"Goodmorning"bati sa akin ni Seb.Sabay lang siguro kaming nagising.
Ngumiti na lang ako bilang sagot at dumiretso sa may lababo sa banyo para magtoothbrush.
Nagtu-toothbrush lang ako habang nakatingin sa salamin nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran.
Nakayakap siya sa akin at pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko
"#1 fact about me.
Gusto ko yung mga taong sweet like my Mom and syempre ikaw"nakangiti niyang sabi saka ako hinalikan sa pisngi.Bumaba na kami para mag-agahan pero wala si Tita Ella.
"#2 I want heavy meals every breakfast"weh? Talaga?
Heavy meals pero ang sexy hot niya tapos naghe-heavy meal pala siya every breakfast.
"Talaga?"di makapaniwalang tanong ko.
"Yeah"sabi niya at nagsimula na kaming kumain.
Kain dito kain doon nang biglang..
"Can I eat with you guys?"yung accent na naman na yun.Nakakainsulto kapag nagsasalita si Andrea feeling ko ang boba ko tuloy sa English.Bwesit na accent yan.
Tumingin sa akin si Seb na parang ako ang pinagdedesisyon.
" It's okay"sabi ko.Ugh! English yun wala nga lang accent.
Ayun kaya umupo na si Andrea sa tabi pa ni Seb.Nasa harap ko kasi si Seb tapos dun siya tumabi.Feeling ko talaga may gusto siya kay Seb.Hindi man lang ba yun nararamdaman ni Sebastian?Ang manhid naman.
Kain lang kami nang kain.Binigyan ni Andrea si Seb ng isang beef steak ,aba ang girlfriend hindi magpapatalo.
Nalaglag kasi yung kutsara ni Andrea kaya yumuko sila.Nilagyan ko ng sarsa ng hipon yung kanin ni Seb.Malay mo paborito niya din.
Habang kumakain kami biglang kamot dito kamot doon si Seb.Bakit kaya?
Hala tapos namumula siya.
"Bakit?ano ba yang kinakain mo?"tanong sa kanya ni Andrea.
Tinikman ni Andrea yung pagkain ni Seb at....
"Hipon?? Sino naglagay ng hipon sa plato ni Seb?"galit na tanong ni Andrea.
Hala malay ko ba!!Sorry aish ang boba ko talaga.Pero kasi aishh.
Tumayo ako at sinabing "Sorry hindi ko naman akalain na may allergy pala siya".
"Psh"sabi niya at inirapan ako.Aba!ingudngod kaya kita sa mga kauri mong hipon.
Dinala na namin si Seb sa Hospital at habang nasa saaakyan si Andrea galit na galit sa akin.Girlfriend ka?girlfriend ka? Pabebe ka di ka naman girlfriend.
"You're crazy!Stupid!bitch. Di ka deserve ni Sebastian."sabi niya.
Ayokong umiyak,ayoko ng sinisigawan ako at pinagsasabihin ng masasakit slna salita.Lumalaban ako pero sa puntong ito wag muna.
Dinala na sa ER si Seb habang kami nasa labas naghihintay.Napaiyak ako dahil sa ginawa ko at the same time dun sa sinabi ni Andrea.
Niyakap ko na lang yung dalawang tuhod ko.Biglang lumabas yung Doktor.
"Kaano-ano po kayo ng pasyente?"tanong niya.
"Girlfriend/Bestfriend" sabay naming sabi.
Bestfriend ka lang.Girlfriend ako so back off! Ngayon ata ang simula ng kompetisyon para kay Seb.
"Maayos na po ang pasyente.
Sige Miss pasok ka na.Pagtapos niya pwede na ikaw naman ang pumasok sa loob"sabi nung Doktor kaya pumasok na ako.Nakita ko si Seb na nakahiga.Hindi na masyadong mapula yung balat niya at makikita na okay na talaga siya.Ang gaga ko kasi e.
"Sorry"sabi ko tapos tumulo yung luha ko.
Umupo siya sa bed at ako nakaupo sa upuan sa may gilid ng kama.
Ngumiti siya "Wag ka ngang mag-sorry.Look at me I'm fine now"sabi niya at hinawakan yung kamay ko.Pero patuloy parin sa pagbaksak ang luha ko.
"Don't cry.I deserve you" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Narinig niya siguro yung mga sinabi ni Andrea.
Napangiti na lang ako."The Doctor said I can go now.So let's go" sabi niya at inayos ang sarili.
Lumabas kami ng ER nang magkahawak kamay na ikinagulat din ni Andrea.
"Seb are you okay? Ikaw kasi e"paninisi sa akin ni Andrea.
"Please Andrea,wag mo siyang sisihin sa nangyari"sabi ni Seb na parang naiinis.
"Kinakampihan mo pa siya? Oh C'mon, wake up Seb.Hindi mo deserve ang babaeng tulad niya.You deserves better than her!"sabi ni Andrea.
Bakit ba ayaw ako tantanan nito?Akala ba niya kinagaganda niya yung ginagawa niya.Atsaka sino ang deserve ni Seb siya?huh!wake up bitch akin lang siya.
"ANDREA DON'T SHOUT AT HER. Wag mo rin sanang pagsabihan siya ng mga masasamang salita,girlfriend ko siya .So you as my bestfriend please respect her" madiin at galit na sabi ni Sebastian.
First time to at mas nakakatakot kumpara pag nagsusungit lang siya.Halos tumayo yung balahibo ko sa boses niya at si Andrea ayun natameme.
Tinitignan din kami nung ibang tao,haist nakakahiya.
Hinila na ako ni Seb palabas sa may sasakyan na ginamit namin.Kotse pala yun ng mama niya kaya may susi siya pero iba ang nagmaneho kanina."Manong where's the key?...Isabay mo si Andrea pauwi sa hotel don't leave her.Mauna na kami"sabi niya dun sa manong tapos pumasok na kami sa kotse.
Concern parin siya kay Andrea,ang sweet niya talaga.Boyfriend material talaga kaya siguro gusto siya ni Andrea.
Hindi naman sinabi ni Andrea na gusto niya si Seb pero hello babae ako kaya feel ko.
"Natakot ka ba sa akin kanina?"tanong niya habang nagmamaneho.
"Ahh ano hindi naman pero ano medyo"utal utal na sabi ko.
"I'm sorry I didn't intent to scare you.I'm just protecting you from my bestfriend"alam ko naman e.At sobrang na-appreciate ko yun.
"Yeah!I know but don't do that again.You scared me and also her,I think she's crying now"
"Okay,I'll say sorry to her" sabi niya.
Ang bait talaga ng boyfriend ko.Hinding hindi ko talaga isusuko si Seb kahit kanino.
********
Annyeong please vote and comment.Wag kayong maging silent reader.Jebal vote and comment!!! Kamsahamnida :) saranghae <3
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Novela JuvenilHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!