Chapter 27: ATINIY#2

79 2 0
                                    

Ja's POV

Nandito parin kami sa Ice Bar ewan ko dito sa mga to ayaw pang umuwi.Hindi naman ako masyadong uminom kaya.Kaya ko pa.

"Sayang wala si Seb"nanghihinayang na sabi ni Sil.

"Oo nga e.Ang epal kasi ng girlfriend nun na monster hahahaha"sabi naman ni Kian.Tapos sabay silang tumawa.Mga loko loko to.

"Oo,epal nun.Hindi naman niya talaga tinuring na bestfriend si Seb.Ginawa niya lang yun para mapalapit dito.Tama ako diba?"lasing na sabi ni Sil.Nag thumbs up si Kian saka ulit sila nagtawanan.Mga lasing na to.

Pero teka!Bestfriend?.So girlfriend niya si Andrea?

"Hoy!manahimik na nga kayo.Tsaka umaga na tara na uwi na tayo"singit ni Jia.Tumayo na kami at dumiretsong kotse.Kawawa naman si Manong hehe.

Nagpahatid na ako dun sa condo unit na sinasabi ni Kian.Ayos naman pala.Maganda rin.

Nag-ayos na ako ng gamit.Nilinis ko na rin yung bahay.Wait lang,wala pq nga pala akong pahinga.Kaya nagtungo ako sa kwarto at nahiga.

Wala pang kalahating oras akong nakahiga may kumatok sa pinto.

Binuksan ko yon at nakita ko si Jia.Paano niya nalaman to?

"Tinanong ko kay Kian kung saab ka magstay"nakangiting sabi niya.

Nagtungo ulit ako sa kwarto saka binagsak yung katawan ko.Sumunod naman siya at umupo sa gilid ng kama.

"Ja"tawag niya pero di ko siya pinansin.Gusto ko na talaga magpahinga.

"Ja"pag-uulit niya.

"Hmmm??"sagot ko.

"Okay ka na ba talaga?Nandito lang ako ha"sabi niya na ikinagulat ko.Inangat ko yung ulo ko para harapin siya.

"Ano bang sinasabi mo?"tapos umupo ako sa kama.

"Si Sebastian at si Andrea.Alam konv masakit yun para sa part mo"sabi niya.

"Pero wala na akong pakielam kay Sebastian.Wala na akong paki sa kanila.Gawin nila kung ano ang gusto nilang gawin"paliwanag ko.

"Osige sabi mo e" sagot niya.

"E,pano nyo naman naging kaibigan yun?Tsaka buti hindi na siya cold"sabi ko kay Jia.

"Oo nga e.Si Tita Ella kasi pinapapapunta kami sa kanila simula nung naaksidente si Seb.Nalaman kasi ni Tita na umalis ka kaya kami na lang.Tapos ayon naging close na kami"ganun pala ang nangyari.Kamusta na kaya si Tita Ella.

"Sige na Ja,magpahinga ka na" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

-
Seb's POV

Hindi ako nakasama sa celebration nila.Tumawag kasi si Andrea.Hindi na ako nakatira sa amin.Simula nung naging kami lumipat na ako sa condo unit niya.

"Hon,am I beautiful?" naglalambing na naman ang prinsesa ko.

"Syempre naman hon"sabi ko at niyakap siya.

"Nga pala hon.Diba magfa-five months na tayo? You told me na you will help me to get back all my memories"nangako kasi siya sa akin.Yun yung dahilan kung bakit ako lumipat dito sa unit niya.

"Ahhhh ano kase.....Diba sabi ng Doktor wag biglain.Wait ka lang hon dadating din tayo dun" sabi niya.Naniniwala naman ako sa kanya kaya I'll follow her na lang.

"Nga pala hon.May family dinner kami bukas.Punta ka ha" ang tagal narin kasi niyang hindi sumasama sa mga family dinner namin.

"Ahh may aasikasuhin ako bukas hon.Alam mo na diba babalik akong States?"sabi niya.

Oo nga pala aalis siya.Pinapapunta kasi siya dun ng papa niya para sa business nila.

"Okay hon.Sabihin ko na lang kay mama"

Masaya ako na nasa tabi ko ang taong mahal ko.Pero parang may hinahanap-hanap yung puso at isip ko.Hindi ko naman alam kung sino dahil may amnesia nga ako diba?

Kung sino man siya.Magiging masaya ako kapag nakita ko siya.Masaya na ako kay Andrea.

-

Kinabukasan paggising ko.Wala na si Andrea.Dumiretso na ako kila mama.

"Ma"tawag ko kay mama pagpasok sa bahay.

"Oh iho,dito ka na pala.Tara tayo ang magluluto para mamaya.Marami ang pupunta"sabi ni mama.Nakangiti pa siya ng sobrang lapad.Tsaka anong maraming pupunta?e family lang diba?

"Bakit marami?pati ba yung mga pinsan ko pupunta?"tanong ko kay mama.

"Hindi nak.Sila Jaggi yung batang mabait ,kasama yung mga kaibigan niya.Sila Kian.Naisipan ko kasing imbitahin sila tutal kapamilya naman na ntin yung mga batang yun diba?"paliwanag ni mama.

"Tsaka parang celebration na rin ng pagdating ni Jaggi"dugtng pa niya.

Habang nagluluto kami dumating na sila Kian.Ang aga naman ata.

"Bro ang aga nyo ata"salubong ko sa kanila.

"Namili kami.Si Jaggi kasi gusto niya daw tulungan si Tita Ella"paliwanag ni Kian.

"E,asan na siya?"tanong ko.

"Susunod daw"sagot niya.

"Ano po ba ang maitutulong namin Tita?"singit ni Sil.

Ayun nagluto na kami.Gumawa ako ng Carbonara.Si mama naman nagluto ng Menudo at Kare-kare.Si Sil nagprito ng manok at sianghai.Si Kian naman nagpapakulo palang ng baboy.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko.

"Ah hindi ako ang magluluto nito si Jaggi.Paborito niya to.Pinakuluan ko na para pagdating niya madali na lang matapos"paliwanag ni Kian.

Puro na lang Jaggi.Sino ba siya? May connection din ba ako sa kanya dati? Halos lahat sila mahal na mahal siya simula kay mama hanggang sa mga kaibigan ko na kaibigan din niya.

"Iho"tawag sa akin ni mama nung dalawa na lang kami sa kusina.

"Bakit po?"

"Sana dumalas dalas ka naman dito.Simula nung naging kayo ni Amdrea parang nawalan na ako ng anak"sabi niya.

Hindi na rin kasi ako madalas dito.Lagi ko kasing sinasamahan si Andrea sa mga trabaho niya.

"Sige po ma"sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Mahal ko si mama kaya lahat gagawin ko para sa kanya.

********

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon