After 5 months
Ja's POV
Na promote ako sa kumpanya nila Migs.Masaya ako dahil sa katayuan ko ngayon.Gusto ko talagang maging reporter kaya gusto kong mag-apply.Maspcom naman ang natapos ko kaya keri lang.
"Kain tayo?"aya ni Kian na nasa condo ko.
Oo lagi syang nandito.Ewan ba diyan at parang walang ginagawa laging nandito.
"Saan?"tanong ko.Since linggo naman kaya anytime pwede ako.
"May bagong tayo na kainan malapit dito.Try natin?"tanong niya.
"Sige.Nasan nga pala si Ji?"tanong ko.
"Kasama si Sil.Ano bang bago?"sabi niya ng nakangisi.
"Baliw"sabi ko na natatawa din dahil tama naman siya.
"Tara na"aya niya ng matapos kaming mag-ayos.Tumango naman akk bilang sagot.
-
"Anong gusto mo?"tanong niya nang iabot sa amin yung menu.Sosyalin pala dito."Ahmm di naman ako masyadong nagugutom kaya magge-graham na lang ako" sagot ko.Umorder na rin siya.Tapos kumain na kami.
"Ang pogi pala ng boss mo"biglang sabi ni Kian.Napatingin naman ako sa kanya bago sumagot.
"Oo no?"pagsang-ayon ko.Natatawa ako sa reaksyon niya.
Napatingin naman siya na parang galit na ewan.Haha ang panget niya.
"Ang panget mo wag ka ngang gumanyan.Haha"sabi ko na natatawa.
"K" sabi niya.
"Nako nagpapalambing ka lang Kian e."sabi ko na natatawa parin.
"Hindi a"tapos tumahimik na siya.
Hanggang sa makalabas kami ang tahimik niya.Kainis naman to di ko alam kung anong gusto e.
"Bakit?"tanong ko.Di parin siya nagsasalita.
"Oo na pogi ka na"sabi ko pagkarating sa condo.
"Alam ko yun"sabi niya.Matatawa pa sana ako pero biglang seryoso ulit.
"Si Sebastian."nagulat ako.Bakit na naman kaya?
"Nakita ko siya kanina.Di ko na sinabi sayo.Nakabalik na pala siya"sabi niya sabay upo sa couch.
Nagulat naman ako at hindi alam ang sasabihin.
"Siguro okay na siya."sabi ko at ngumiti.
"Okay narin naman ako e,diba?" Pagyayabang ko.
Umuwi na rin si Kian after non.Ano na kayang itsura ni Seb?Kamusta na kaya siya?Parang gusto ko ulit siyang makita.
Pero paano,kung mismo ang tadhana ang gumagawa ng paraan para hindi mangyari yun.Ang dami palang nangyari kung iisipin.Salamat talaga sa lahat lhat ng nakasama ko kaya matatag ako ngayon.
Inopen ko yung laptop ko at tinignan yung account ko sa facebook at twitter.Nagulat ako ng may mag notif sino kaya to?
Tinignan ko yung profile.Si... si Sebastian.Nag scroll pa ako hanggang sa may nakita akong picture.Sina Nana at Seb.Magkakilala sila?Pero pano?
Gusto kong huminga ng malalim kaya pumunta ako sa lugar na huli naming pinagkitaan ni Seb.Papanoorin ko na naman ang takipsilim.Sigurado dito makakalimutan ko na lahat ng di kapani paniwala ngayon.
Nakatingin lang ako ng diretso kung saan saan.Ang lakas ng hangin feel na feel ko.Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.
"Malungkot pag mag-isa"pamilyar na boses.Agad kong tinignan kung sino.Si Nana, ang bestfriend ko sa States.
"Nana?"sabi ko pagkatapos magulat.Tumango naman siya at ngumiti.
"Kamusta?"tanong niya.
"Okay lang ako ikaw?"tanong ko pabalik.
"Ayun,okay lang din."sagot niya.
"May bago akong kaibigan.Kasama ko siyang bumalik dito" dugtong niya.
"Talaga,pwede ko bang makilala?"tanong ko.
"Oo naman.Medyo masungit pero mabait din naman"natatawang sabi niya.Na- curious naman ako sa sinabi niya.Sino kaya yun?
"Kasama ko siya dito.Sandali bumili lang ata ng pagkain.Ang ganda dito no?Favorite na lugar niya daw to"sabi ni Nana.
"Talaga?,paborito ko rin dito e.Bukod sa maganda may mga memories na masaya"sabi ko kahit yung last na punta ko dito e umiyak at nasaktan ako.
"Ayan na pala siya!" Sabi niya kaya napalingon ako.
Hindi ko akalaing siya yung tinutukoy ni Nana.Pero sobrang liit naman ng mundo para mangyari yun.Nakatitig lang ako habang siya isang beses lang ako tinignan at ibinaling ang pokus kay Nana na ngayon ay sobrang ngiti.
"Ahmm alam ko kilala ka ni Sebastian pero papakilala ko parin kayo."sabi niya.
"Sebastian si Jaggi,Jaggi si Sebastian"sabi niya.Ngumiti naman ako bilang pagbati.Nakatingin lang ako sa kanya.Nakatingin lang siya kay Nana.Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang makita yung tinginan nila.Ano bang meron?
Mali ba kung tanungin ko?Oo mali,kase sino ba ako?isang dakilang ex,duwag na ex lang naman.
"Iwan ko muna kayo ha.May bibilin lang akong pagkain" sabi ni Nana.
Pagkaalis niya tahimik lang at ang awkward ng atmosphere. Jusko ano ba ang dapat gawin?
Nagulat na lang ako nang magsalita siya."So how are you?"tanong niya.
"I..I'm fine" sagot ko.
"Good,so are you in a relationship now?I mean how's Kian?"tanong niya.
"Ah no,we're just friends."sagot ko.
Tumango-tango naman siya.Hmm ano nang gagawin ko?hays.
"I'm back" biglang sabi ni Nana.
"I have to go now.So bye Jaggi" paalam ni Nana.
"Samahan na kita"sabi ni Seb.May kung anong dumurog sa puso ko.Ano bang nangyayari?
Pagka-alis nila ay umalis na rin ako dahil gabi na.Pagkauwi ko naglinis lang ako ng katawan at humiga na.Di ko namalayan na basa na yung pisngi ko.Bakit ang sakit paron? Akala ko okay na ko.Yan tayo e ayan na naman ako sa akala.Hays.Ayoko na.
Sila na kaya ni Nana? Ang sakit bakit bestfriend ko pa.Hindi na ba talaga ako mahal ni Seb?Wala na ba talga?
Hindi ko na napigilan na humagulgol sa sobrang sakit sa pakiramdam.
Sana hayaan naman ako ng tadhana na maging masaya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Dla nastolatkówHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!