Chapter 18

127 4 0
                                    

Ja's POV

Sabay kaming pumasok ni Seb.Hindi siya nakapasok kahapon kasi diba hindi ko na siya ginising.

Habang naglalakad kami sa corridor,lumapit sa akin si Kian.

"Bakit "tanong ko.

"Pinapatawag tayo ni Sir Junel sa office niya"sabi niya saka tumingin kay Seb.

"Sige tara" sabi ko at nagba-bye na kay Seb.

"Bakit daw?"tanong ko.

"Baka magpapadagdag pa ng paperssss"sabi niya sabay tawa kaya natawa din ako.

Pumunta kami do'n magpapasalamat lang pala siya.Sana Sir through text na lang sayang yung nilakad ko huehue.

Bumalik na akong classroom.May teacher na pala kami turo dito turo doon.Ang boring bakit kaya absent si Jia?

Recess na kaya lumabas na ako.Bakit feeling ko may mali.May lumapit na mga babae sa akin.

"Hey!pumunta ka daw ng field sabi ni Andrea" sabi nung isang straight hair.

"At bakit?" Mataray na sabi ko.

"Just go there!Idiot"sabi nung short hair saka umalis.Maka Idiot e ang alam ko mas lowest ka pa sa akin leshe.

Pumunta na lang akong field tapos nandun nga si Andrea.

"Pinapunta mo daw ako dito, bakit?"tanong ko.

"Well,gusto ko lang sabihin na bitch ka!sobrang desperada!hindi ka mahal ni Sebastian.Dahil ako,ako ang para sa kanya" sunod sunod na sabi niya.At may bumuhos ng isang malamig na tubig sa akin.Yung mga babaeng adik.Ang papanget nyo leshe.

"Parte ba to ng plano mo?"nanginginig na sabi ko.

"Hmmm YES!"sabi niya saka kinuha yung tubig na may nakatimplang red na ewan.

Binuhos niya yun sa akin at ako wala akong magawa.

"Hoy"sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Anong ginagawa mo Andrea?"tanong ni Sil.

"Nothing.Bagay naman sa kanya diba?"sabi niya sabay tawa.Demonyita talaga tong babaeng to.Mangiyakngiyak na ako sa nangyari.

"Tara magpalit ka muna"sabi ni Sil sa akin pagka-alis ni Andrea.

Binigyang niya ako ng pam P.E. at kay Kian daw yun.Nagpalit na ako.Last subject naman na yung kanina kaya uuwi na ako.

Hinatid ako ni Kian pauwi at nung nasa parking lot na kami ng condong tinitirhan namin ni Seb nakita ko siya.

"Seb"sigaw ko.

"Anong nangyari sayo?"mataray na tanong niya saka tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ah kase may...."di natapos ni Kian ang paliwanag niya nang magsalita si Seb.

"Hindi mo kailangan sagutin yung tanong ko.Umalis ka na" mayabang na sabi niya kah Kian.Bakit ba lagi silang ganyan.

Hinila ako ni Seb hanggang sa makarating kami sa unit niya.

"Sebastian, "sabi ko.

"Saan ka pumunta?hinintay kita wala ka naman"mahinahon na sabi niya.Ayoko ng mahinahon siya dahil alam ko sa loob loob niya sumisigaw na siya sa galit.

"Ano kasi.."

"Pumunta ka ba kila Kian?"mahinahon pera bakas na sa mukha niya yung inis o galit.

"Hindi Seb hindi"kabadong sabi ko.Kinakabahan ako na natatakot ayokong ganyan si Seb.

"Ano ba talaga nangyari?May balak ka bang sabihin"sabi niya na lalong nagpakaba sa akin.

Ayokong masira yung pagkakaibigan nila ni Andrea.Wala talaga akong balak sabihin yun e kaso eto na anong sasabihin ko?

"Nabasa kasi ako,kaya pinahiram ako ni Kian ng P.E.shirt yun lang yun"sabi ko saka lumapalit sa kanya.Nakasandal siya sa lababo at yung mga kamao niya nakakuyom.

"S..Seb" sabi ko.
Tumulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Jaggi nagseselos ako"mahinahon pero dama ko ang pagkakasabi nya.Nagseselos siya.Isang Tyler Sebastian Ferrer nagseselos ang galing ko talaga, sarap kong lunurin sa pagmamahal.

Napatingin ako sa kanya at kita ko yung inis na kanina niya pa tinatago.Bakit ganyan ka Seb pinapalambot mo ko.

"Ayoko ng dumidikit ka sa kanya for no reasons.As your boyfriend dapat alam ko kung nasan ka at kung anong nangyayari sayo"dirediretsong sa bi niya.

"Pangako,ito na ang huli" sabi ko.

Naglinis muna ako ng katawan kasi kanina pa ako nanlalagkit sa sarili ko.Sa palagay ko di pa kami okay ni Seb feel ko na disappoint siya sa akin.Ayokong isipin niya na tama yung mga sinabi nung bruha niyang bestfriend.

After kong maglinis nagbihis na ako at nagsuklay.Nakita ko naman si Seb sa kusina na nagluluto.

Tumabi ako sa kanya pero parang wala lang.Ang hirap namang manuyo,e kasi naman di ko naman siya sinusuyo diba ?puro siya lang ang nanunuyo.

"I...I"sabi ko.Tapos siya nakatingin lang ng diretso at hinihintay ang sasabihin ko.

"I love you" diretsong sabi ko at nakita kong napangiti siya.

Tapos lumapit siya sa akin ng kaunti saka ako kiniss sa lips kyaaa!! Pero saglit lang.

"Ipaghahain kita ng pagkain tapos kumain kana.May pupuntahan lang ako saglit" sabi niya.

Hindi ko na inusisa kung saan siya pupunta dahil alam ko naman na kay Andrea yun.Hindi na lang ako iimik hayaan ko na lang siya kakabati lang namin ayokong magalit ulit siya.

Hanggat kaya ko iintindihin ko ang sitwasyon ni Sebastian.Alam kong hindi niya gusto yung ganto napapagod din siya.Pero ginagawa niya parin dahil malapit sa puso niya si Andrea.

Sana lang sa oras na kailangan ko siya nandito rin siya sa tabi ko,yun lang ang gusto ko.

*********
Please vote and comment.
Kamsahamnida :) saranghae <3
Si Kevin Woo ang portrayer ni Kian Vasquez

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon