Ja's POV
"Anong nangyari sayo Jaggi?"tanong ni Kian.
Hmm ano ba magandang palusot ? Jusko!!.
"Ah kase naglilinis ako ng kwarto"palusot ko.
"Ha?diba dapat dito sa sala ka naglilinis?"tanong ni Kian.Isa pa talaga Kian masasapok na kita.
"E baka kase matulog sila dito"sabi ko.
"Ah hindi Jaggi"sabi ni Nana.Inayos ko na ang sarili ko at lumabas ng kwarto.
"Eto na yung mga chips.Asan nga pala si Seb?"tanong ni Nana.
"Ha? Ah e nasa banyo.Natapunan ko kasi siya ng juice e." Paliwanag ko.
"Nandito si Sebastian?"tanong ni Kian.
"Oo binisita namin si Jaggi"sabi ni Nana.
"Ahh so anong papanoorin natin?"tanong ni Nana.
"Mamili ka na lang doon o"sabi ko sabay turo sa ilalim ng TV.
Bigla naman ng lumabas si Seb.Nakita kong nagkatitigan pa sila ni Kian.Medyo matagal din yun.Hindi ko alam pero parang meron talagang di tama kapag nagkikita sila.
"Dito ka na Sebastian"tawag sa kanya ni Nana.
Nagligpit muna si Kian ng mga kalat ko kanina.Tahimik lang siya at parang asar.Kaya tinulungan ko na.Pagpasok niya sa kwarto sinundan ko siya.
"Kian"tawag ko.
"O?" Tanong niya at humarap sa akin.
"Wala"sabi ko at ngumiti.
Lumabas na ako at hinarap sila Nana.Nagpe-play na pala yung palabas.Pinapanood namin yung Titanic.Wala kaming sawa dito ang ganda e.
Ang pwesto namin ay si Nana,Seb, Ako,at si Kian.Tumabi sa akin si Kian.Makiki join daw siya e.
Ilang beses na ba akong pinaiyak ng movie nato?Bakit ba kasi kailangang mawala si Jack?bakit?bakit?
Nakitang ngumisi si Kian."Iyakin" sabi niya sa akin.
"Anong iyakin?palibhasa wala kang puso"pabulong na sabi ko.
"Grabe ka "sabi ni Kian na ikinatawa ko.Binuksan niya na yung ilaw pagkatapos nung movie.
"Inom tayo"aya ni Kian.
"Sige" biglang sagot ni Nana.
"Ay oo nga pala.Kian si Nana,Nana si Kian"pagpapakilala ko.
"Hahaha oo kilala na namin ang isat-isa kanina kase sa labas"paliwanag ni Nana.Kaya pala.
Nilabas niya yung mga alak sa ref ko.Hindi ko iniinom yun lagi a.May mga times kase na nandito sila Ji kaya nagiistock ako.
"Kamusta ka Sebastian?"biglang tanong ni Kian.Tahimik lang kami at hinihintay ang sagot niya.
"I'm fine,how about you?" maangas na sa sabi niya.
"We're fine "sabi niya at tumingin sa akin.Nakita ko namang parang nainis si Seb.
"Di pa ba kayo uuwi?Anong oras na rin o"sabi ko sa kanila at tumayo na.
"Hindi pa"tipid na sabi ni Seb sabay tungga sa alak niya.Umupo na lang ulit ako.
"Let's play na lang guys" masayang aya ni Nana.
"Sige"pagsangayon ko.
"Spin the bottle"sabi niya.
"Seriously?" Pagsusungit ni Seb.Ayan na naman siya sa attitude niya.
"Basta masaya to"sabi ni Nana.
Inispin na ni Nana yung bote at natapat kay Kian.Ano kayang pwedeng itanong?
"Gusto mo ba si Jaggi?"tanong ni Sebastian kaya napatingin kami sa kanya.Anong klaseng tanong yun?
"Oo" diretsong sabi ni Kian.Bigla namang nagsalita si Nana na parang hindi nararamdaman yung tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Okay next"sabi niya at inispin na yung bote.
"Kiaannn!"sigaw ko dahil siya ulit.
"Ako ulit?" Natatawang sabi niya.
"So ako naman.Hmm.Sabi mo nga gusto mo si Jaggi.Bakit hindi mo pa siya ligawan?"pinagpapawisan ako sa mga tanong nila.Ano ba yan.
"Haha.We're friends"tanging sagot niya tapos spin na ulit.
Natapat yun kay Sebastian.Biglang nagtanong si Kian.
"Bakit mo siya sinaktan ?"natahimik na naman ako.Hindi ko alam pero parang ako ang tinotorture nilla sa mga tinginan nila.
"Sino?"tanong ni Nana.Walang sumagot sa kanya kaya tumahimik na din siya.
"Kase nasaktan din ako?"patanong na sagot niya.
"Ang immature ng sagot mo pare"maangas na sabi ni Kian.
"But that's that truth" walang emosyong sabi ni Sebastian. Parang siya ulit yung Sebastian na nakilala ko kumpara sa kilos niya kanina.
"That's not a good reason to hurt her.Ilang beses mo na ba siyang sinaktan? Huh!madami na diba?"sabi ni Kian na napatayo pa.
"Walang may gusto ng nangyari.Kung ano man ang nagawa ko dati, pinagsisisihan ko na ngayon .At isa pa minahal ko naman siya"sabi ni Seb.Nakatayo na sila pareho at nagtititigan.Hindi ko alam pero ayoko ng ganito kaya tumayo na ako.
"Pwede ba magtigil kayo?"pagtataray ko sa kanila.
"Gusto ko ng mag-pahinga"sabi ko.
"Sige at mauna ng narin kami ni Seb."sagot ni Nana.
Pag-kaalis nila napahawak ako sa noo ko at dumiretso sa kwarto.Naramdaman ko namng sumunod si Kian.
"Dapat hindi mo na pinatulan"inis na sabi ko.
"I'm sorry"sabi niya.
"Sige na umuwi ka na.Magpapahinga na ako"sabi ko.
"Ja,yung kanina.Ano ba talagang nangyari?"napahinto ako sa tanong niya.Ngayon ay nakaupo siya sa edge ng kama at nakatalikod sa akin.
"Kian..."lumapit ako sa kanya.
"Mahal ko pa rin si Sebastian " sabi ko at nagkarerahan na ang mga luha sa mata ko.
"Ayokong saktan ka Kian."sabi ko at niyakap siya.
"Okay lang masaktan basta masaya ka"sabi niya at hinigpitan yung yakap sa akin.
"Magpahinga ka na.Uuwi na ako"sabi niya kaya kumawala na ako sa yakap.
"Mag-iingat ka "tanging nasabi ko.
Hanggat maaari ayokong may nasasaktan dahil sa akin.Pero bat ganto?Hindi ba pwedeng magmahal ng walang nasasaktan?Sana pwede sana ganon na lang.
-
Dedicated to: kookieBearr
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Novela JuvenilHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!
