Chapter 48: ATINIY#23

81 2 0
                                        


Ja's POV

Yehey nandito na kami. Nag picnic grove muna kami. Ganda ng view dito. Sakto pa summer hayahay ang buhay ko.

"Ganda dito no Ja"sabi ni Jia na nasa tabi ko na pala.

"Oo nga e" sabi ko. Tas nag selfie na kami sa lahat ng anggulo ng view dito. Minsan lang to kaya dapat sulitin. Tapos nagpicture kaming lahat. Ang saya naman. Naglibot pa kami hanggang makita namin yung zipline. Try ko na minsan lang din naman e. After neto work work work na.

Kaya at the end tinry naming apat. Kahit nakakalula keri lang masaya naman.

Habang naglalakad kami biglang may tumawag sa akin galing sa likod.

"Jaggi?" Kaya nilingon ko.

Hala yung boss ko pala. Bakit? Paano at anong ginagawa niya dito?.

"Sir?" Gulat na sabi ko.

"Hindi ka pumasok?" Tanong niya.

"Ah Sir Migs nagleave po ako ng 7 days. Pero after naman po neto magta trabaho po ako ng maigi" sabi ko.

"Haha it's okay. Enjoy your day" sabi niya.

"Ah Sir bago ko po makalimutan. Si Sebastian,Jia at Silvester mga kaibigan ko." Pakilala ko sa kanila. Naghi at bumati naman yung tatlo. Tapos nagpaalam na kami sa isat-isa.

Naglakad na ulit kami. Tapos nasa unahan namin sila Ji na naglalampungan.

"Friend?" Tanong ni Seb.

"Ha?" Tanong ko pabalik.  Di ko talaga siya maintindihan bakit ganon.

"Kaibigan mo lang ba ako?" Tanong niya. Hahaha yun pala yun.

"Huh! E hindi naman tayo. Di ko nga feel na nanliligaw ka e" sabi ko.

"Manhid ka kase" aba at ako pa ha.

"Ako? Manhid? Hindi kaya. E wala ka naman talagang ginagawang effort." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Bakit pag nanliligaw ba kailangan may bulaklak at chocolate? Pati na Long sweet message? Hindi ba pwedeng presence ko lang okay na? Lagi naman tayong magkasama ha" sabi niya pa. May pinaglalaban tong lalaking to.

"Oo na" sabi ko at nagsimula ng maglakad. Bakit kase ang init ng ulo niya sa akin lagi na lang. Diba dapat ako nga yung ganun? Bakit siya yung bipolar.

Hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Sabi ko wag mo kong iiwan e" napangiti naman ako ng konti dahil don. Alam niya kung paano ako pakiligin at di ko matago yun.

Umalis na din kami sa picnic grove at naghanap ng makakainan. Hapon na rin kase kaya after neto baka magpahinga na kami. Himinto kami sa isang fastfood chain.

"Ang saya no Jia" Sabi ko.

"Oo nga e. Nakakatanggal ng stress pati yung klima nakakarelax " nakangiting sabi niya.

"Bakit stressed ka ba?" Tanonv ni Sil.

"Sayo? Oo" sabi ni Jia. Di parin makamove on sa singsing. Assumera kasing babae to.

"Ewan ko sayo" halatang inis na sabi ni Sil.

"Ewan ko din sayo" sabi naman ni Ji. Hays pataasan ng pride.

"Hep hep hep! Teka nga. Diba nandito tayo para maging masaya. Umayos nga kayo"nag nod naman sila kaya napangiti ako.

Si Seb naman kanina pa nag se-cellphone

"At ikaw kumain ka na" sita ko sa kanya.

After non. Nagstay kami sa isang hotel dito. Ang sakit sa likod hays. Pagpasok na pagpasok namin ni Seb sa kwarto nahiga agad ako. Ginalaw galaw ko yung kamay at paa ko na parang ewan.

"Try to clean yourself first" sabi niya. Edi maglilinis. Tumayo na ako at kumuha ng damit. Pajama and a bigbig shirt. Ang presko kase pag yun yung suot.

Naligo na ako buti na lang at maligamgam ang tubig dito at baka magyelo ako kung hindi.

"I'm done" sabi ko pagkalabas.
Siya naman yung sumunod na naligo. Ang saya sigurong maglibot sa labas.

"Seb lalabas lang ako saglit ha"  paalam ko sa kanya sa may pinto.

"Okay" sigaw niya pabalik.

Lumabas na ako. Maglilibot lang naman ako dito. Ganda kase nung mga view. Alasais naman na wala namang tatawa sa suot ko.

Ikot ikot ikot. Paikot ikot lang ako hanggang sa dalawain na ako ng pagod.

Bumalik na ako sa hotel. Paliko na ako sa room namin nang may nakita akong babae sa harap. Nacurious naman ako. Lalapit na sana ako nang lumabas si Seb.

"Tylerrr" masiglang bati nung girl kay Seb.

Nagtago ako sa gilid at pinapanood sila. Yung tingin nung babae kay Seb iba e. Parang may something. Yung mukha naman ni Seb as usual cold. Ano bang bago. Hindi ko marinig yung pinaguusapan nila. Lumingon lingon si Sebastian saka hinila palayo yung babae.

Hindi ko alam pero ang sakit. Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko. Ayoko munang pangunahan yung mga nakikita ko. Sinundan ko sila. Pero sana pala hindi na lang, ang sakit. Tumakbo ako pabalik sa kwarto. Dumiretso ako sa banyo tsaka ibinuhos doon ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon .

Sana pala di na lang ako sumunod. Sana di na lang ako nacurious edi sana di ko nakitang magkahalikan sila. Sana wala akong iniisip ngayon. Sana walang masakit. Sana sana di na lang kami nagkita ulit.

Sana nga,sana matapos na tong araw na to. Akala ko okay na kami. Siguro siya yung katext pa kanina ni Seb.

Lumabas ako ng banyo na parang walang nangyari. Wala parin siya. Humiga ako sa kama, magpapahinga na ako. Nakakapagod tong araw nato.

Napalingon ako nang tumunog yung doorknob kaya nagtulog-tulugan ako.

Rinig ko yung mga hakbang niya. At ramdam kong palapit siya. Hinawi niya yung mga buhok sa mukha ko.

"Goodnight" rinig kong sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Pagtapos nun nahiga narin siya sa kabilang kama. Tumulo yung luha ko dahil sa ginawa niya. Gusto kong magalit pero wala akong karapatan. Sino ba ako sa buhay niya? Walang kami kaya kahit sino pwede siyanv kunin. Kaya dapat di ako masaktan.

Pilit kong kinakalimutan lahat ng nakita ko kanina pero ayaw maalis sa utak ko. Bumangon ako saglit. Nakatulala lang ako. Ano bang nangyayari sa akin. Nababaliw na ba ako? Aish ayoko.

"Jaggi?" Tawag ni Seb.

"Hmm"sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong niya.
Ano ba ang gusto niyang sagot yung totoo o kasinungalingan?

"A..ayos lang ako" nag stutter pa ako kaya humiga na ako ulit. Makakatulog kaya ako nito?

Jusko gusto ko na magpahinga. Pagod na pagod na ako. Ang cute lang ng buhay ko ang daming thrill. Nakakaexcite. Ano naman kaya mangyayari bukas? O kaya next week o di kaya nextyear. Sige lang pahirapan nyo lang ako ng pahirapan. Nakakaenjoy naman e. sobra kong naeenjoy.

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon