Ja's POV
"Ano ba Ji" saway ko kay Jia na nagtatatalon sa kama.
Ang aga aga naman kasi nandito na agad.Ano ba ang gusto nito?
"Bumangon kana kasi diyan.May gimik pa tayo"sabi niya kaya umupo na ako sa kama.
"Gimik?sigurado ka Ji?Gimik ganto kaaga?alam ba yan ni Sil?"tanong ko.
"Oo naman kaya tara na"
At dahil sa pagmimilit niya sumama na ako.Bonding narin namin tong magkaibigan.Namiss ko tong balugang to e.
"Saan na tayo pupunta?"tanong ko.
"Arcade.Gusto ko mag quantum tara Ja"hila niya sa akin.Pumunta kaming quantum at naglaro.
Dun sa basketball kami nagtagal.Wala e naenjoy lang namin.Ang sarap kasing magshoot kahit minsan sablay.
"Masaya ba?" Tanong niya pagkalabas namin ng quantum.
"Oo naman.Jia namiss ko talaga tong bonding natin"sabi ko sabay yakap sa kanya.
"May isa pa tayong pupuntahan"pahabol pa niya.
Akala ko tapos na.Si Ji talaga mahilig sa mga surprises.Baka one day magulat ako at may-asawa't anak na siya.Haha joke lang.
"Saan naman?"tanong ko.
"Basta"tapos hinla na niya ako.
Kotse ko yung ginamit naming sasakyan.Si Jia na ang nagmaneho dahil marumong naman daw siya.Tapos huminto kami sa tapat ng Ice Bar.
"Bakit dito?"tanong ko.Kasi naman ilang beses na akong nakapunta dito.
"Wala lang.Tara na" tapos bumaba na kami ng sasakyan.
Malakas ang tugtog nila nakakabingi.Pero syempre bar to sanayan lang.
"Tara Ja doon tayo"sabi niya at pumunta na kami sa may table sa medyo gilid.
Umorder na kami.Hindi ako maglalasing kasi baka makasama na sa akin yun.Kasi diba puro kami party tapos laging may alak psshh.
"Cheers"sigaw ni Jia.
"Cheers"sigaw ko pabalik.
"Alam mo Ja.Kapag nandito ako feeling ko wala akong problema"sigaw niya para marinig ko dahil malakas ang tugtog.
"Well,the feeling is mutual.I feel the same with you"sigaw ko pabalik.
"Okay ka na ba talag?"tanong niya.
"Yeah,I'm okay.Okay na okay" sagot ko.
Nag-uusap lang kami ni Jia ng may manggulo este may dumating.
"Bakit kayo nandito?"tanong ni Sil kasama si Kian at Seb.
"E,kayo?"pabalik na tanong ni Jia.
Haha.Baliw talaga si Jia.Di man lang inayos yung sagot sa boyfriend niya.
"Lasing ka na ba?"tanong ni Sil.
"Hindi ah"sagot naman niya.
Habang busy ako sa pakikinig ng pag-uusap nila,kinausap ako ni Kian.
"Kanina pa kayo dito?"tanong niya.
"Ahmm..di naman"nakangiting sabi ko.Sana lang narinig niya.
"Excuse me everyone.May I call on Ms.Jaggi Garcia"sabi nung babae sa stage.
Ako?bakit?Pakana na naman to ng isang tao dito sa table namin.
"Ja pumunta ka na doon" sabi ni Ji.
"Plano mo to no?"pagtataray ko sa kanya.
"Hahaha just go there.Ugly"sabi niya pa.Leshe.
"Go Jaggi"naka smile na bati ni Seb.Di ko alam pero parang may kung ano akong naramdaman sa katawan ko.
Pumunta ako ng stage at papakantahin pala nila ako.Nakakahiya naman.
"Hmm excuse me.Sino ang gustong mag-suggest ng song?" Tanong ko.Buti naman may nagtaas ng kamay.
"Anong nangyari sa ating dalawa"sabi nung girl.May pinagdadaanan siguro.Tumango na lang akp bilang sagot.
"Ikaw ang pangarap,Ikaw ang hanap hanap.Ngunit bakit nagbago ang lahat"
Di ko alam pero biglang nagflash back lahat sa akin.Yung sa amin ni Seb.
"Ang init ng pagmamahal,parang naging salat
Pangako habangbuhay , Nangakong di magwawalay"
Lahat ng salitang lumalabas sa bibig ko,damang dama ko.Di ko alam kung bakit ko pa to nararamdaman e five years ago na yo'n.
"Ngunit ba't lumamig pagmamahal,Parang di na ikaw sa maykapal ang dinasal"
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Seb.Yung titig niya sakin damang dama ko na wala na siyang feeling sa akin.Masakit para sa part ko.
"Anong nangyari sa ating dalawa.Akala ko noon tayo ay iisa.Ako ba ang siyang nagkulang o ikaw ang di lamaban sa pagsubok sa ating pagmamahalan"
Hindi ko na nagawang pigilan yung luha sa mga mata ko na kanina pa gustong kumawala.
Habang kumakanta ako at dinadama ang bawat linya sa kanta naiisip kp si Seb.Hindi siya mawala sa isip ko.
"Anong nangyari sa ating dalawa.Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na.Damdamin ay nasasaktan puso'y nasusugatan .Pangako mong pagmamahal nagyon ay nasaan"
Pagkabitiw ko sa huling linya.Wala na akong gustong gawin kundi ang tumakbo at umiyak lang.Pumunta ako sa likod ng bar.Doon umupo ako sa isang bench at doon ako umiyak ng umiyak.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa likod ko at si Jia yo'n.Niyakap ko lang siya ng mahigpit.
"Jia I'm sorry.Sorry kasi nagsinungaling ako na okay ako pero ang totoo hindi"sabi ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.
"Shhh....shhhh.Ja you don't need to say sorry.Bestfriend kita alam ko yun.Alam kong nasasaktan ka kahit di mo sabihin" sabi niya at hinimas himas ang likod ko.
Kumawala ako sa yakapan namin at humarap sa kanya.Pinunasan niya yung mga luha sa mukha ko.
"Ja alam kong masakit para sayo.Pero sana maging matatag ka.Nandito lang ako, kami nila Sil at Kian"sabi niya tapos niyakap niya ako.
Di ko mapigilang humagulgol ulit.Hindi mawala sa isip ko si Sebastian.Lintik na utak at pusong to.Gustong gusto ko ng mag-move on pero konting bagay lang at pangyayari naaalala ko siya.
"Ji mahal ko parin siya.Mahal ko parin si Tyler Sebastian.Akala ko okay na ako.Hindi pa pala"sabi ko at hinigpitan ang yakap kay Jia.
Sa mga oras na to alam kong siya lang ang masasandalan ko.
****
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Fiksi RemajaHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!