Ja's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.Bakit parang ang sikip ng kama?Hindi ako makagalaw ano ba to.
Paglingon ko sa kanan ko.Ooohhhh mmmmmyyyyyyyy goooooooooddddd !!!!
KATABI KO SI SEB MATULOG????Pero pano?Nakakaalala na ba siya?
Babangon na sana ako pero gumalaw siya.E nakayakap kasi siya sa akin.Grabe Seb ganto mo ba ako pakiligin?Pero parang nangyari na to e.
Tinignan ko siya at ang pogi niya parin habang natutulog.Babangon na ako nang magising siya.
"Good morning"bati niya saka ngumiti.
Ay grabe.Bumangon na ako at umupo sa kama.
"Wag kang mag-alala.Walang nangyari.Dito na kita dinala sa kwarto ko para masamahan kita.Baka kasi may mangyaring masama sayo.Lasing ka pa naman"paliwanag niya at akmang lalabas na ng kwarto.
"Ahh Seb?"tawag ko.
"Hmm?"lumingon siya sa akin.
"Good morning"nakangiting bati ko.Ngumiti din siya at lumabas na.
Tumayo na ako at inayos ang higaaan.Nakita ko yung side table ni Seb may picture frame nila ni Andrea.Ayoko ng umiyak kahit nasasaktan ako ngayon.
Lumabas ako at naghahanda ng pagkain si Seb.
"Kain na"nakangiting aya niya sa akin.
"Sige" sabi ko at tumabi sa kanya.
"Hmm Seb kamusta na?may mga naaalala ka na ba?"tanong ko.
"Well, may mga part dito sa beach na nangyari na naalala ko na.Kahit dun sa school na napasukan ko may kakaunting naaalala na ako"sabi niya.
"Good to hear that"nakangiting sabi ko.
"Ako na ang maghuhugas"prisinta ko.
"Hindi.Tutulungan kita"sabi niya.
Naghugas kami ng pinggan at nalinis ng bahay dahil pangatlong araw na namin to.Aalis na rin kami mamaya.
Naglinis kami ng banyo.At hindi sinasadyang nadulas si Seb.Nahawakan niya ako kaya nasama akong matumba.Pumaibabaw siya sa akin.
Tumayo din kami agad.Hindi namin inaasahan ang nangyari.May nakakita sa amin.Si Andrea.
"Andrea?"gulat na sabi ni Seb.
Galit siyang lumapit sa akin.
"At parang gulat ka pa na nandito ako."sabi niya kay Seb.
"Bakit?kasi hindi na kayo makakapag landiin ng babaeng to ganun ba?"sigaw niya.
"Andrea please!wlang landiang nagaganap dito"sabi sa kanya ni Seb.
"Akala mo ba maniniwala ako?Mga hayop kayo"sabi niya.
"Wala kaming ginagawang masama ni Sebastian" matapang na sabi ko.
"Huh! Talaga lang?Parang ayokong maniwala"sabi niya na parang nangiinis.
Ano ba ang gusto niyang palabasin na mang-aagaw ako?Baka siya.
"Wala na akong pakielam kung hindi ka maniwala"mataray na sabi ko.
Akmang aalis na ako nang hilahin niya ako sa braso at humarap sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo para bumalik.Umalis ka tapos ngayon guguluhin mo ang buhay namin dito"sigaw niya sa akin.
"Excuse me lang Andrea.Wala akong ginugulo.Kaya pwede ba tigilan mo ako sa mga kahibangan mo!"sigaw ko sa kanya. At hinila ang kamay ko na hawak niya.
"Andrea,Jaggi please stop this" awat ni Seb.
Mabuti pang umalis na lang muna ako.Lalabas na sana ako nang magsalita ulit siya.
"Mang-aagaw.Bitch"uminit ata ang tenga ko sa narinig ko.
Nilapitan ko ulit siya.Nang gigigil ako gusto ko siyang sakalin.Pero may respeto ako sa sarili ko at kay Sebastian kaya hindi ko gagawin.
"Ako ba ang tinatawag mo o ang sarili mo?"maangas na sabi ko.
Aawatin pa sana kami ni Seb pero tinaas ko ang kamay ko.Senyas na teka lang.
"Ugh! C'mon Jaggi.Ikaw ang tinatawag ko.Mang-aagaw ka.Dahil kung hindi ,hindi mo dapat siya dinala dito"sabi niya.
"Dinala ko siya dito para maka-alala.Dahil ang alam ko nangako kang tutulungan mo siyang bumalik ang mga alaala niya pero hindi mo ginagawa"matapang na sabi ko.
"At isa pa hindi ako mang-aagaw.Dahil kung aagawin ko man siya sayo sana ngayon wala na kayo" mariing sabi ko.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas.Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta ngayon.
Naglakad lakad lang ako sa beach at naupo doon sa puno na sinisilungan namon dati.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.Ang lakas mangbwisit ni Andrea.Ang kapal ng mukha niya para sabihin yun.Grabe siya.
Dinial ko ang phone number ni Jia.
"Hello" nanginginig na sagot ko sa telepono.
["Hello Ja.Okay ka lang ba?"]
"Oo Ji.Okay lang. Nandito si Andrea"sabi ko.
["Inaway ka ng gagang yun?Hay nako pag nakita ko talaga yan kakalbuhin ko"]
"Tapos na Ji.Iku-kwento ko sayo pagbalik ko diyan mamaya"
["Sige Ji.Ingat ka ha.Bye"]
Inakap ko na lang ang tuhod ko.Pagod na ako.Pagod na pagod na akong umiyak at masaktan.Sobra sobra na ata to.
BINABASA MO ANG
Unexpected Jowa!
Ficțiune adolescențiHi! Im Jaggi Garcia simpleng student sa school namin but in just a blink of an eye nabago ang lahat and I don't know why! But let's read my story please enjoy!
