Ja's POV
Pauwi na kami. Medyo tanghali na rin kami nakaalis dahil anong oras na kaming nagising. Hindi pa ako nakatulog ng maayos. Hanggang ngayon naaalala ko parin lahat.
Humiga naman sa balikat ko sa Seb. Nakatulog na sila sa biyahe pero ako dilat na dilat padin. Hindi ako dinadalaw ng antok ngayon. Ang daming tanong sa ulo ko na gusto kong masagot pero may isang malaking harang. Yun yung anong karapatan ko.
-
Makalipas ang ilang oras nakarating na kami sa unit ko.
Bumaba na ako tapos sumunod din si Seb. Don't tell me sasama pa siya sa unit ko. Ang kapal naman.Umalis na yung van nila kaya nagsimula na akong maglakad papuntang elevator.
"Ako na magdadala" prisinta ni Seb na buhatin yung gamit ko pagkapasok namin sa elevator.
"Ako na" walang emosyon kong sabi at di tumitingin sa kanya.
Nakarating na kami sa unit ko nang hindi nag-uusap.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.
"Hindi pa" tipid na sabi niya.
"Jaggi may problema ba? Kase kung meron pag-usapan natin ngayon hindi yung.." pinutol ko na yung sasabihin niya.
"Walang problema" sabi ko.
"I don't believe you" sabi niya. Yan na nag-english na naman siya.
"Edi wag kang maniwala" sigaw ko na ikinagulat ko at niya. Di ko alam biglang lumabas lahat at napasigaw ako.
"How can we fix this if you're not telling me what's the problem?" sabi niya. Naiinis narin siya pero mas naiinis ako.
"Magsalita ka" mariing sabi niya. Pinipigilan ko lang lumabas lahat ng galit ko. Wag ngayon ayoko.
"Ano bang ginagawa ko?" Sabi ko na ikinainis niya pa.
"Wag ka ngang maging pilosopo" sigaw niya. Halatang galit na siya. Galit na galit. Hindi ba dapat ako yung ganyan? Diba dapat ako?
"Gusto mong malaman?" Sabi ko.
"Ewan ko. Di mo ako girlfriend di mo nga ako nililigawan e pero nasaktan ako. Tangina Sebastian ang sakit lang yung makikita kitang malapit sa akin tapos on the other side may kahalikan kang iba" sabi ko. Naiinis ako.
"Jaggi " sabi niya.
"Tyler Tyler Tyler o ayan diba gusto mo yan? Yung tinatawag kang Tyler edi yan. Tyler punyeta ka." Dagdag ko pa.
"Yung bibig mo" sabi niya. Huminga ako ng malamim. Wala akong pake kung minumura ko siya.
"May balak ka bang sabihin ang lahat ng to sa akin?" Tanong ko.
"Jaggi wala lang yun " sabi niya.
"Wala? Pano kung makipagsex ako sa iba't ibang lalaki at sabihin ko sayong wala lang yun. Huh kuntento ka na ba sa sagot na ganun?" Sigaw ko sa kanya.
"Jaggi iba yun. Yung kay Chloe oo hinalikan niya ako pero di ko ginusto yun." Paliwanag niya.
"Masarap ba? Mukhang sarap na sarap kayo sa mga labi nyo e. Kakaiba ba yung feeling yung di mo nafeel sa amin ni Andrea?" Sigaw ko sa kanya. Alam kong below the belt. Gusto kong saktan yung sarili ko. Ayokong saktan si.Sebastian.
"Jaggi!" Sigaw niya sa akin.
"Pwede ba ayusin mo yang pagsasalita mo. It's not you. Parang hindi na kita kilala" sigaw niya.
"Gumaganti ka lang ba sa akin kase iniwan kita dati? Kung ganon itigil muna. Kung di ka seryoso sa akin umalis ka na lang. " sabi ko. Masakit oo masakit pero ayokong ayokong mabuhay sa kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Teen FictionHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!