Chapter 50: ATINIY#25

103 2 0
                                    

"Tita si Sebastian po " pagsusumbong ko.

"Bakit iha? Anong nangyari?" Alalang tanong ni Tita Ella.

Nandito kami sa bahay nila. Dito daw kami magla-lunch. Tapos matagal na rin simula nung gabi na nasa unit ko si Seb. Naghahanda na rin kami sa kasal hihi.

"Mama kase . Papakasalan na nga kita e" sigaw ni Seb.  Nasa sala kase siya tapos nasa kusina kami ni Tita.

"Kase Tita. Huwaaaaa! Hinubaran niya na akooo! Huhuhu" pagiinarte ko. Gusto ko lang din namang inisin si Seb e.

"Ano?"gulat na tanong ni Tita. Hahaha.

"Ikaw'ng bata ka"sabi ni Tita Ella at pumunta kay Seb. Sumunod naman ako tapos pinagpapalo ni Tita si Seb. Hahahahaha parang bata.

"Tinuruan ba kita ng ganon?" Sigaw ulit ni Tita. Hahahahaha.

"Bakit ba ma. E gusto din naman niya yun ha" sigaw pabalik ni Seb. Tapos tumayo para umiwas kay Tita.

"Anong ginusto? Bayot ka" sigaw ko kay Sebastian. Aish.

"Ma,naglilihi lang yan kaya ganyan" dagdag pa niya. Nagulat ako dun ha. Bakla ka talaga Tyler Sebastian.

"Totoo ba iha? Nakooo halika sa kusina. Ano nagugutom ka ba?" Aligagang tanong ni Tita.

"Hala Tita hindi po" pagtatanggi ko.

"Mama" pagkokorek niya.

"Mama hindi po. Hindi po ako buntis wag po kayong makinig sa bayot nyong anak" sabi ko na ikinatawa ni Tita.

"Kayo talaga. O sya sige doon na ako" sabi ni Tita at nagtungo ng kusina.

"Bayot!" Bulong ko sa kanya pagkaupo ko.

"Sige lang asarin mo lang ako" sabi niya ng di tumitingin sa akin.

"Blah blah blah" sabi ko pa. Hahaha lakas ko mang-asar mamaya iiyak ako.

Nilingon naman niya ako with his masungit face. Hano daw. Ang sungit talaga.

"Buntis ka kaya?" Tanong niya. Hala hindi ah. Bakit naman.

"May bibilin lang ako. Stat here" sabi niya. Ano naman kayang bibilin niya.

"Sama ako" habol ko pa.

"Just stay here" sabi niya sa akin. Di ko siya gets.

"Ma, aalis lang po ako saglit. Pakitingin si Jaggi" sigaw niya kay Tita Ella este kay mama.

Huh! Kaya ko naman ang sarili ko ha. Tsaka di naman ako aalis dito. Akala niya sa akin bata.

-
Gabi na at matutulog na kami. Nandito parin kami sa bahay nila. Nandito ako sa kwarto ni Sebastian. Matutulog na ako at nangangawit ang katawan ko.

"Jaggi try mo" sabi ni Sebastian sabay bato sa aki nung pang pregnancy test. Buti na lang nasalo ko.

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

"Tsk. Just try" inis na sabi niya.

Pumunta na ako sa banyo tapos tinry ko. Waaaaaaaaahhhhh

"Seb" tawag ko sa kanya paglabas ko.

"Ano?? Positive? May baby?" Nakangiting tanong niya. Hahahaha.

"Anooo ano..." pagpuputol ko.

"Ano?" Excited siya e.

"NEGATIVE" nakasmile kong sabi. Saka nagtungo sa kama at nahiga.

"Jaggi naman e" sabi ni Sebastian pero di ko siya pinapansin.

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon