Ja's POV
Nandito na kami sa ice bar. May stage na pala dito tas may mga nagpeperform. Ang laki na rin ng pinagbago.
"A lot of things change here" sabi ni Seb.
Napansin niya rin pala. Ibang iba to nung mga panahong halos dito na ako tumira.
Umorder si Seb ng alak para sa kanya at juice para sa akin ang unfair.
"Patikim" sabi ko at kinuha yung bote.Painom pa lang ako e tinignan niya na ako ng masama.
"You promised me na hindi ka iinom" diretso niyang sabi.
"Kaunti lang as in." Sabi ko. Mukhang masarap e.Bago siguro to.
"No" tapos inagaw niya na sa akin.
"Hello everyone" bati nung host na nasa stage kaya napatingin ako.
"May bago kaming pakulo tonight! Ooomyyygaddd ano kaya yun? Haha" sabi nung bakla. Ang galing niyang magsalita. Natatawa na lang ako.
"Ganito ang setup.Pipili kami ng lucky audience na kakanta here sa stage....waaahhhhh is that amazing? Haha" sabi niya pa.Nakikinig lang ako. Nakakatuwa siyang panoorin. Nakakagoodvibes.
"Kung sino ang matatapatan ng spotlight eklabu.siya na...siya na ang kakanta." Pahabol niya. At nagsimula ng umikot ang spotlight.
Napatingin ako kay Seb na kasalukuyang umiinom at nakatingin sa akin. Nginitian ko siya dahil nga nagoodvibes ako sa nagsasalita.
And then napansin ko na lang na maliwanag sa upuan ko. At nagsalita ung host.
"Okay so ang lucky audience natin ay si ateng na naka white dress. Wow naman so beautiful. And look who's with her" sabi niya na ikinahiya ko. Wait kilala niya si Seb?
"Kilala nyo ba? Well di ko din kilala haha" sabi niya na ikinatawa ko. "So ate come here na. Bawal ang kj" sabi niya kaya ngumiti ako. Pagtayo ko nginitian ko muna si Seb. Yung itsura niya ngayon ay parang may malaking question mark. Nakakatawa lang.
Umakyat ako sa stage at nginitian ang host.
"Hello ate ano pangalan nyo?" Tanong niya.
"Jaggi po" sagot ko habang naka smile. Feeling ko masaya to at nakaka excite.
"Hi Jaggi. Kaano-ano mo yung guy na nasa table mo?" He asked me. Napatingin ako sa pwesto namin ni Seb and his looking at us now.
"Hmmm we're friends" sabi ko.
"Ay na friendzone. Friend lang ba talaga? Gwapo pa naman ni kuya. Kung ayaw mo akin na lang. Haha" sabi niya at nagtawanan ang crowd. Nakakatawa naman siya e.
"Pwedeng mag request?" Sigaw nung babae na nasa table niya.
"Yes" sagot ni host.
"Pwedeng pakikanta yung " Anong nangyari sa ating dalawa" sabi nung nagrequest tumango na lang ako bilang sagot.
"Wooow may pinaghihugatan si ate. Haha. So Jaggi is going to sing now. " umalis na siya sa stage at ako na lang ang naiwan. Nagpalakpakan naman yung audience.
"Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal
Parang naging salat"Bigla na lang nagflash back lahat ng pinagdaanan ko. Kasama ko man si Seb o hindi. Pumikita ako at dinama lang ang kanta.
"Pangako habang buhay
Nangakong di mag-wawalay
Ngunit bat lumamig pagmamahal
Parang di na ikaw sa maykapal ang dinasal"
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Fiksi RemajaHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!