nangako din si Andrea na tutulungan niyang ibalik si Seb sa dati.Tutulungan daw niyang makaalala si Seb pero hanggang ngayon wala padin.Hindi ko siya mapagsalitaan dahil tinulungan nila kami sa mga kumpanya namin.At ngayon nagsisisi ako na sa kanila pa ako humingi ng tulong"

"Tita" yun na lang ang nasabi ko at niyakap siya.

Ayoko ng nakikitang ganto si Tita.Naaawa ako sa kanya.

"Sige na iha makiparty ka na doon"sabi ni Tita at tinapik tapik ang balikat ko.

"Pano po kayo?"tanong ko.

"Kaya ko na sarili ko sige na"sabi ni Tita kaya nagpaalam na ako.

Habang patungo ako sa may likod bahay nila nakasalubong ko si Sebastian.Lalagpasan ko na siya ng tawagin niya ako.

"Mmmm..Jaggi wait"sabi niya kaya lumingon ako.

"Bakit?"tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?"tanong niya na nagpakaba sa akin.Baka kung ano ang tanungin niya.

"Sige"sabi ko.Pumunta kami sa garden nila at naupo sa isang bench.

"I just want to clarify something"sabi niya.

"Ano yun?"tanong ko.

"Magkaibigan ba tayo dati?Well halos lahat kasi ng kaibigan ko kilala ka.Specialy my mother" diretsong sabi niya.

Ngumiti ako at sinabing "We're friends before".

"Dati lang?can we be friends now?"sabi niya na ikinagulat ko.

"Yeah" yun na lang ang nasabi ko.

"Friends"naka smile na sabi niya at nkipag shake hands sa akin.

Ilang taon din nung nahawakan ko yung kamay niya.Ganun parin yun kalambot.Namimiss ko na si Sebastian sa buhay ko.Ang sakit lang din sa part ko na kaibigan lang ako ngayon.

"By the way,pwede bang tulungan mo akong makaalala?"

"Bakit?"tanong ko.

"Naniniwala ako sa girlfriend ko na tutulungan niya ako pero nakakasawang maghintay sa wala.Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil wala akong maalala.Para akong bagong silang na sanggol"paliwanag niya.Naawa ako dahil sa mga sinabi niya.

"Sige tutulungan kita.Bukas ang simula"sabi ko at tumayo na.

Habang papunta ako sa may pool na isip ko kung bakit ako pumayag.Hindi pa masyadong nahihilom tong sugat sa puso ko e.

"For Jaggi"sigaw ni Jia nang makita ako.Nagcheers sila at ininom ang mga alak sa kanikanilang baso.

Lumapit ako ng may ngiti saking labi.Kumuha ako ng basong maliit at uminom dib ng alak.Sumali sa kasiyahan namin si Sebastian.

"You girls shouldn't drink beer"sabi ni Sebastian kaya napatingin kami ni Jia sa kanya.

"Haha Sebastian minsan lang to.Saka d naman kami maglalasing e"paliwanag ni Jia.

Naginuman lang kami.Hindi pa ako lasing.Magda-drive ako kaya hindi dapat ako lasing.

Nakita ko namab si Kian na panay ang tagay.

"Hoy Kian.Diba magdadrive ka pa?"mataray na sabi ko.

"Last na to"sabi niya sabay inom nung alak.

"You two are perfect for each other"singit ni Sebastian na nagpatahimik sa amin at kapaligiran.

*kruuuuu...kruuuu...kruuuuu*

"What? Did I say anything wrong?"tanong niya.

"Alam mo pare tumagay ka na lang ang ingay mo e"sabi ni Sil tapos nilagyan ng alak yung baso ni Seb.

Tapos buti na lang bumalik sa dati yung aura ng kapaligiran.Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hello"sabi ng isang ma-accent na babae.Pamilyar tong boses na to e.

"Can I join?"sabi niya at tumayo si Sebastian.Humarap ako ng dahan dahan at si...Si Andrea.Si Andrea nga yun.

*************

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon