Chapter 20

121 5 0
                                        

Seb's POV

Sobrang busy na naman kasi maraming pagbabago sa school namin dahil na rin sa bagong principal.

Ilang araw na rin after yung romantic date namin ni Jaggi.Nga pala hindi ako nakauwi kagabi dahil na lasing ako.Hindi ko naman alam na marami na pala akong nainom pero alam ko kaunti lang talaga e.Pinuntahan ko kasi si Andrea kagabi sa Ice Bar.

Hindi ko pa siya nakikita ngayon dito sa campus.Sigurado ako galit yo'n.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Jia,kaya tinanong ko siya.

"Jia, nakita mo ba si Jaggi?"tanong ko.

"Huh!? Hindi siya pumasok.Akala ko nga pati ikaw absent e"takang sabi niya.

"Wala ba siyang sinabi kung bakut?"tanong ko pa.

"Wala.E teka diba kayo ang magkasama bakit ka sa akin nagtatanong? "

"Tsk. Never mind"sabi ko at umalis na.

-
Pauwi na ako,bakit kaya absent si Jaggi?Pagpasok ko sa unit ko ang tahimik.Dumiretso ako sa kwarto at dun nakahiga si Jaggi.

"Jaggi what happened?" Tanong ko pero di siya sumagot at nakapikit lang.Hinipo ko yung leeg at noo niya, may sinat siya bakit kaya?

Kumuha ako ng towel at tubig para punasan siya.Kumuha din ako ng gamot.

"Ano ba kasi nangyari sayo?"tanong ko ulit nang maupo siya sa kama at pinunasan ko ng basang towel yung braso niya.

Imbes na sumagot,e tinititigan niya lang ako at parang malalim ang iniisip.

"Bakit di ka umuwi kagabi?" Seryosong tanong niya.

"Jaggi ...I'm sorry kase ano..Nalasing ako di ko namalayan na napadami na pala yung nainom ko"paliwanag ko.

"Ano ba ako sa'yo?"tanong niya pa.

"Jaggi naman anong klaseng tanong yan? Syempre girlfriend kita"-ako

"Girlfriend mo ako pero inu-una mo yung ibang tao"seryoso at kalmadong sabi niya.

Hindi ako sanay na ganto siya.Naiinis ako sa sarili ko.Kitang kita sa mata niya na malungkot siya,anong klase akong boyfriend.

" Jaggi "tanging nasabi ko.

"Sabihin mo kung di mo na kaya kung nasasakal ka na pwede ka ng magpahinga.Ayoko ng dagdagan yung hirap na nararanasan mo" sabi niya saka tumayo at pumuntang banyo.

Sira talaga ulo ko sana pala pinilit ko na lang umuwi kagabi.Habang hinihintay kong lumabas si Jaggi tumawag naman si Andrea.

"Hello"sagot ko.

["Seb,samahan mo naman ako dito oh,please!"] Sabi ni Andrea sa kabilang linya.

"Andrea,please wag ngayon"

[Pero Sebastian,kailangan kita ngayon]

"Andrea please!"sabi ko at pinatay na yung tawag.

Ang tagal naman lumabas ni Jaggi.Kaya kinatok ko na siya.Baka may nangyari sa kanya sa loob.

"Jaggi"sabi ko habang kumakatok.

"Okay ka lang ba?"tanong ko at may narinig akong hikbi.Umiiyak si Jaggi,umiiyak siya dahil sa akin.

Hayaan ko na lang sigurong ilabas niya lahat ng nararamdaman niya ngayon.Nagtungo ako sa kusina para magluto ng pagkain na may sabaw para mahigop ni Jaggi.

Habang naghihintay ako na maluto yung sopas,narinig kong lumabas na si Jaggi sa banyo kaya nagtungo na ako sa kwarto.

"Ayos ka lang ba?"sabi ko sa kanya.Tumango lang siya bilang sagot.

Niyakap ko siya at sinabing " Kaya ko pa, hindi ako nasasakal, at ayoko pang magpahinga.Jaggi mahal kita at hindi ako mapapagod na mahalin ka"sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya.

Kumawala siya sa yakap ko at sinabing.

"Hanggang kailan ako makikihati sa oras mo? Sa tuwing kailangan ka niya nando'n ka kaya sana pag ako naman ang nangailangan nandito ka.Gusto ko lang malaman mula sayo.....kunwarian parin ba to?Kase kung oo, ayoko na aayaw na ako"sabi niya at biglang tmuluho ang luha niya.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa harapan ko.Sobrang nasasaktan siya tuwing inuuna ko si Andrea. Pero masakit rin para sa akin na unahin ang bestfriend ko kesa sa girlfriend ko.

Pinunasan ko yung mga nagkakarerahang luha mula sa mata niya.

"Jaggi,totoo na to.Mahal kita at hindi yo'n magbabago"sabay halik sa noo niya.

Nagtungo kaming kusina at hinanda ko na yung sopas na niluluto ko kanina.

-------
Ja's POV

Halos kagabi masama ang pakiramdam ko kahapon ng tangahali nga yung last na kain ko.

Hindi kasi umuwi si Seb akala ko may magaalaga sa akin.Parang nagiging second choice na lang ako at ayoko nun.

Naniniwala naman ako sa lahat ng sinasabi ni Seb,masaya ako dahil mahal niya ako.Pero mas masaya siguro kung may parte ako sa oras niya kahit konti.

Nagtungo na ako sa kama pagkatapos naming kumain.Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Habang nakahiga may yumakap sa akin."Galit ka pa ba?"tanong niya.

"Hindi na..Matulog ka na"sabi ko sa kanya.

"I love you"sabi niya at hinigpitan yung pagkakayakap sa akin.

Napangiti ako sa sinabi niya.Mahal niya ako at ramdam na ramdam ko yun.

Hindi na ako sumagot.Mas gusto ko na lang na magpahinga muna.

***********
Sabaw ang UD mwehehehe pasinsya pasinsya! PLEASE VOTE AND COMMENT. KAMSAHAMNIDA :) SARANGHAE <3

Unexpected Jowa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon