Ja's POV
Ilang weeks na rin ang nakalipas mula nung last na nag I love you-han kami ni Seb.Ewan siguro kasi sobrang busy lalo na at may paparating na bagong principal.
Ilang weeks na rin na tuwing gabi umaalis siya.Nasasanay narin ako pero nasasaktan kasi wala siya.
Minulat ko ang mata ko at laking gulat ng makita ko si Seb na topless at...at....
Nakayakap sa akin.What the heck,tulog pa ba siya?di ako makagalaw.Ginalaw ko ng kaunti ang kamay ko pero mas lumapit at hinigpitan niya lang yung yakap sa akin.As in malapit na yung mukha niya sa tenga ko.E kasi nga naka side siya tapos nakayakap sa akin tapos ako straight lang kaya di ako makagalaw.Gagalaw pa ako ng higpitan niya ulit.
"Sebastian naman"mahinahon na sabi ko.Gising naman yan e,malandi lang.hehe.
"Hmm?"sabi niya nang nakapikit saka tinaas yung kilay.
"Seb,alam kong namiss mo ako pero wag ganto"sabi ko na pinipigilang tumawa.
"Huh!are you joking?" Sabi niya.
"So hindi mo ako namiss?"mataray na sabiko at akmang tatayo na nang yakapan niya ulit ako kaya napahiga ulit ako.
"Mag-ayos ka may pupuntahan tayo" sabi niya.Saan naman kaya yun?
After ng scene na yun naligo na ako at nag-ayos ganun din naman siya.Di naman niya sinabi kung saan pero masaya daw doon.
"Let's go"aya niya.Naka pants at white na V neck shirt lang ang suot ko kasi mas komportable.
Siya naman ganun din white na V neck shirt at pants na sobrang bumagay sa kanya.Why so pogi Seb?
Pumunta kami sa isang area na tanaw na tanaw ang araw.Ang ganda ang sarap pagmasdan.Nilakad niya pa ako hanggang sa mapunta kami sa lugar na puro bulaklak na nakakaakit sobra at doon may isang lamesa.Sobrang romantic,date ba to?
Pakaupo namin kinausap na niya yung lalaki na parang waiter.Walang tao as in kami lang at view na napakaganda.
"Seb, di mo manlang sinabi na date.Sana nagayos pa ako" nakasmile na sabi ko.
"It's okay,You're so beautiful don't need to do that" naka smile din na sabi niya.
Dumating na yung mga pagkain at masasarap sila.Kaya kain lang ako nang kain.
"Ang lakas mong kumain but you're so thin"sabi niya na ikina ngisi ko.
After kong lumamon hehe,ilang oras lang na nag ngitian kami ni Seb ewan ko diyan parang ano.
"Can I dance with you?"tanong niya.
"Oo naman"sabi ko.Tapos yun sayaw lang.Nakakatunaw yung titig niya.Namiss ko pala talaga siya.
"Wag ka ngang ganyan tumitig baka matunaw ako"pabirong sabi ko.
Napatawa naman siya pero agad na nagseryoso.May nasabi ba akong mali?
"I Love you ......so much" sabi niya.Ilang beses na niya yan sinabi pero iba yung feeling ngayon parang ang lalim ng hugot.
Ngumiti ako at tumingin sa mata niya.
"I love you .....more"sabi ko.Niyakap niya ako nang mahigpit.Bakit ganto siya?aalis ba siya? May mangyayari bang di ko alam?
"Mahal na mahal kita Tyler Sebastian Ferrer"dugtong ko pa at saka nilasap ang yakap niya.Parang ayoko ng umalis sa pagkakadikit ko sa kanya.
"Mahal din kita"bulong niya.Hindi ko alam pero naiyak ako bigla siguro dahil satuwa na nararamdaman ko ngayon.
Maghapon lang kami na nakahiga sa damuhan.Ang sarap ng hangin,sana dito na lang kami nakatira.Habang nakahiga kami hawak hawak ni Seb ang kamay ko.Ang sweet niya talaga.
"Hapon na pala,do you want to watch the sunset?"aya niya kaya pumayag ako.
Pumunta kami doon sa kanina namin nadaanan yung tanaw yung araw.Doon naupo kami sa may lapag ang ganda match pa yung hangin sa view.
Hinawakan ulit ni Seb yung kamay ko.Napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakatitig lang siya sa mga mata ko at bumaba sa mga labi ko.
Unti-unti siyang lumapit.Hinawakan niya ulit yung likuran ko at likod ng ulo ko bilang alalay saka niya unti-unting dinikit ang labi niya sa labi ko.Na freeze na naman ako sa ginagawa niya pagkatapos niya akong halikan hinawakan niya ang ulo ko at dinikit ang noo niya sa noo ko.
"I love you"nakapikit na sabi niya.
Hinawakan ko na rin yung mukha niya kagaya ng ginagawa niya.
"I love you too"sabi ko saka siya dumilat.Hindi ko alam ang ginagawa ko,pero bahala na. Unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa mukha niya at nagdikit ulit ang mga labi namin.Hinahalikan ako ng isang Ferrer sa isang mala romantikong lugar.Ganon niya ba ako kamahal?
Sa puntong ito hindi lang puro siya dahil gumaganti din ako sa bawat halik niya hanggang sa niyakap niya ako.Pareho kaming naghahabol ng hininga pagtapos.
Bumalik na kami sa unit niya ng may ngiti sa mga mukha namin.
"Masaya ka ba?"tanong niya.
"Oo naman sobra"sabi ko at di matagong ngumiti.
"Alam mo kung nandito sila mama lagot ka dun,ilang beses mo na akong nahalikan"pagbibiro ko.Tumawa naman siya .
"So lagot ka rin kay mama kasi kiniss mo ako?"hot na sabi niya.Feeling ko naman namula yung pisngi ko bakit ba tungkol sa kiss yung topic namin.
Tinawanan ko na lang siya.
"By the way kanino ka nagpractice?"tanong niya.Aba't walang hiya to' ah.
"Wala ah!! Tsambahan lang yan.....Aish ewan ko sayo"sabi ko ng marealize ko lahat ng lumabas sa bibig ko.
Niyakap niya nanaman ako mula sa may likuran at bumulong.
"Yung kanina?I'll promise you hindi yun yung last.Papakasalan pa kita" sabi niya na ikinatayo na naman ng mga balahibo ko.
He knows how to seduce me huh!**************
Annyeong ang intense nung mga scene kyaaahhh!!!please vote and comment.
Kamsahamnida :) saranghae <3

BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Fiksi RemajaHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!